"Hi, good morning." Nakangising bati ni Jenny sa akin. Kakaiba rin ang paraan niya ng pagtingin sa akin, para bang sinusuri ako nang husto. "B-bakit ka kako nandito?" Lumabi lang siya at nagkibit-balikat. "Bakit kaya hindi ikaw ang magsabi sa akin kung bakit ako pinabalik ni Papa Chad?" "P-papa Chad?" Ulit ko sa huling tinuran niya. Medyo nakakapanting kasi ng tainga. "Oo, ni Papa Chad. Pinabalik niya ako." Nakangiting dagdag niya pa. "Uhm. Hindi ko alam kung bakit." Kunot-noong tugon ko sa kanya. Ang totoo ay gusto ko ng akyatin si Chad at tanungin ukol sa bagay na 'to. "Wala ba siyang nabanggit na dahilan kung bakit ka pinabalik?" "Wala, e. Teka.. parang may bago sayo," aniya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Medyo nakakakaba ang paraan niya ng pagsuyod sa akin. Halos