"Mahal mo rin ba 'ko, Chad?" Hindi ko maiwasang itanong. Hindi ko rin alam kung saan nanggagaling ang tapang ko ng mga sandaling ito. Pero tinitigan lang ako ni Chad sa mga mata. "Hayaan mong patunayan ko sayo kung ano ang damdamin ko, Lorryn." Hindi ako masyadong kuntento sa sinabi niya, pero kahit papa'no ay may assurance na ako. "Hindi ka na makikipag-s*x kahit kanino? Maski kay Jenny pa?" "Kung iyon ang gusto mo, syempre hindi ko na gagawin. I'm sorry kung naging insensitive ako. Nasanay lang yata ako na ganoon." "Naiintindihan ko naman, Chad. Bata ka pa at laki sa liberated na lugar." Nangunot ang noo niya. "What? Sinong bata?" "Ang ibig kong sabihin, mas bata sa akin." "So? Mukha naman tayong magkaedad lang. Saka, I'm old enough." Napairap ako. "O, sige na po." Pagsang-ayo