Chapter 6

2229 Words
Chapter 6 They Meet Again  Alexis is on his car right now driving to his work. But before going to work he needs to stop by in Chris place to pick him up. It’s been two weeks since his suspension and everything is not normal without his crazy partner. After a few minutes, he reached Chris’ house and he started honking his car from outside. Afterwards, Chris came out with a grumpy look in his face. Alexis unlocked the car door and Chris opened it from his opposite side. “Ang sabi ko 9:00 am mo ako sunduin. Ano pa ba ang oras? Alas Siyete pa lang ng umaga!” Reklamo ni Chris matapos makapasok at makaaupo sa loob ng kotse. “You know I’m an early person. And I texted you earlier,” he answered and started the car then drove off. “Malay ko ba sa text mo, dre? Tulog pa ako kanina at dapat tulog pa rin ako ng mga ganitong oras.” Nagmamaktol pa rin si Chris at inis na inis siya sa kaibigan. “Shut up. Para kang babae sa bunganga mo. Ilibre nalang kita ng kape.” Sinabi nalang iyon ni Alexis para tumigil na ang kaibigan sa kakadada nito. Tumahimik din naman ang kaibigan at hindi na umimik pa. Patingin-tingin lang sila at nagbabakasakali na may madaanan na coffee shop. Mahaba-habang biyahe pa ang tinahak nila bago sila makahanap ng coffee shop. Mabilis na bumaba ng kotse si Chris at iniwan ang kaibigan sa loob ng kotse. Naiinis pa rin kasi siya kay Alexis. Narinig niyang umismid ang kaibigan kasunod niya. Mukhang naiinis na rin ito sa kaniya at sa kaartehan niya. Magkasunod silang dalawa pumasok sa coffee shop at agad na pumunta si Chris sa may counter at nag-order ng kape niya. Nag-order na din si Alexis ng black coffee kasunod niya at isang blue berry cheese cake. Naghanap lang sila ng mauupuan para inumin ang kape na binili nila. Nakaupo lang sila at walang kibuan sa isa’t-isa. Ninanamnam ang kaniya-kaniya nilang kape. Mamaya pa din naman ang pasok nila sa trabaho kaya okay lang na magrelax na muna sila sandali. Hindi pa rin sila nagkikibuan dalawa. Alam ni Chris na kapag ganiyan ang kaibigan may malalim itong iniisip at isa pa din naiinis na din ito sa kaniya. Nakatanaw lang kasi ito sa labas ng bintana habang sinisipsip ang kape nito. “Here’s your blueberry cheese cake, Sir.” Anunsyo ng isang waitress. “Thank you,” siya nalang ang nagpasalamat para sa kaibigan. “Enjoy your cake.” Tugon naman ng waitress at akmang aalis na ito ng pigilan ito ni Alexis sa pamamagitan ng paghawak sa braso nito. “It’s you!” Gulat na hayag ni Alexis ng makita ang babae kahit si Chris ay nagulat sa biglang paghiyaw ng kaibigan. “Excuse me?” naguguluhang saad ng waitress at tiningnan ang kamay ng lalaki na nakahawak sa braso niya. Ayaw pa naman ng babae na hinahawakan siya sa braso lalo na at isa pa itong lalaki. “Don’t you recognize me? We met last night,” he said and unconsciously his gripping the waitress’ arm tightly. “I don’t know what you’re talking about, Sir. I ask you to let go of my arm and we will all be okay.” May halong pagbabanta sa boses ni waitress a seryosong nakatingin sa lalaki. “Hey man, let her go. You’re already harassing her.” Singit ni Chris na napapansin na ang tensyon sa dalawa. “Shut up!” pinukulan ng masamang tingin ni Alexis si Chris at binalingan muli ang babae. “How come you didn’t know? Is this one of your modus, Miss?” naiinis na tanong ni Alexis dito. Hindi niya maintindihan kung bakit ‘di siya nakikilala ng babae. Nagitla silang dalawa ni Chris nang biglang hablutin ng babae ang kaniyang braso at isang nakakapasong tingin ang natanggap nila mula sa kaniya. “Look, Sir…” panimula ng waitress. “I don’t know what’s going on and what you’re saying is. I honestly don’t know you. I don’t care who you are and what you do. Just leave me alone because I still have work to do. If you really want some trouble we can settle it somewhere else but not here in my workplace. Now, if you’ll excuse me, Sir, I still have other costumers to attend. Have a nice day, both of you.” Then the woman left after saying all of that. Napatanga lang silang dalawa pagkatapos ng mga sinabi ng babae. Hindi sila makapaniwala na sobrang tapang nito. Nagulat at namangha din si Chris dahil kaya nitong barahin si Alexis na kahit siya hindi niya magawa-gawa. At ang mas nakakagulat pa para sa kaniya ay hinahayaan lang ng kaibigan na bastusin siya at isang babae. Nang tuluyan ng makaalis ang babae ay tinapik ni Chris sa balikat ang kaibigan at doon lang ito natauhan. “What was that, man? Do you really know her? How did you know her?” magkakasunod na pagtatanong niya sa kaibigan. “None of your business.” Ang tanging isinagot ni Alexis at pinagtuunan ng pansin ang cake niya. Nagkibit balikat nalang din si Chris at hinayaan ang kaibigan. Nilingon niya ang waitress at nakita niyang seryoso itong nagtatrabaho pagkatapos ay binalingan niya muli ang kaibigan tiyaka napailing. Mukhang may hindi sinasabi sa kaniya ang kaibigan ah. ----- Pagkatapos ng insedente sa coffee shop kanina ay hindi na nagawa pa ni Chris na kulitin at tanungin si Alexis patungkol sa nangyari. Nahihiwagaan kasi siya sa pangyayari at gusting-gudto niya talaga malaman ang ugnayan ng dalawa. Sa kabilang banda naman, nakatanga lang si Alexis at maraming tanong sa isipan. Bakit hindi siya nakikilala ng babae. Ano nga ba ulit ang pangalan nito. Nagpapahard-to-get ba ito sa kaniya at nagkukunwaring hindi siya kilala. Mga ganoong tanong ang bumabagabag kay Alexis buong maghapon. Ngunit ang pinagtataka din niya ay ang pag-iiba ng accent nito habang nagsasalita kanina. Nawala ang britanong aksent nito at higit sa lahat, iba ang pag-uugali nito. “Brother Alexis, ano iniisip mo?” Natigil si Alexis sa pag-iisip ng malalim ng bigla siyang akbayan ni Yangli. “Just random things. Bakit ka nandito? Diba may misyon ka ngayon at undercover ka?” balik tanong ni Alexis dito. Umismid si Yangli at sabay na napairap sa tinuran niya. “Kinuha nung isang babae ang dapat na misyon ko, kaya ngayon nakatengga ako. Naghihintay ng utos sa taas. Ikaw bro, kumusta naman iyong sa ’yo?” tanong ulit ni Yangli sa kaniya. Napabuntong-hininga si Alexis at tumingin sa kawalan. “Ang lalim nun bro. May bumabagabag ba sa ‘yo?” concern na tanong ni Yangli sa kaniya. Ginulo nalang ni Alexis ang buhok ni Yangli at hindi sinagot ang tanong. Napasimangot naman si Yangli sa ginawang paggulo niya sa buhok nito. “Bakit ba ang hilig niyong dalawa ni Manong Chris guluhin buhok ko ha? Ano ba meron sa buhok ko at trip niyong gawin iyan?” nakasimangot na tanong ni Yangli. “That’s a sweet gesture, Yang. It means you’re dear to us.” Sagot naman ni Alexis sa tanong nito. “Weh? Imbento ka brother. Ano bang sweet sa paggulo niyo sa buhok ko? Nakakairita kamo.” Nagmamaktol na saad ni Yangli. Hindi na magrereklamo Yangli dahil alam niyang hindi din naman titigil ang mga ito sa paggawa ng bagay na iyon. Nagiging habit na nga siguro ng mga ito ang paggulo sa buhok niya. Paano pa nga bad din siya aangal eh mas matangkad sa kaniya ang mga ito. Pero aaminin din niya maganda din si pakiramdam. She feel so safe and cared every time they are doing it to her. Never niya pa kasing nakikita ang mga ito na ganoon sa iba. Siya lang ata ang bukod tanging nakakakita at nakakaalam sa soft side ng dalawa. Palaging totoo kasi ang mga ito sa kaniya at walang tinatago. They really do treat her as their sister and she is very thankful for that because she found real friends with them. Mahinang natawa si Alexis sa tinuran ni Yangli kaya nagpasya siyang ayain nalang ito. “Samahan mo ako uminom, Yang, libre ka ba?” pag-aaya niya. Mabilis na tumango si Yangli na walang pag-aalinlangan. “Aba! Oo naman brother. Minsan ka lang mag-aya eh. Let’s go!” excited na saad ni Yang at nauuna pa nga ito kesa sa kaniya. Alexis shook his head in amusement. Minsan kasi talaga ay lumalabas ang pagiging bata ni Yangli at natutuwa siya kapag ganoon ito. Iba kasi si Yangli pag nagseryoso na. Hindi makausap ng maayos at maiikling sagot lang ang nakukuha niya. Para itong female version niya kung sakali. Mabilis na pumasok si Yang sa kotse ni Alexis at may malapad ang ngiti na nakapaskil sa kaniyang labi. “Si Manong Chris ba hindi natin isasama?” biglang tanong ni Yang nang makapasok siya sa loob ng kotse. “Pabayaan mo na iyon,” sagot ni Alexis at pinaandar ang kaniyang kotse. Natawala nalang din si Yangli sa kaniyang tinuran. “Why are you laughing?” nakakunot noo na tanong ni Alexis at nagsisimula ng magmaneho. “Wala naman. Nakakatuwa lang talaga kayong dalawa.” At tumawa na naman si Yangli. “Tsk!” tanging reaksyon ni Alexis at hinayaan nalang niya na pagtawanan siya ng kaibigan. ‘Di kalaunan narating din nila ang bar na paborito ni Alexis. Alas siyete pa lang ng gabi pero marami ng tao sa loob ng bar. Pagkapasok nila sa loob ay masyado ng crowded sa loob. “May table na po ba kayo, ma’am at sir?” tanong ng bouncer na nakabantay sa labas ng bar. “I’m a regular customer here. Here’s my card.” Alexis handed the VIP card to the bouncer and he immediately let them in. “The perks and privileges of a very important person. Regular customer ka nga brother. No doubt.” May halong pang-aasar sa boses ni Yangli ng sabihin niya iyong ngunit inignora lang iyon ni Alexis. Isang staff ang lumapit sa kanila at agad na pinakita ni Alexis ang kaniyang card. “Sa VIP Room 6 po tayo, ma’am at sir. Follow me lang po.” At giniya sila ng staff papunta sa room na iyon. The room is so classy and extravagant. Structure pa lang ng kwarto humihiyaw na ito ng karangyaan. Everything screams wealth from interior design and luxurious things inside. Napapalibutan sila ng marble at sobrang mahal na leather couch. Kung mga ordinaryong tao lang sila siguro mamamangha at maamaze sila. Magiging ignorante sila kung sakali. “What would you like to order customers?” isang babaeng staff ang pumasok para hingin ang order nila ngunit nagulat nalang si Yangli nang magkasabay na nagturuan ang babae at si Alexis. “Ikaw na naman!/You again!” sabay na singhal ng dalawa kaya nagpalipat-lipat ng tingin si Yangli sa kanila. “Magkakilala kayong dalawa?” tanong ni Yangli. “No/Yes!” magkasabay na sagot na naman ng dalawa. Napatawa nalang si Yangli at napatakip sa bibig niya. Mukhang magiging maganda ang gabi niya dahil sa dalawa. Makahulugang tingin ang ipinukol ni Yangli kay Alexis at sinimangutan lang siya nito. “Sinusundan mo ba ako?” maangas na tanong ng babae kay Alexis. “What a thick face. Baka ikaw ang sumusunod sa ‘kin,” malamig na tugon ni Alexis dito. “Ikaw ang makapal. Nagtatrabaho ako dito. Stalker ka ba?” naiinis na tanong muli ng babae. “Don’t think so highly about yourself, Miss. I’m not stalking you. I’m here to drink and unwind with my friend.” Naiinis na rin na sagot ni Alexis sa babae. Nagkakasalubong na din ang mga kilay nito at halatang malapit ng maubusan ng pasensya. Nakamasid lang si Yangli sa may gilid, nakatingin at nakikinig sa live na palabas sa haraban niya ngayon. Gusto niyang matawa sa nangyayari ngayon ngunit alam niyang mas lalong maiinis si Alexis kapag ginawa niya iyon. “Tss. I’ll get your order then,” ani nalang ng babae at mukhang ayaw na makipagtalo pa kay Alexis. Binigay na nila ang kaniya-kaniya nilang order tyaka umalis ang babae. Hindi na napigilan ni Yangli ang hagikhik niya. “I’m sorry. Hindi ko lang talaga kayang pigilan bro. Sino ‘yon?” natatawa pa ring tanong ni Yangli. “A random gal I met in the middle of the road last night. Nakakapagtaka nga na hindi niya ako makilala eh. Which is absurd! And I’m still trying to remember her name. I remember she told me her name is Rosie, something like that.” inis na tinuran ni Alexis. Nakatitig lang si Yangli sa kaniya bagamat iniexamine siya nito. “What?” naiilang na tanong ni Alexis. “I don’t know, brother. You look bothered and annoyed at the same time. It seems like a big deal for you that she didn’t recognize you. Do you like her, brother?” straight forward na tanong ni Yangli sa kaibigan. “Heck no!” mabilis na pagtanggi ni Alexis na ikinatawa ulit ni yangli. She never thought she could see him flushed and be embarrassed like that. Nacu-curious tuloy siya about doon sa babae. Maybe some other time she will come visit again and talk to her. And it would be fun to tease her friend, Alexis, about it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD