Nakakainis talagang manghila itong si Chad, akala mo ay matatanggal sa pagkakakabit ang mga buto ko sa braso sa balikat ko. Ang bilis pang maglakad palabas ng disco bar. Naalala ko ang mga kaibigan ko kaya pumalag ako. "Teka nga!" Pilit kong hinihila pabalik ang kamay ko at kinokontra na ring maglakad pa. Nakalabas na kami ng bar at patungo na sa parking lot. "What?! Babalik ka nanaman sa loob para magpahawak sa ibang lalaki?" Nagulat ako sa nakikitang galit sa mga mata niya. Kasabay noon ay nagngangalit rin ang kanyang mga ngipin at bagang. "Ano bang kinagagalit mo? Lumaban naman ako, ah? Saka hindi ako babalik dun para sumayaw ulit. Yung mga kaibigan ko mag-aalala yun sa'kin." Medyo nahihilo na rin ako at ramdam kong iba na ang paraan ko ng pagsasalita. "Damn it, Lorryn. I almost ki