Gusto ko pa sanang mag-usisa pero pansin kong tahimik lang si Lorryn at parang malalim ang iniisip. Hindi ko alam kung tama bang unahin ko muna ang damdamin ko at kuryusidad o intindihin na lang muna siya. Sa huli ay pinili kong manahimik. Malalalim na buntong-hininga ang pinapakawalan ko habang nagmamaneho pero wala iyong epekto kay Lorryn. Naiinis ako, paano nagawang okupahin ng lalaking yun ang isip niya samantalang ako na ang kasama niya ngayon? Idinaan ko muna sa isang coffee shop ang sasakyan. Tutal naman ay mukhang medyo nabawasan na rin ang epekto ng alak sa katawan namin dahil sa kumosyong naganap kanina at baka makatulong ang mainit at matapang na kape para mas ma-relax ang isip namin parehas. "Let's go." Yaya ko sa kanya. Walang kibo naman siyang tumango at parang robot lang