"Are you girls not done yet?" Si Chad kasama si Lola. Medyo mainit na rin kaya pinasok niya na ito sa loob. Halata sa mga mata ni Jenny kung gaano siya kadismayado na wala man lang siyang nahita sa pagtatanong niya sa akin. "Patapos na rin ako," tugon ko kay Chad. "Ako rin," kaagad na usal din ni Jenny. "Yung pinag-usapan natin, ha? Mahalaga yun." Dagdag niya pa kasabay ang isang pilyang kindat sa akin. Pansin kong medyo nangunot ang noo ni Chad. Kimi ko siyang nginitian bagama't may kaba ako na baka bigla na lang itong tanungin ni Jenny. "Ako na ang bahala kay Lola, Lorryn. Pag-igihan mo na lang ang session niyo ni Papa, ay este.. Sir Chad." Pinanlakihan ko na lang siya ng mga mata. Talagang diniinan niya pa ang word na session na mukhang may iba pa siyang pinapakahulugan. Doon nama