Chapter 4

1285 Words
Chapter 4 First Encounter  Dahan-dahang lumapit si Yangli sa pwesto ni Chris dahil balak niyang gulatin at bwisitin na naman ito. Inextend ni Yangli ang kanyang mga kamay para gulatin at itulak ang kaibigan ngunit nagsalita na ito bago pa man niya nagawa. “Quit it, Yangli, I’m not in the mood to mess with you today,” ani Chris na nakatingin lang sa kawalan. “Bakit ka naman wala sa mood, Manong? Nagtatampo ka pa rin ba dahil sa two weeks suspension mo sa trabaho?” tanong ni Yangli at tumabi kay Chris tyaka humilig sa railings. Nasa ikalawang palapag kasi sila ng headquarters at nasa terrace sila nakatambay. “No. Wala akong pakialam kung gaano pa katagal ang suspension ko. I’m just still wondering, who is the person that killed all those men and let Gustavo’s daughter get away,” sagot ni Chris at napabuntong-hininga. “You know what, maybe you should unwind first. Make most of the two weeks break they gave you. Mahahanap din natin ang taong iyon. Besides, Alexis is on it and he will figure it out soon.” Ani naman ni Yangli na ikinangiti ng huli. “Alam mo, tama ka. Mahahanap din ang taong ‘yon. Magre-relax nalang muna ako habang suspended pa ako. Thanks gal!” at ginulo ni Chris ang buhok ni Yangli dahilan para mapabusangot ito. “Hey! Hindi na ako bata! You don’t have to call me, gal!” inis na saad ni Yangli at inayos ang kaniyang nagulo na buhok. Ang pinaka-ayaw niya talaga sa lahat ay iyong nagugulo ang buhok niya. “Nasaan pala si Boss Alexis ngayon, Manong?” tanong ni Yangli pagkatapos niyang ayusin muli ang kaniyang mga buhok. “Nobody knows. Hindi naman nagsasabi iyon kung saan siya pupunta.” Mahinahong sagot ni Chris at kumuha na isang stick ng sigarilyo sa bulsa niya tyaka ito sinindihan at hinithit. “Naninigarilyo kana naman, Manong! Alam mong ayaw ko sa amoy ng usok niyan,” nababalisang saad ni Yangli at lumayo sa kaibigan. May phobia kasi ito sa usok. Hindi alam ni Chris ang buong pangyayari pero ang alam lang niya ay naligtas ito noong bata pa sa nasusunog na bahay at dinala sa bahay-ampunan. Simula noon wala nang maalala si Yangli maliban sa nangyaring sunog at sa pagdala sa kaniya doon sa bahay-ampunan. Hindi din maalala ni Yangli ang mga tunay na mga magulang. Nagtutulungan din sina Chris at Alexis na mahanap ang tunay na magulang nito ngunit pahirapan sila sa paghahanap ng impormasyon. Walang ibang nakakaalam sa pinagmulan ng sunog maliban sa mismong may-ari ng bahay na ilang taon na din palang patay na. Alam kasi nila na hindi buo ang pagktao ng kaibigan nila hanggat hindi nito nalalaman ang lahat at kung ano ang katotohanan sa pagkatao nito. Oo nga’t maayos at magara ang buhay nito sa bagong pamilya na kumupkop sa kaniya pero may mga limitasyon pa rin sa lahat ng mga pwede niyang gawin. Alam ni Chris na gustong makita o makilala ni Yangli ang mgaa totoong magulang nito kahit hindi nito iyon sabihin. Sino ba naman kasi ang ayaw na makilala ang tunay nilang magulang unless nalang siguro kung initsapwera kana talaga. Pakiramdam din ni Chris hindi makukumpleto ang pagkatao ni Yangli kung hindi nito makikilala ang tunay na mga magulang. Hindi na tinapos ni Chris ang paninigarilyo niya at itinapon nalang ang tirang sigarilyo matapos niyang patayin ang sindi nito. “I’m sorry. I forgot you dislike smoke,” Chris said, throwing the cigarette away. “Thank you, Manong. It means a lot.” Yangli on the other hand smiled and embrace her friend. A simple gesture means a lot for her. It only shows how much he care for her. According to him, she’s his younger sister. So, of course he cares for her a lot. Nakangiti lang si Yang na nakatanaw sa magandang tanawin sa harapan niya at pinapakiramdaman ang hangin. Ang sarap ng simoy neto at para siyang dinuduyan dahil sa preskong dala ng hangin. Naipikit ni Yangli ang mga mata at sabay na nagdasal ng taimtim. Kung ano man ang pinagdasal niya ay sa kaniya nalang iyon. _____ Lulan si Alexis sa kotse niya at nagmamaneho na pauwi. Pagabi na rin at kailangan niyang makauwi na dahil excited siya sa luto ng mayordoma nila. Ito na ang nagsilbi at tumayong nanay niya simula pagkabata niya. Focus na focus si Alexis sa pagdadrive ng biglang may lumitaw na isang babae sa ‘di kalayuan kaya napabreak at napahinto siya ng wala sa oras. Napapamura na lang din siya sa isipan niya at galit na lumabas ng kaniyang kotse. “What the hell, woman? Kung magpapakamatay ka huwag mo ako damayin!” inis na singhal ni Alexis sa babae. Hindi niya pa aninag ang mukha ng babae dahil nakayuko ito. Nang iangat ng babae ang ulo niya ay kita ni Alexis ang takot sa mukha nito. “Kuya, pwede mo ba ako tulungan?” takot na takot ang boses nito ng magtanong. “May mga humahabol kasi sakin na hindi ko kilala. Pwede ba ako makisakay kuya? Please…” makaawa nito sa kanya. Nag-aalangan si Alexis kung tutulungan niya ba ang babae at maniwala sa mga sinasabi nito. Marami na kasi ang mga manloloko sa panahon ngayon at iba-iba ang mga mudos nila. Kaniya-kaniyang diskarte para manloko ng kapwa. Biglang nakarinig si Alexis ng mga boses ng mga kalalakihan sa hindi kalayuan kaya napakunot ang noo niya. Nakita niya din na naging balisa ang babae at natatarantang lumapit sa kaniya at humawak sa braso niya. Napabuntong-hininga na lamang siya at nagpasyang tulungan na nga lang ang babae. “Get in,” utos niya sa babae at binuksan ang kabilang pintuan ng kotse niya. Pumasok din sa loob ang babae tiyaka niya sinarado ang pinto at umikot siya sa kabilang pwesto kung saan siya magmamaneho. “Saan ka nakatira?” tanong niya sa babae ng makapasok siya ulit sa loob ng kotse at naisuot ang seatbelt niya. “Sa Xavier Estates lang,” simpleng sagot ng babae. Napakunot muli ang noo ni Alexis sa sagot ng babae. “Sa XE ka? Bakit hindi kita nakikita doon?” curious na tanong niya sa babae. “Tiga XE ka din? I don’t see you there as well. I hardly go out, maybe that explain why.” She answered while her eyes on the road. Namamangha si Alexis sa ganda ng accent ng babae nang mag english ito. “Was that a British accent I heard just now? You’re great at it,” Alexis couldn’t help himself not to praise the woman and her accent. She’s amazingly good at it. The woman awkwardly chuckled and avoided his gaze. “Yea, I’m studying Linguistic and it’s my major, English. Ha ha ha ha…” she awkwardly laugh and bit her lower lip to restrain herself. “Do you live alone?” usisa ni Alexis sa kaniya. Napakagat labi muli ang babae bago tumango. “Yea, I live alone.” She averted her gaze again and Alexis didn’t ask any further questions. When they reach their destination the woman ask him to stop in a corner, so he did. “Thank you for letting me hop in our car, Mister!” she cheerfully said and ascended off from the car. She then happily waved her hands as a gesture of goodbye. “Wait, I didn’t get your name,” he stopped her before she can close the car door. The woman smiled at him and said, “Call me, Lorie, Mister Alexis. I just saw your name in your ID. Toodles!” then she shove away. Unknowingly, Alexis smiled before he drove off to his house.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD