Chapter 16
Getting to know the Twins
Nagtataka si Lorie kung bakit hindi siya pinapansin o kinakausap man lang ng kambal. Kahapon pa ito nagkakaganun at halata namang iniiwasan siya ng kambal. Hinayaan niya lang ito ngunit kahapon ngunit ngayon ay ganoon pa rin ito sa kanya. Hindi na makatiis si Lorie kaya ang ginawa niya ay kinumpronnta niya ang kambal.
“Ittai nani ga warui no Naze watashi o sakete iru nodesu ka?” (What the hell is wrong with you? Why are you avoiding me?) nagagalit na tanong ni Lorie sa kambal at hinarangan ang daan nito.
“Harete, Lorie.” (Move away, Lorie.) malamig na sagot ni Rovie na hindi tinatapunan ng tingin ang kapatid.
“What did I do wrong, Rovie?” sumusukong tanong ng kapatid.
Malamig na tingin ang ipinukol ni Rovie sa kapatid niya na ikinatigil nito. Natameme si Lorie sa klase ng tingin na ibinibigay sa kaniya ni Rovie at hindi niya pa nakikita ang ganoong uri ng titig mula sa kapatid kundi ngayon lang. Hindi alam ni Lorie kung ano ba ang kinagagalitt ng kambal o kung ano ang nagawa niya. Wala talaga siyang kaalam-alam kaya naman ay napu-frustrate siya ng todo.
Tiningnan lang siya muli ng kapatid at iniwasan siya tyaka ito tuluyang lumabas ng apartment nila. Wala na rin nagawa si Lorie kundi hayaan nalang ito at baka tuluyan pa silang mag-away dalawa. Pinaka-ayaw talaga ni Lorie iyong mamasamain siya kahit wala naman siyang ginawa at wala siyang maisip na dahilan para magalit sa kaniya ang kapatid.
Nawalan na ng gana si Lorie na pumasok sa trabaho kaya nakapagpasya siya na hindi na nga lang pumasok. Hindi din naman siya makakapag-focus sa trabaho lalo na at ayaw siyang kausapin o pansinin ng kapatid niya. Ayaw niyang ginaganun siya kahit na ba kapatid niya pa ito.
-----
Nang tuluyan ng makaalis si Rovie sa bahay nila ay napabuga nalang siya ngg hangin. Mabigat sa loob niya na hindi pansinin ang kapatid pero hindi niya rin mapigilan o makontrol ang sarili na mainis sa kapatid. Hindi niya alam kung bakit siya nagkakaganun. Hindi niya rin masabi na dahil iyon sa stress dahil hindi naman talaga siya stress. Siguro nagtatampo lang siya sa kapatid niya. Hindi maipaliwanag ni Rovie kung ano ang nangyayari sa kaniya. Hindi niya maintindihan ano ang nangyayari sa sarili niya. Basta naiinis siya sa kapatid niya.
“Nasaan si Lorie, Rovie? Hindi ata kayo magkasama ngayon pumasok?” tanong ng isa sa kasamahan nila pagdating niya sa coffee shop.
“Ah oo. May iba pa kasi siyang gagawin at lalakarin kaya nauna na ako. Pero mamaya ay nandito na siya. May dinaanan lang talaga.” Pilit ang ngiti na sagot ni Rovie sa tanong ng kasamahan at sinuot ang uniform nila sa trabaho.
Nagpunta sila sa kaniya-kaniya nilang trabaho at hindi na alintana sa isipan ni Rovie ang kapatid. Magfo-focus nalang muna siya sa trabaho kaysa isipin niya ang mga walang kabuluhan na mga bagay na magpapa-init lang ng ulo niya. Kakausapin niya din ang kapatid kapag maayos na ang sarili niya. Sa ngayon, magpapalamig na muna siya ng ulo.
Nang mag tanghali na at lunch break na nila ay nagpunta lang si Rovie sa staff room at doon kumain. Gusto niyang mapag-isa muna kasi. Tiyak na magtataka ang mga kasamahan niya sa ginagawa niya ngunit walang pakialam si Rovie sa bagay na iyon.
Malapit ng maubos ni Rovie ang pagkain niya nang tawagin siya ng isa sa kasamahan niya.
“Rovie, may naghahanap sayo.” Anito at parang kinikilig ito habang sinasabi iyon.
Uminom ng tubig si Rovie at mabilis na nilagok ang tubig at kinakain. “Huh? Sino naman?” curious na balik tanong ni Rovie.
“Basta! Puntahan mo nalang. Nasa table eleven.’ Ipit ang boses at kinikilig pa rin na tugon nito.
Hindi man maintindihan ni Rovie ang naging reaksyon ng kasamahan niya ay pinuntahan niya pa rin ang taong naghahanap daw sa kaniya. Wala naman siyang kakilala na pwdeng maghanap sa kaniya sa trabaho. Kaya palaisipan para kay Rovie kung sino ang taong iyon at ano ang kailangan nito sa kaniya.
Pagkapunta ni Rovie sa table eleven ay nakita niya ang isang nakatalikod na lalaki. Sa tingin niya ay sumisipsip ito ng kape. Nilapitan ni Rovie ang lalaki at nagulat ito sa pagsulpot niya. Nabuga pa nga nitto ang iniinom na kape dahil sa pagkabigla.
“Are you okay? Hinahanap ko raw ako? Bakit?” tanong ni Rovie kay Chris matapos nitong makabawi mula pagkakabulunan sa kape.
“Hi! I’m okay. Come sit and join me,” he answered while smiling. Tumaas ang kilay ni Rovie dahil sa sinabi nito at nagdududang tingin ang ipinukol niya.
Umupo din naman kapag kuwan si Rovie kaharap ni Chris. “Alam mo bawal ditto sa amin ang magtable ng waitress. Mali ka ata ng lugar na pinuntahan.” Pagbibiro ni Rovie sa lalaki.
Tumawa si Chris sa biro niya at napailing. “Nakakatuwa ka talaga,” tumatawang saad ni Chris. Hindi niya talaga kaya pigilan ang tawa niya.
“Hindi ko alam mukha na pala akong clown ngayon.” Nakangiwingg reaksyon ni Rovie na nagpatigil sa pagtawa ng lalaki.
“That’s not what I meant. You’re amusing in a good way and you make me laugh.” Nakangiting tugon ng lalaki. Pakiramdam ni Rovie ay uminit at namula ang pisngi niya dahil sa sinabi nito.
“It’s what clowns do. Make someone laugh.” Kumento ni Rovie kahit sa loob niya ay may kung ano na ang nararamdaman niya. “Bakit ka nga ba nandito at ano ang kailangan mo? Wala ka bang trabaho?” tanong ni Rovie kapag kuwan. Bigla niya kasing naalala kung bakit ito nandito at hinahanap siya.
“Nah. I don’t have work today. I’m here to chill and want to talk to you. Is it okay for you if I’ll ask you some question and will get to know you more?” tanong ng lalaki sa kaniya.
“Bakit naman? For what reason? At tyaka wala bang magagalit na nandito ka? Are you married or in a relationship or something?” sunod-sunod na tanong ni Rovie na nagpatawa na naman ulit sa lalaki.
“Nah. I’m single and ready to mingle. I’m here because I’m interested in you, Rovie.” Seryosong saad ng lalaki at pinakatitigan siya sa kaniyang mga mata.
Namula muli ang mga pisngi ni Rovie at hindi alam kung ano ang isasagot o irereact niya sa lalaki. She wasn’t prepared for it. Hindi rin alam ni Rovie kung trip-trip lang ba ito ng lalaki o hindi. Parang biglaan kasi at isa pa hindi sila ganoon na magkakilala.