Chapter 13
Goofball
Nagce-celebrate ang lahat dahil sa matagumpay na operasyon nila. Nanunood lang si Lorie mula sa labas habang nagkakasiyahan ang mga kasamahan niya sa loob.
Nakita ni Aliyah na mag-isa lang si Lorie sa labas kaya nilapitan niya ito para kausapin. Gusto niya din kasing i-congratulate at pasalamatan ito dahil sa ginawa nito.
“I heard about what happened and what you did. You did a great job.” Puri ni Aliyah kay Lorie na tiningnan lang siya at wala itong imik.
Naintindihan agad ni Aliyah ang ibig sabihin ng pananahimik ni Lorie kaya umalis nalang siya at iniwan itong mag-isa doon. Bago pa man siya makaalis ay nilingon muli ni Aliyah si Lorie ngunit wala itong pakialam sa kaniya. Sa totoo lang, gusto niyang makipagkaibigan kay Lorie ngunit hindi ito interesado at alam ddin niyang ayaw siya nitong maging kaibigan dahil sa ginawa niya.
-----
Kakauwi lang ni Rovie mula sa pag go-grocery at nakita niyang madilim pa ang apartment nila. Gamit ang susi ay binuksan ni Rovie ang pinto at kinuha ang mga pinamili niya pagkatapos niyang sindihan ang ilaw.
Pumasok sa loob si Rovie na bitbit ang mga groceries na pinamili niya. Nang malagay niya ang mga grocery sa dapat na paglalagyan ay tiningnan ni Rovie ang oras sa wrist watch niya. Alas otcho pa lang din naman ng gabi at maaga pa kaya umupo nalang muna si Rovie sa sofa para hintayin ang kapatid.
Sinandal ni Rovie ang likod at leeg sa sofa tyaka niya pinikit ang mga kaniyang mga mata para magpahinga. Nakakapaggod kasing maggrocery pala at doon lang napagtanto ni Rovie na hindi nga madali. Kadalasan kasi ang kambal niyang si Lorie ang nag go-grocery. Ayaw kasi siya nitong palabasin at baka daw mapahamak pa siya sa labas.
Hindi namalayan ni Rovie na nakatulog na pala siya sa sofa sa paghihintay sa kambal niya. Nakaligtaan na din niya ang kumain ng hapunan dahil dito.
Maya-maya, dahan-dahang binuksan ni Lorie ang pinto ng apartment at tahimik na gumagalaw upang hindi makalikha ng tunog dahil baka ay natutulog na ang kapatid. Pagkapasok sa loob ng apartment ay nakita agad ni Lorie ang kapatid na natutulog sa sofa. Napangiti nalang si Lorie sa simpleng bagay na iyon at pumasok sa loob ng kwarto nila para ikuha ng kumot ang kapatid. Mabilis na bumalik si Lorie sa sala kung saan natutulog ang kapatid at kinumutan ito.
Nakangiting pinagmamasdan ni Lorie ang kapatid niya ngunit napawi rin naman ang ngiting iyon ng mapalingon siya sa lamesa nila. Aagad na nilapitan ni Lorie ang lamesa at nakita niya ang dalawang bento box nna hindi pa nabubuksan o nababawasan. Napalingon muli si Lorie sa kambal at napabuntong hininga.
“I am so sorry if I made you wait for me, sis.” Ani Lorie na nakatingin sa tulog na kapatid.
Kinaumagahan, nagising si Rovie na nasa kama na nila siya. Bumangon siya kaaagad at lumabas ng kwarto nila para puntahan ang kapatid sa kusina. Alam niyang nagluluto ito dahil sa bango ng niluluto nito.
“Ohayo Gozaimasu!” (Good Morning!) masiglang bati ni Rovie sa kambal habang abala ito sa pagluluto.
“Good morning too, sis.” Bati pabalik ni Lorie kay Rovie.
“Sakuya nanji ni kitako shimashita ka?” (What time did you come home last night?) tanong ni Rovie habang nakapangalumbaba sa counter ng kusina.
“Probably pass ten o’clock,” maikling sagot ni Lorie at umiwas ng tingin sa kapatid.
Naitaas naman ni Rovie anng kaniyang kilay dahil sa pagiging weird nito. Napaghahalataan tuloy ni Rovie na may tinatago ito sa kaniya. Akala siguro ng kambal niya na hindi niya mapapansin iyon. Biglang may naisip na naman na kalokohan si Rovie. She cleared her throat and started acting to prank her sister.
“What did you do last night, Lorie?” seryoso kunwaring tanong ni Rovie sa kambal.
Agad na napalingon ang kapatid sa kaniya at nakita ang kunwari nitong seryoso na mukha. Kinabahan naman agad si Lorie pagkakita sa seryosong niyang mukha. Nababahala talaaga agad si Lorie kapag naggiging seryoso ang kaptid niya.
“I did some extra job and it pays a lot so I took it,” Lorie explained and couldn’t look straight in her sister’s eyes.
“You’re lying.” Seryoso pa ring saad ni Rovie na nagpalunok kay Lorie sa sarili niyang laway. Hindi siya mdaling matakot o maapektuhan man lang ngunit pag dating sa kapatid niya ay ibang usapan na iyon.
Hindi alam ni Lorie angg isasagot sa kapatid at ayaw niya din naman magsinungaling kaya tumahimik nalang siya at hindi na umimik pa. Kalaunan ay narinig niya ang malakas na tawa ng kapatid na ikinakunot ng noo niya.
“You’re making fun and teasing me again.” Reklamo ni Lorie na may busangot na mukha at inirapan ang kambal. Kung sino lang talaga ang makauna sa kanilang dalawa sa pang-aasar eh.
-----
Late ng pumasok sina Lorie at Rovie sa coffee shop dahil naghaharutan muna silang magkapatid kanina habang kumakain ng agahan. Pagkapasok sa staff room ay agad na nagbihis sila ng damit pantrabaho at nagsi-puntahan sila sa kanilang mga kaniya-kaniyang assignment. Ganoon pa rin ang trabaho ni Lorie ang kumuha ng order ng mga customers at nalipat din ang kapatid niya sa parehong assignment dahil nag-absent ang kasama niya. Nakangiting lumapit si Rovie kay Lorie at siniko ang kapatid.
“Buti nalang ditto ako na-assign.” Malapad ang ngiti ng kapatid ng sabihin niya iyon na ikinailing nalang ni Lorie.
Kaniya-kaniya ng pumapasok ang mga customer sa loob ng coffee shop at halos mapuno na agad ang mga tables nila. Kadalasan sa mga customers nila tuwing weekdays ng umaga ay mga government employee or mga tao na nagtatrabaho sa kompanya at doon na kumakain sa coffee shop. Kaya maaga pa lang ay abala na sila at busy na shop. Pagdating naman sa hapon ay medyo konti nalang ang customers nila at mostly mga kabataan naman.
Dalawang lalaki ang pumasok sa loob ng shop at halos nakukuha nila ang atensyon ng mga tao doon sa loob dahil sa kakaibangg aura na taglay ng mga ito. Napakunot nalang si Lorie sa kaniyang noo ng mapagtanto kung sino ang mga ito.
Them again! Asik ni Lorie sa kaniyang isipan at nagpunta sa staff room para hindi makita ang mayabang na lalaki na panay ang pangungulit sa kaniya.