LINDSAY “Saan ba tayo pupunta, Vi? Bakit hindi na lang natin sila haharapin? Sabihin ko sa kanila na hindi mo ako dinukot,” nag-aala kong saad kay Vincent. Ngunit wala akong nakuha ano man tugon. Lakad takbo ang aming ginawa papunta sa maliit na tarangkahan sa likod ng bahay ng mansiyon. Medyo malayo pa ito sa amin. Hindi ako nag-aalala para sa sarili kundi para sa asawa ko kay Vincent dahil tiyak hindi maganda ang mangyayari kapag na huli kami. Halos mapatalon ako dahil sa sobrang takot. Nanlalambot ang aking mga tuhod. Dahil patuloy pa rin nakipagpalitan ng pagpapaputok nang baril ang mga tauhan ni Vincent at mga police. "Baby, don't be afraid. Nandito ako, hindi kita pababayaan.” Tumango lang ako sa kanya at patuloy namin binabaybay ang makipot na daan. Sa likod ng bahay. "Hanap