Masakit na tama ng sikat ng araw ang nagpagising sa nahihimbing kong diwa. Napabalikwas ako ng bangon, hindi kasi ako sanay na inaabot ng sikat ng araw sa higaan. Inakala ko ring nasa bahay ako ni Lola Calixta, pero nakahinga naman ako nang maluwag pagkatapos na maalala ang kaganapan nang nagdaang gabi. Marahan kong ihinilamos ang dalawang palad sa'king mukha at napabuntong-hininga. Plano ko pa sanang panuorin si Chad na noo'y malalim pa rin ang tulog ng maalala ko ang cellphone ko. Si Jerome! Hindi ko man lang naalalang itext kagabi. Kaagad akong naghalungkat, partikular na sa bulsa ng suot na pantalon ni Chad. Pero nanghina ako ng matagpuan iyon sa loob ng CR at basang-basa. Hindi ko pa man nadudukot ang bulsa ay abot-abot na ang kaba ko. Hanggang sa makapa ko doon ang ang hinahanap