Kinse

1797 Words
"ATE Sam, baka ma late ka sa appointment mo sa salon," paalala ni Aileen sa kaniya. Huminto siya sa pagpupunas ng salamin ng shop at tiningnan ang relo. "May kwarenta minutos pa akong extra." "Heto ang voucher sa salon." Inabot ni Aileen sa kaniya. "Ibinigay 'yan ng kaibigan ko. Hindi ko kasi gagamitin." Ngumiti siya. "Sure kang hindi mo gagamitin 'to?" May sasabihin pa sana ang babae ngunit may tatlong customer na pumila sa check-out counter kaya tumango lang ito at dali-daling pumasok sa loob ng shop. Napangiti siya sa turan ng assistant. Kakausapin niya si Nathanil tungkol sa pagpapa-aral nila kay Aileen sa susunod na semestre. Nathanil Alegria. Biglang sumagi sa isip niya ang malungkot na mukha ng lalaki sa huling gabing magkasama silang dalawa. Ang mga yakap at halik ng lalaki na nagbibigay init sa katawan niya. Ang mga bulong ng pagmamahal nito noong akala ng lalaki na hindi niya narinig. Patuloy sa pagpupunas si Samara sa salamin at hindi maiwasang makita ang sariling repleksyon. 'Masarap ang s*x kapag ikaw Nate,' hindi mapigilang maisip niya. 'Pero kahit na ikaw ang nakapukaw sa carnal side ko, hindi ikaw ang makakapuno sa pagkatao ko.' May nakita siyang dumi sa salamin at kahit ilang beses niyang punasan ay hindi matanggal-tanggal. Wala sa loob na hinipo niya ang sariling mukha at doon napagtanto niya na ang dumi ay wala sa salamin. Kung hindi nasa kaniya. Napahinto siya sa ginawa nang biglang may tumawag. "Inday Samara, pupuntahan ka namin diyan ni Sir Remus sa pad mo," excited na balita ni Lili. "Kailan?" tanong niya. "Bukas at diyan ako matutulog kung okay lang." May ngiti sa boses nito. Tumango siya. "Walang problema. Saan matutulog si Sir Remus?" "Sa bahay ni Sir Nate," walang kubling sagot nito. "Ah ganun ba," mahinang sagot niya. "Bukas na tayo magchika Inday," paalam nito. "Babush!" Umakyat sa kaniyang pad upang kumain at maghanda papuntang salon. Nakita niya ulit ang repleksyon sa salamin ng banyo at napangisi nang malamang mas kumalat lalo ang dumi sa mukha niya. "Samara, ibigay mo kay Lance kung ano ang hihingiin niya ngayon," kausap niya sa sariling repleksyon habang naghilamos. "Hindi ba gusto mong malayang mahalin siya? Hindi naman makakasustento ang s*x sa isang relasyon. At saka pwede namang pag-aralan niyong dalawa ang aspetong 'yan." Nagbihis siya at umalis papuntang salon. Gusto niyang masorpresa si Lance ngayong gabi kapag nakita siya. Gusto niyang makita ang pagkamangha sa mukha ng lalaki kapag nasilayan siya. Inimbitahan siya ng lalaki sa isang formal event ngayong gabi. Sinabi nito sa kaniya ang address at oras ngunit hindi na nag reply noong tinanong niya kung company event ba ang dadaluhan. Kaya nag text back na lang siya ng confirmation na dadalo siya. "Putulin mo hanggang balikat ang buhok ko please," utos niya sa beautician. "Madam, sayang naman ng buhok mo. Baka gusto mong trim lang natin tapos lagyan ng kulot-kulot sa dulo," mungkahi nito. Ayaw ni Nathanil na ipaputol ang buhok niya pero iba na siya ngayon. At simbolo ito na malaya na siyang mahalin si Lance. Kaya umiling siya. "Desido na ako na hanggang balikat." Pagkatapos sa salon ay dumiretso siya sa pad at namili ng mga damit. Dahil hindi rin naman siya masyadong tumaba within the years ay magagamit pa niya ang mga gowns na sinuot niya sa college. Okay pa naman ang designs at ang fit. Kumabog ang dibdib ni Samara habang papunta siya sa venue ng event bandang alas otso ng gabi. At namilog ang mga mata niya sa intimate aura ng lugar. Oh my, don't tell me... Pero bago pa siya makapasok sa bulwagan ay may humila sa mga kamay niya. Napasinghap siya nang mamalayan kung sino ang babaeng kaharap niya. "Jen!" "Ikaw ba talaga 'yan Samara?" nakangiting tanong ng kapatid ni Lance. Pinisil niya ang mga kamay ng babae. "Andito ka rin? Nag text si Lance sa akin kanina. Anong meron?" Natahimik bigla si Jennifer at hinawakan siya sa braso. "Anong sinabi ni Kuya sa'yo Sam?" Ngumiti siya. "Pinapunta ako rito ng Kuya mo at dapat naka formal attire daw. Nandito rin ba sina Nanay Marilou at Vivien?" Samu't-saring mga emosyon ang mga naglalaro sa mukha ng kausap. Pero hindi nito alam kung paano sasabihin sa kaniya kaya hinila siya nito na pumasok sa loob ng function hall. Mabuti nalang talaga at hinawakan siya ng babae kasi hindi niya nakaya ang sorpresang nakatambad sa kaniya at muntik na siyang himatayin. 'Lance Rumbaoa & Monique Samala Engagement' Ang kaluluwa niya ay tila humiwalay sa katawan niya. Ang mundo ay tila ba lumiit at malapit na siyang maipit. Ang ingay ay tila ba pahina ng pahina. Parang naging malabo ang paningin niya habang pinanood niya ang mga nagsasayahang mga tao. Pinulot niya ang lakas at itinuon ang atensyon sa stage kung saan andon si Lance at ang fiancé nito. Masayang masaya ang couple sa mga games na ipinapagawa ng emcee. At ang mga guests ay naghihiyawan lalo na nung kissing portion ng isang laro. Napakagat-labi si Samara habang tinitingnan ang dalawang naghaharutan sa entablado. Nabiyak ang puso niya nang makitang masaya si Lance sa piling ni Monique. Ang ganda niya... "Sam?" pinisil ni Jennifer ang kaniyang braso. Bakit tila malabo ang paningin niya nang lingunin niya si Jennifer? Hinila siya ng kapatid ni Lance palabas sa function hall hanggang makarating sila sa isang sulok na walang katao-tao. "Sam, hindi mo alam na engaged na si Kuya?" mahinang tanong nito. Umiling siya. Gusto niyang umiyak pero pinigilan niya. "Kailan ang kasal Jen?" "In five months..." malungkot na sabi nito. "Hindi ko alam na nagkita pala kayo ni Kuya dito." "Akala ko may project siya rito," ani niya. Napabuntong-hininga ito. "Nagpa transfer siya rito from Cebu kasi taga rito Monique. Two years na nilang plano 'to." Napadilat siya. "Matagal na pala sila?" "Oo, three years in a relationship na sila Sam. Sa Cebu sila nag meet during sa rehabilitation ni kuya doon," mahinang pahayag nito. Parang sasabog ang utak niya sa kalituhan kaya nagpaalam siya sa babae. "Sam?" mahinang tawag nito. Lumingon siya sa babae. "Salamat talaga sa sakripisyo mo para kay Kuya ha," malungkot na sabi ni Jen. "Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ka niya pinapunta rito." Hindi umimik si Samara kaya nagpatuloy si Jen. "Alam kong masakit sa'yo pero nakikita kong masaya talaga si Kuya kay Monique." Tumango siya at walang imik na umalis sa venue. Ang bigat ng mga paa niyang humakbang patungo sa kaniyang kotse. Kahit na nanlalabo ang mga paningin ay pinilit pa rin niyang ituon ang atensyon sa daan hanggang sa makarting siya sa pad. Pumasok siya sa banyo at nang makita niya ang repleksyon sa salamin ay doon napatulo ang mga luha ni Samara na kanina pa niya pinipigilan. Hinampas niya ang sariling repleksyon hanggang sa sumakit ang kaniyang kamay. Umupo siya sa toilet bowl at pinalaya ang sakit na nadarama. Sa puntong 'yon, hindi niya alam kung maaawa o magagalit siya sa sarili. Hindi rin niya alam kung sino ang sisishin niya. *_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_* "OH my God! Anong nangyari sa'yo?" nababahalang tanong ni Lili nang makita siya nito. Walang ganang binuksan niya ng maigi ang pinto upang makapasok ang kaibigan at si Remus. Suminghot pa siya ng ilang beses bago humilata sa sofa at tiningnan ang kawalan. Matamlay ang pakiramdam niya pero hindi niya ininda kasi mas nadarama niya ang sakit sa nangyari kagabi. "Namamaga na 'yang mga mata mo at ang putla putla mo," nag-aalang bigkas ni Lili. "Ano ba kasi ang nangyari sa'yo?" Nakita niya si Remus na naghahanda ng makakain at hinayaan silang magkaibigan na magkaroon ng privacy kaya lumabas muna ito saglit. Nang umalis ang lalaki ay bumulahaw si Samara at niyakap ang kaibigan. "Lili ang sakit sakit. Bakit ginawa niya 'to sa'kin?" "Hindi kita maintidihan," nalilitong sabi nito. "Si Lance may nobya na pala siya," putol-putol na balita niya rito. "Hindi niya sinabi sa'kin." Kumalas ang babae sa pagkakayakap sa kaniya. "Teka, nagkita kayo ni Lance?" Malalaking luha ang tumulo sa pisngi niya. "I spent two weeks with him." "Ha? Kailan? Bakit hindi ko alam 'to?" sunod-sunod ang tanong ni Lili. Napahawak siya ng mariin sa kaibigan. "Nung andon si Nate sa Negros. Nalaman niya ang tungkol sa'min ni Lance noong araw ng pagkamatay ni Tita Sofia." Ilang sandaling naging tahimik si Lili at pagkalauna'y tiningnan siya nito sa mga mata. "Sabihin mo sa 'kin, naging kayo ba ni Sir Nate? Kasi nahahalata kong may tensyon sa inyong dalawa noong nasa Bukdinon pa tayo." Timing na pumasok si Remus na may bitbit na grocery items nang sumagot siya kay Lili ng, "Babae ako ni Nathanil Alegria. I am his mistress for five years now." "Ha?" narinig niyang sambit ni Lili at nakita sa gilid ng mga mata niya na muntik nang mabitiwan ni Remus ang karga. "Paano nangyari 'yon?" Namutla ang kaibigan. "Alam kong nakikipag flirt si Sir Nate sa'yo noon pero umiiwas ka sa kaniya. Kaya nagtataka ako kung bakit bigla kang sumama sa kaniya." Napakagat-labi si Samara pero hindi umimik. Lili pouted as she recalled some events. "Galit nga ako sa'yo noon kasi iniwan mo si Lance habang nasa hospital pa." Namilog ang mga mata ng kaibigan. "Huwag mong sabihin sa'kin na may kinalaman si Sir Nate sa sitwasyon ni Lance." Lumapit si Remus at inabutan siya ng tubig. Kinuha niya ang baso. "Si Nate ang nag-alok na ipagamot si Lance sa Cebu," mahina niyang sagot. "At ako ang kapalit." Nakaupo si Remus malapit sa kanila at walang imik ang lalaki simula ng dumating ito. Ngunit pagkarinig nito sa katotohanan ay mahinang napamura ito. "Mali bang tanggapin ko ang alok niya na ipagamot si Lance? Mali ba na kahit limang taon akong nasa piling ni Nate ay si Lance pa rin ang hinahanap ko?" iyak niya at patuloy siya sa pagsisiwalat kung ano ang napagkasunduan nila ni Nathanil. "Sam, hindi ko alam..." bulong ng kaibigan. Niyakap siya nito ng mahigpit. "Sorry kasi nagalit ako sa'yo ha." Kumalas siya sa yakap at tiningnan ang mukha ng kaibigan. "Huwag kang pagamit sa mga lalaki Lili..." Tumango ito. "Huwag kang umibig kasi masasaktan ka lang..." sinok niya. Tumango uli ito. "Nakita kong masaya siya sa fiancé niya Lili..." umiyak siya ulit. "Inday Samara, tama na..." "Akala ko date night namin 'yon eh," hindi napigilang napatawa siya. "Imagine, pumunta pa ako ng salon para magpaganda para sa kaniya. Gusto kong masorpresa siya kapag nakita. Ako ang nasorpresa, gi atay! Tatlong taon na pala sila at ikakasal na." "Sam..." "Bumalik sa akin ang paghihiganti ko kay Nate." Nagtagis ang mga bagang niya nang maalala ang mga nagawa niya. Napakuyom siya. "I will not let any man control me again...." Nangako siya sa sarili na hindi niya kokontakin si Lance o si Nathanil. ***** Hays ang buhay, ambilis ng karma natin ngayon ah.... hahaha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD