CHAPTER 10

2012 Words

CHAPTER 10 PALINGA-LINGA si Ara sa dinaraanang walang hanggang kaparangan at kabundukan. Ang lawak nga palang talaga ng Rancho Deogracia. Hindi niya mapigilang hindi purihin ang malawak na berdeng parang. Puro berdeng d**o, puno ng niyog at mga naglalakihang mga puno na mukhang matatanda na. Nanginginain ang mga tupa at mga kambing sa damuhan sa malawak na parang at sa malapit sa paanan ng mga bundok ay mga baka. “ Kay Señorito Ryan ang buong lupaing ito, Ara. ” Napapitlag siya nang magsalita si Tinay. Sa pagkawili sa kagandahan ng paligid ay nakalimutan niyang kasama pala niya si Tinay. Patungo sila sa Stud Farm. Sinamahan siya ni Tinay dahil hindi niya alam ang daang patungo sa Stud. Si Mang Prping dapat ang maghahatid sa kaniya roon pero nagkataong may sira ang makina ng jeep.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD