KABANATA 5: BACK TO WORK

1093 Words
Ilang sandali pa ay lulan na ako ng aking kotse pauwi sa malaking bahay kung saan ako nananatili bilang private nurse ni Lola Calixta. Tanghali pa naman ang usapan namin ng kapalitan ko pero hindi ko naman matiis ang naririnig ko mula sa kwarto nina Migz. Hindi na rin ako nagpaalam sa kanilang aalis na, itetext ko na lang siya mamaya at gagawa ng alibi. Sa ganito na umiikot ang buhay ko, mahal ko ang trabaho ko hindi lang dahil sa malaking sahod kung hindi dahil napapamahal na rin sa akin ang bawat pasyenteng nahahawakan ko dati sa hospital. Si Lola Calixta ang unang pasyente na inalagaan ko sa mismong bahay nito, palibhasa nag-iisa sa buhay at tanging mga katulong lang rin ang kasama nito doon, hindi ko maiwasang makaramdam ng awa para sa kanya. Paano na lang kung wala itong ipong pera? Siguradong wala ring mag-aalaga dito ngayon. Napabuntong-hininga ako sa isiping iyon, isa ang bagay na iyon sa na-realize ko habang nakatira ako sa malaking bahay. Hindi ako pwedeng tumanda ng walang ipon, 'di bale ng walang anak o asawa, basta masiguro kong hindi ako maghihirap bago man lang ako lumisan sa mundo. Mula sa labas ng mala-mansiyong bahay ay tinanaw ko ang kabuoan noon. Ang ganda, puno ang paligid ng mabeberde at namumulaklak na mga halaman, maayos ang bahay dahil naaalagaan iyon sa repair. Pero nagtatago sa loob ng bahay ang tunay na mukha noon- ang kalungkutan. Para iyong patay na minake-up-an at binihisan lamang ng maganda. Muli akong napabuga ng hangin, here I go again, balik sa dating buhay. Boring kasi doon, stroke si Lola Calixta kaya hindi iyon halos nagsasalita, ako ang madalas kumausap sa kanya at magkwento. "Oh, ang aga mo naman?" Si Jenny iyon, ang on call caregiver na madalas kong kapalitan. Nasa sala siya at nag-aalmusal habang nakaharap sa malaking TV. Ngumiti lang ako sa kanya. "Si Lola Calixta?" "Nasa taas, katse-check ko lang sa kanya, mahimbing pa ang tulog." "Ah, kamusta naman siya magdamag?" "Ayos naman, normal lahat maliban sa blood pressure niyang bumababa minsan." Hindi ko na ikinagulat iyon, napatango na lang ako saka umakyat na sa kwarto ko at nagpalit ng pang-trabahong damit. Matapos iyon ay kaagad kong sinilip si Lola sa kwarto niya, gaya ng sabi ni Jenny ay tulog pa rin si Lola. Sinipat ko ang orasan sa wall clock niya, mag-aalas otso na. Nilapitan ko siya at naupo sa tabi niya. Lumundo ang malambot na kama pagka-upo ko roon dahilan para magising siya. Marahan siyang nagmulat ng mata at ngumiti pagkakita sa akin. "Lola, oras na po ng almusal niyo at pag-inom ng gamot. Lalabas pa po tayo sa garden para magpainit at magpahangin." Malambing na usal ko. Kita ko ang pagningning ng kanyang mga mata. Paraan iyon ng pagsang-ayon niya sa akin. Kumuha na ako ng maligamgam na tubig at malambot na towel, nilinisan ko muna siya bago maingat na ini-upo sa wheelchair at ibinaba na. Maliban sa hagdan paakyat at baba sa second floor, sa gilid noon ay may flat na daanan para sa wheelchair ni Lola. Pagbaba namin ay sakto alas otso na, ihinahanda na ng katulong na naka-toka sa kusina ang nakablend na pagkain ni Lola. Nakakatuwa na may ideya rin sa medical ang nag-aasikaso ng pagkain nito, kailangan kasi ay sapat ang bawat ingredients na pagsasama-samahin upang manatiling maging malakas at mabilis na gumaling ang matanda. Ipinadadaan ang pagkain sa feeding tube at sa dextrose na inilalagay sa ilong nito. "Lola, uuwi na po ako, ha?" Si Jenny iyon. Nakapang-alis na ito at nakahanda na rin sa pag-alis. Marahang tumango si Lola sa babae. Maging ako ay nginitian na rin siya. "Thank you." Simpleng pasasalamat ko sa kanya. Malaki ang kita niya sa magdamag lang na pagbabantay kay Lola. Kung tutuusin, mas malaki pa iyon sa arawang sweldo ko pero hindi ko na masyadong iniisip. Malaking bagay na alam kong matino ang on-call na kapalitan ko tuwing may lakad akong importante. Kung iba-iba lang siguro ay nagtake-advantage na sa bahay. Madali lang iyong mananakawan kung gugustuhin ng isang tao. May CCTV naman pero hindi sa kwarto kung saan nakalagay ang maituturing na kayamanan ng matanda, nagtataka nga ako kung bakit sa lahat ng lugar sa loob ng bahay, tanging iyon ang walang matatawag na bantay. Ilang sandali pa ay nasa labas na kami ni Lola, sariwa ang hangin at katamtaman lang ang init na nagmumula sa araw, masarap sa balat. Doon ay dina-dry massage ko ang ilang parte ng kanyang katawan, sinusuklayan ang maikling buhok niya at nakikipag-kwentuhan na rin sa kanya. Kahit wala akong naririnig na tugon mula sa kanya, sapat na sa akin ang katotohanang alam ko na naiintindihan niya ako. Kung minsan ay pinipisil niya ang kamay ko, hindi iyon ganoon kalakas dahil nag-aadjust pa rin ito. "Kaunting tiis na lang Lola, sigurado akong makaka-recover na kayo. Tapos pupunta tayo kung saan may magandang dagat para makaligo tayo doon. Gusto mo ba yun, Lola?" Nakangiting tanong ko sa kanya habang nakaupo sa tapat niya at minamasahe ang binti niya. Ngumiti naman siya at tumitig sa akin. Inayos ko ang buhok na humaharang sa mata niya, "Kaya bilisan mong magpagaling Lola." "Lola!" Hindi ko mapigilang mapapitlag sa malakas na bulalas na iyon mula sa kung saan. Iginala ko ang mga mata ko at mula sa kabilang gilid ng garden ay natanaw ko ang isang lalaki. Napakunot-noo ako habang sinusuri ng tingin ang lalaki. Bata at mukhang teenager pa ito kung mukha ang pagbabasehan bagama't maayos ang hubog ng katawan. Mukhang hindi lang match ang kabuoan baby face nito sa matured at ma-muscle-muscle na katawan. Patakbo itong lumapit sa gawi namin, kaagad akong nakaramdam ng pagkataranta kaya hinarangan ko ang lalaki sa paglapit sa amin lalo na kay lola. "Hep, teka lang. Diyan ka lang." Huminto naman ito at takang-takang tumingin sa akin. "What are you doing?" Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at tinawagan ang mga bantay na security guard sa bukana ng village. Pero ring lang iyon ng ring. "S-sino ka, ha? Paano ka nakapasok dito?" Malakas na bulyaw ko sa kanya. "What?" Napapailing na tanong rin ng lalaki sa akin. "Anong what, tinatanong kita pero tanong din ang sagot mo sa akin." Nasa mukha ng lalaki ang inis. "Umalis ka nga diyan at lalapitan ko ang lola ko." Maotoridad na utos niya sa akin. Pero hindi ako nagpatinag. "No!" Mariing tugon ko sa kanya. Hindi ko siya kilala at sagutin ko ang kaligtasan ni Lola Calixta. Magkakamatayan muna kami bago niya mahawakan kahit dulo lang ng daliri ni Lola..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD