NAMUMUTLANG napaupo si Samara sa toilet bowl nang makita ang resulta sa pregnancy test.
Dalawang pulang linya.
Tinakpan ng mga kamay niya ang kaniyang mukha at humagulgol. Nalilito siya at hindi alam kung ano ang gagawin. Hindi rin niya alam kung sino ang tatawagan.
Nanghihinang tumayong bitbit ang PT at humiga siya sa kaniyang kama. Ang mga luha'y nahuhulog sa gilid ng kaniyang mga mata hanggang sa pumatak ang mga ito sa kaniyang higaan.
Hindi niya alam kung sino ang ama ng kaniyang dinadala.
Parang kinurot ng sampung libong beses ang kaniyang puso nang mapagtanto ang resulta ng kaniyang nagawa sa nakaraang mga buwan.
"Kaya mo ba 'to Samara?" nasisinok na tanong niya sa hangin.
Hindi niya alam.
Nangako pa naman siya sa sarili niya noon na hindi na siya magpapakontrol sa mga lalaki. Pinilit pa nga niya ang sarili na huwag makipag communicate kina Lance at Nathanil.
Pero buntis siya ngayon.
Tama bang itago niya sa mga ito ang sitwasyon niya?
"Independent na babae ka Samara," naluluhang konswelo niya sa sarili.
Pero kaya ba niyang buhayin ang batang mag-isa?
Naalala niya noong nabubuhay pa ang Nanay Nimfa niya at kung gaano kahirap magpalaki ng dalawang anak kahit na naging balo ito ng maraming taon. Naalala niya si Lili na anak ng isang single mother at kung anu-anong mga isinuong nito para mabigyan ang kaibigan ng komportableng pamumuhay.
May kapasidad ba siyang buhayin ang kaniyang anak? Kaya ba niyang ibigay dito ang lahat ng pangagailan sa iba't-ibang aspeto?
Pero paano kung magtanong ito kung sino ang ama nito? Ano ang isasagot niya?
Dahan-dahan siyang tumayo at kinontak ang clinic ng isang OB-gyne para magpa schedule ng appointment.
"Ano na ngayon ang desisyon mo Samara?" tanong niya sa sarili.
Bumuntong-hininga siya at lumunok bago kinuha ang cellphone at i-tinext si Lance para makipagkita rito ngayong tanghalian sa isang restaurant.
"Huwag ka nang umasa Samara," bulong niya habang tiningnan ang mensaheng ipinadala.
Kaya laking gulat niya nang biglang nag reply ito ng kumpirmasyong pupunta ang lalaki sa restaurant.
Nahihirapang huminga si Samara sa nerbiyos nang maghanda siya sa pagkikita nilang dalawa ni Lance. Nanginginig siya nang makarating siya sa restaurant. At nang tatlumpong minuto na siyang naghintay ay makikita na ang desperasyon sa mukha niya.
She sighed in relief when she saw him approaching her. She had not seen the man she loved for three months. And each step he took towards her made her heart went wild.
"Lance." She smiled lightly as he sat in front of her.
"May isang oras lang ako Samara," pormal na sabi nito.
Samara. Ito ang tawag ni Lance sa kaniya nuon kapag galit na galit ito sa kaniya.
Napalunok siya. "Congratulations nga pala sa engagement mo. Pumunta ako sa venue at sorry kasi hindi na ako nakabati ng personal sa inyo."
Tumango ang lalaki.
"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin kaagad Lance?" malumanay niyang tanong. "Sana sinabi mo sa 'kin na may nobya ka na pala. Sana hindi ako umasa."
Tumigas ang anyo ni Lance. "Masakit ba Samara?"
Kagat-labing napatango siya.
"Kung ano ang naramdaman mo Samara, limang beses na mas masakit ang naramdaman ko nang malaman kong tinanggap mo ang offer ni Nathanil Alegria. Alam mo kung bakit?" galit na sabi nito.
Hindi na makuhang sumagot ni Samara kaya nagpatuloy si Lance. "Kasi nangako ka na hindi ka magkakaroon ng kahit anong koneksyon sa kaniya. 'Yan ang pinandigan ko."
"Lance, may mga bagay kasi na hindi natin kontrolado," mahina niyang tugon.
He seethed, "Dahil ba gusto ng Nanay mo ng mayamang mapapangasawa? At ngayon ano? Pinakasalan ka ba pagkatapos ng limang taon? The joke's on you Samara!"
Sasagot sana siya nang dumating ang waiter bitbit ang mga na order niya kanina. Namumula ang mukha nito pagka kita nitong wrong timing ang paglapit nito sa kanila. Kaya dali-dali nitong inilapag ang mga pagkain at umatras.
Ewan niya ba kung bakit kahit nasasaktan siya sa mga binitiwang salita ni Lance ay hindi pa rin niya mapigilan ang sarili.
"Matagal na pala kayo ni Monique," she managed to say.
Napatiim bagang ang lalaki. "Siya ang andon noong nasa lowest point ako."
"Plano mo ba ang lahat ng 'to Lance?" mapaklang tanong niya.
He smirked but did not reply.
Uminom ng tubig si Samara at tinimbang kung paano niya sasabihin sa lalaki ang sitwasyon niya.
"Anong dahilan at nakipagkita ka sa'kin Samara?" diretsang tanong nito.
Her lips quivered as she blurted out, "Buntis ako Lance."
Napahinto ang lalaki at pilit na i-digest ang sinabi niya. Pagkatapos ng ilang mga sandali ay tiningnan siya nito. "That can't be mine right? Hindi ba nag two time ka sa'min ni Nathanil Alegria?"
She gulped and honestly replied, "Hindi ko alam kung sino ang ama."
"And you're expecting me to take responsibility sa nangyari?" anghang na tanong ng lalaki. "Gusto mong pakasalan kita?"
"Gusto ko lang malaman mo," naluluhang sagot niya.
"Bullshit!" he hissed. "I will never make you my wife. I cannot even dare to think that a w***e will be the mother of my children."
Tumayo ang lalaki at nag walk out.
Napanganga si Samara sa ginawa nito. Hindi niya namalayang basang-basa na pala ang kaniyang mga pisngi at namumula na ang kaniyang mga mata.
"Ma'am, tissue po." Abot ng waiter sa kaniya.
Doon niya na realize na kanina pa pala siya tahimik na umiiyak habang tiningnan ang pintuan kung saan lumabas si Lance.
Nakikipag debate siya sa sarili kung tatawagan ba niya si Nate noong nakarating siya sa pad niya mula sa restaurant. Pero nanaig ang desisyon niya na magpalipas muna siya ng isang araw bago ikontak ang lalaki.
Muntik na niyang malimutang tawagan si Nate nung naging busy ang shop sa umaga hanggang hapon. She dialed his number pero walang sumagot kaya itinuon muna niya ang atensyon sa shop.
Pagkatapos maghapunan ay nanood siya ng TV nang tumawag si Nate. Sa totoo lang nahihiya siya sa lalaki at gusto niyang hindi na sagutin ito. Natakot din siya na baka katulad ng nangyari sa kanila ni Lance kahapon ang magiging takbo ng pag-uusap nila ni Nate ngayon.
"Ara, sorry medyo mahina ang signal dito sa location ko," bungad ng lalaki, "Kamusta ka na?"
Lumagok muna siya bago basagin ang balita. "Nate, I'm pregnant at hindi ko alam kung sino ang ama."
Malalim na hininga lang ang narinig niya sa kabilang linya.
"Nag pills naman ako pero hindi ko alam kung bakit nabuntis pa rin ako," she tried to reason out.
"Anong plano mo?" he gently asked.
"Ipagpatuloy ito," aniya.
"Alam na ba ni Lance ito?" tanong ulit ng lalaki.
Gusto niyang magsumbong rito kung ano ang estado ng relasyon niya kay Lance. Pero hindi patas para kay Nathanil at baka akalain nito na lumalapit lang siya rito kapag agrabyado siya. Ayaw niyang saktan pa ang binata.
"Na inform ko na rin siya Nate," malungkot niyang bulong.
"Huwag kang mag atubili na tawagan ako ulit Ara kung may kelangan ka ha," mahinahong sabi ng lalaki. "Pasensya ka na at hindi ako makakapunta diyan, masyado kasing busy dito."
Pinaaalahanan pa siya na mag-ingat at huwag magpupuyat at kumain ng masustansyang pagkain. May ibingay din itong pangalan na doctor na kilala ni Nate.
Namumula na talaga ang mukha ni Samara nang tanggapin ang mga rekomendasyon ng lalaki.
Medyo nagtagal ng isang oras ang pag-uusap nila bago narinig ni Samara na tinawag ang lalaki.
"Ara, mag-ingat ka palagi ha," paaala ulit nito. "Babalik na kami sa farm. Baka matagalan pa ako ng contact kasi mahina talaga ang signal doon."
"Okay."
"Sabihan mo sina Remus at Branko para matulungan ka rin," advised nito.
Nang matapos ang konbersasyon nilang dalawa ay napaiyak si Samara sa hiya. She expected the best from Lance but she received hurts from him. She expected worst from Nathanil but she received kindness.
Hinipo niya ang kaniyang tiyan. "I will love you and I will take care of you. Sa ngayon baby, hayaan mo muna si Mommy na umiyak ha. Ilalabas ko lang 'tong mga hinanakit ko sa mundo."
Bukas na bukas ay babangon siya hindi para sa sarili niya kung hindi pati sa anak niya. Mahina siyang babae pero kakayanin niya alang-alang sa anak niya.
Pero ngayong gabi ay uubusin niya muna lahat ng luha niya.
Umiyak ng umiyak si Samara hanggang sa makatulog siya. Hinayaan niya ang mga hinagpis ang yumakap sa kaniya. Hinayaan niya ang mga luha ang dumuyan sa kaniya.
When she woke in the early hours of the morning because of sudden pain, she was horrified to see the blood spots on her bed. She cried thinking of the baby as she took her courage to get up and drive herself to the nearest hospital.
And when the baby did not make it no matter how the doctors tried to save it, her world crumbled once more.
**
Shetmemeng! Ano na ang mangyayari ngayon? Abangan sa next chapter...