Sais

1555 Words
BINISITA ni Samara si Lance habang ito'y natutulog. Sa makalawa ay aalis na ang lalaki papuntang Cebu para sa kumpletong rehabilitasyon nito. Ang pera nga naman kayang magpagalaw ng mundo. "Kamusta ka na Lance?" mahinang tanong niya rito. "Pasensya ka na ha kung bumibisita lang ako rito kapag tulog ka. Nahihiya kasi ako." Hinaplos ni Samara ang kamay ng katipan at parang nababasag ang puson niya kasi hindi man lang niya mararamdaman ang higpit ng hawak nito. "Aalis na nga pala ako bukas papuntang Cagayan de Oro." Parang may bumabara sa lalamuna niya. "Alam kong magagalit ka kapag nalaman mo ang totoo pero..." Tumingin siya sa paligid at pilit na lunukin ang mga luhang nagbabadyang dumaloy. Mabuti nalang at binigyan siya ng pagkakataon ng mga Rumbaoa na makapiling si Lance sa huling pagkakataon. "Sana hindi mo ako kamuhian," mapait na bulong niya. "Sana matupad ang mga pangarap mong maging engineer. Sana..." Papaano siya hihiling na sana magkita pa ang landas nila kung iba na ang nagmamay-ari sa kaniya? Papaano siya hihiling na sana sagipin siya ni Lance pagdating ng panahon? "Tama na Samara," saway niya sa sarili. Pinahid niya ang mga luha at nilapitan ang nobyo. Gusto kasi niyang i-memorize ang buong mukha ni Lance. Ito 'yong lalaking nagpatibok sa puso niya, ang lalaking nakaangkin sa kaniya, at ang lalaking mamahalin niya sa tanang buhay niya. Inilapat niya ang mga labi niya sa pisngi nito sabay bulong, "I love you." Nag-iyakan sila ng mga Rumbaoa habang nagpaalam sa isa't-isa. Dito na matatapos ang pahina ng libro niya sa pamilyang ito. "Be happy Sam," bulong ni Jennifer sa kaniya. Kung gaano kalungkot ang mga Rumbaoa sa kinahihinatnan niya ay siyang ligaya naman ng Nanay Nimfa niya nang malaman nitong ihahatid siya ni Sir Nathanil sa Cagayan de Oro para sa enrollment niya sa nalalapit na pasukan. "Anak, mag text ka lang ha kung may problema ka," nakangiting sabi ni Nanay Nimfa. "Mami-miss kita Ate," seryoso ang reaksyon ni Joseph na tila ba may alam pero hindi kayang bigkasin. Niyakap niya ang kapatid at bumulong, "Alagaan mo si Nanay ha. Babalik din naman ako rito kapag sem break. Magpakabait ka ha." Tumango ang kapatid. Hindi na rin siya nagpahatid sa mga ito sa resort kasi ayaw niyang makita ng pamilya ang reaksyon niya kapag nakaharap si Nathanil Alegria. Baka kasi bumigay ang damdamin niya at mapaatras ba bigla sa desisyon. "Para kay Lance," bulong niya sa hangin habang pasakay sa traysikel papuntang resort. "Sinundo na sana kita Ara," bungad ni Nathanil nang tulungan siyang iayos ang mga gamit nito sa sasakyan. "Ayoko ko kasing mag-abala pa kayo Sir Nath," tipid niyang sagot. "Nate," anito. "Ho?" "Diba sabi ko sa'yo na Nate na lang?" Matamis ang ngiting ibinigay ng lalaki sa kaniya. Medyo nahindik siya kaya tumango lang siya habang tinulungan itong ipasok ang mga gamit sa loob ng sasakyan. Naglakbay sila sa Lanao del Norte na halos si Nate lang ang nagsasalita. Gusto niyang maging cordial dito pero kontra gusto pa rin ang kaniyang sistema sa presensya ng lalaki. "Gusto mo bang makinig ng music?" Sinulyapan siya nito habang nagmamaneho. "Anong gusto mong genre?" Ang mga mata niya'y nakatoon sa daan. "Kahit ano. Saan na ba tayo?" Namili muna ng music si Nate bago sumagot, "Iligan na." Parang may mga karayom na tumutusok sa puso ni Samara. It ang lugar kung saan nag-aaral si Lance. Napatingin siya sa bintana at pinilit ang sarili na huwag mapaluha. Pero muntik na siyang bumigay nang marinig ang "Winterwood" by Don McLean. Isa 'to sa mga kinakanta nila noon ni Lance sa jamming sessions nila. "Okay lang ba 'to?" tanong ni Nate sa kaniya. Tumikhim muna siya bago sumagot, "Oo." "Mahilig ako sa mga folk and country music," panimula ni Nate, "Ikaw?" Nakatuon pa rin ang atensyon niya sa labas ng bintana at muntik na niyang makalimutang sagutin ang lalaki. Bumuntong-hininga siya, "kahit ano." Napansin siguro ni Nate ang kaniyang mood kaya hinayaan na lang siya nito. Nakatulog si Samara at nagising siya nang mag stop over sila para mananghalian. Maasikaso si Nate sa kaniya. Parang mapagmahal na asawa ang pakikitungo ng lalaki sa kaniya kung estranghero ang makakakita sa kanilang dalawa. Sa konting oras ay napansin niya ang isa sa mga mannerisms nito, ang paghaplos nito sa balbas. Hindi mapigilang mapangiti ng mapakla ni Samara habang kumakain. Guwapo nga si Nathanil Alegria pero hindi niya mahal ang lalaki. At hindi niya alam kung mamahalin niya ito. Kasi si Lance Rumbaoa lang ang tanging nasa puso niya. Pagkalipas ng ilang oras ay dumiretso na sila sa pad nito sa Cagayan de Oro. Kinakabahan siyang napatingin sa mga muwebles sa loob. "Tayo lang ba ang nandito Nate?" tanong niya habang tinitingnan ang pad ng lalaki. "Mas malapit 'to sa university mo," sagot naman ng lalaki habang karga-karga ang mga bagahe nila. "Hindi ba magagalit ang mga magulang mo?" guarded ang tanong niya. Pagkatapos ng pag-uusap nilang dalawa sa opisina ng lalaki ay hindi na nila masyadong napag-usapan ang tungkol sa deal nilang dalawa. Napagkasunduan nilang dalawa na kapag nag-aaral siya ay nobyo ang pagpapakilala niya rito sa iba. Napakirot siya sa salitang nobyo o katipan kasi si Lance pa rin ang nasa puso niya. Kaya nilunok niya ang hiya at nag demand na naman na ipapaaral siya ng business course sa pinakasikat na university sa siyudad. "Nasa Bukidnon ang pamilya ko kasi andon ang base ng negosyo naming," ningitian siya nito. "Sinubukan ko lang magtayo ng negosyo sa Lanao region at sinuwerte naman ako." "Ganoon ba?" "First time ko ring mag venture sa resort na business. Usually kasi sa mga Halcon, kamag anak din namin, ang sa resorts, retail at real estate." "Tapos ang Alegria naman ang farm?" aniya. "Oo, more on agri-business ang sa family namin. May konti kaming farm sa Davao kaya isa kami sa suppliers ng produce sa Josefa Retail Group, sa mga Halcon din. May mga konting agrivet stores din kami dito sa Cagayan de Oro." Kibit balikat nito. "Ahhh, so sino ang magma-manage ng resort?" Sa totoo lang, ngayon lang niya nalaman ang mga impormasyon ukol sa binata. Kasi hindi nga naman talaga siya interesado dito dahil may nobyo na siya. "Si Remus, ang younger brother ko muna ang magma-manage ng resort. Nag-aaral pa kasi si Branko, ang youngest namin," sabi nito. "Puro kayo lalaki?" Kinalabit muna nito ang planka sa kuryente bago siya tiningnan at nginitian. "Oo. Masyado kaming masakit sa ulo ni Mama at sa ibang mga babae." Nang makita nito na medyo dumilim ang mukha niya ay tumikhim ito, "Halika ipapakita ko kwarto natin." Walang imik na sumunod siya rito sa kwarto. Namilog ang mga mata niya sa King-sized bed pero hindi niya ipinakita sa lalaki na may takot na namumuo sa kaniyang puso. Alam niya kasi na kung hindi sa gabing iyon ay sa mga sumusunod na mga araw ay ibibigay na niya ang katawan niya rito. Pagkatapos ng tour sa pad ay nagsimula silang mag arrange ng mga gamit buong maghapon hanggang inabutan sila ng gabi. Nagdesisyon din si Nate na magpa deliver nalang sila ng makakain. "Bukas I'll tour you around the city. Maybe before your classes start I'll tour you around Bukidnon," pahayag ng lalaki habang naghahapunan sila. Tumango lang siya. "Na contact mo ba ang Nanay mo Ara?" Nagpahid ito ng bibig. "Oo, ang sabi ko nagboard ako dito sa malapit sa school. Eh, hindi ba sila magtataka Nate na wala ka na sa resort?" biglang tanong niya. "Nag meeting kami sa staff. Ang sinabi ko sa kanila ay gusto ng family na si Remus ang mag ma-manage doon since newly grad siya. Kelangan masubukan agad ang kamandag," biro nito. Nagkuwento pa ang lalaki ng kung ano-anong bagay pero hindi na siya gaanong nagsalita at hinayaan lang niya ito. Hanggang sa natapos silang kumain, naglinis konti sa dining area at nag prepare na para matulog. Parang tambol ang puso ni Samara habang ang oras ay pagabi ng pagabi. Nakikita niyang nanginginig ang ang mga kamay niya habang hinihilamos ang mukha. "Wala nang atrasan Samara. Diba para kay Lance 'to?" tanong niya sa sariling repleksyon. Bumuntong hininga siya bago lumabas ng banyo at pumasok sa Master's bedroom. Kung nagulat man siyang nakita si Nathanil Lumabas siya at nagulat ng pumasok si Nathanil. Galing ito sa kabilang banyo kasi nakatapis ng tuwalya ang bewang nito. Napalunok siya ng makita ang anyo ng lalaki. Hindi ito ang first niyang makakita na walang pang-itaas ang lalaki pero ito ang unang pagkakataon na silang dalawa lang sa kwarto na halos walang saplot ang kanilang mga katawan. Nagkatinginan silang dalawa. Maysadong malakas ang kabog ng dibdib niya na wari lalabas ito mula sa katawan niya. Dali dali siyang kumuha ng pajamas at pumasok ulit sa banyo at nagbihis. Paglabas niya ay nakita niya ulit ang binata na nakahiga na sa kama na naka sando at itim na boxers shorts. Napatawa ang lalaki nang magkukumahog siyang humiga at pumasok sa kumot. Tinalikuran niya ito at ipinikit ang mga mata. Naramdaman niya ang lalaki na lumapit sa kaniya at pumikit siya ng mariin. 'Heto na ang sandaling aangkinin niya na ako....' "Goodnight Ara," bulong nito na nagdulot ng kilit sa kaniyang katawan. Pinatay ng binata ang lampshade sa gilid ni niya bago ito bumalik sa lugar nito at pumuwestong matulog. Napamulat siya bigla at napaisip 'Anong nangyari?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD