Walang nagawa si Chad kung hindi ang yakapin si Lorryn at iparamdam dito kung gaano niya ito nais na protektahan. Kasabay ng kalungkutang nararamdaman niya para sa kasintahan ay ang galit naman sa Andrew na yun. Kung paano nito nagawang saktan at lokohin si Lorryn noon, pagkatapos ngayon ay magdedemand pa ng atensiyon upang makausap ulit ang girlfriend niya. Hindi siya papayag! Siguradong lolokohin at bibilugin lang ng lalaking yun ang ulo nito. "I'm sorry to hear that. He's a total jerk Lorryn. Tama lang pala yung ginawa ko sa kanya kanina. Hindi mo na dapat siya pinagtutuunan ng pansin." "Alam ko, hindi ko lang mapigilan ang sarili ko. Ang tagal na kasi ng panahon simula nung maramdaman ko yung sakit. Akala ko okey na 'ko, e. Ayoko naman maging selfish sayo kung magsisinungaling ako na
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books