Trese

1386 Words
"WALA na si Mama," bumulahaw si Brankko nang tumawag ito sa kaniya bandang alas singko ng hapon. "Isinugod naming siya sa hospital pero hindi naagapan." Nanginig si Nathanil at muntik nang mabitawan ang cellphone kung hindi ito sinuportahan ng pinsan niyang si Saimon. Kinuha nito ang phone at kinausap si Branko. "Nate, upo ka muna." Inakay siya sa pinakamalapit na upuan ng kaniyang pinsang si Henry. Dali-dali nag-abot sa kaniya ng basong tubig. 'Mama...' tanging bulong niya bago uminom ng tubig na tila ba sa bawat lagok ay mawawala ang katotohanang patay na ang pinakamamahal niyang babae. Matapos ng ilang minuto ay niyakap siya ni Saimon. "Condolence." Ito ang pinsan niyang walang masyadong emosyon at hindi nagpapakita ng kahinaan ngunit sensitibo sa pakiramdam ng ibang tao. "Kuya Sai," hindi na napigilang humagulgol si Nathanil sa harap ng mga pinsan. Kahit na napansin niyang lumuluha rin ang mga ito ay hindi na niya kaya pang magpakatatag sa harapan ng mga pinsan. "Uuwi tayo ngayon sa Bukidnon," pahayag ni Henry. "Kaya ko na 'to Kuya Hen," mahina niyang sabi. "May mga meeting kayong dalawa bukas sa major suppliers natin galing ibang lugar." "Pero pamilya ka namin," sagot ni Henry, "at mahal din namin si Tita." Umiling siya. "Susunod na lang kayo pagkatapos bukas Kuya. " Lingid sa kaalaman ng nakakarami ay close talaga ang magkakapatid na Alegria sa mga pinsan nilang Halcon. Sa katunayan, ang lola niya ay isang Halcon kaya naman noong nabubuhay pa ito ay strikto itong nagpapa-reunion sa angkan. Hindi kasi sila kalahikang pamilya kaya sinugurado ng mga abuelo't abuela nila na magkakakilala ang mga direct descendants simula pagkabata pa. "Pero..." Gustong pigilan ni Henry pero nakita nitong sumenyas si Saimon na huwag nang ipilit. Hinayaan muna siya nang magpinsan na ilabas ang kaniyang dalamhati. Pagkatapos ng ilang mga minuto ay tumayo si Saimon at nagbook ng flight para sa kaniya. Si Henry naman ang nagsaayos ng ilang mga bagay para sa emergency endorsements. 'Ara, I need you badly...' Gusto niyang umuwi ng Cagayan de Oro at tumakbo sa mga yakap ni Samara. "Nate, nakakuha ako ng chance passenger three hours from now," balita ni Saimon. "Sure ka bang kaya mong mag-isa?" "Kaya ko Kuya, salamat." Tumayo siya at dali-daling nag impake ng mga gamit. "Kami na muna ang bahala rito Nate," ani Henry. "I-settle muna namin ang mga papers para sa bagong farm at hopefully ma okay ito within 3 days. Pero sure na pupunta kami sa burol." Tumango siya. "Salamat talaga." Blessing in disguise talagang nakakuha siya ng ticket sa eropano pauwi ng Cagayan de Oro. 'Ilang oras na lang Ara...' Tinawagan niya ito habang nag-iimpake ngunit hindi sumasagot ang babae. Bumuntong hininga si Nathanil at nagdesisyong mas mainam na sa personal niya ibabalita ang tungkol kay Mama Sofia. Kinontak niya rin ang kaniyang ama at mga kapatid habang naghihintay siya sa flight. Kahit papaano ay nada-divert ang atensyon niya sa dami ng tumawag sa kaniya para makiramay. 'Ara...' tanging sambit niya nang makaupo siya sa loob ng eroplano. 'Ilang minuto na lang.' Sumandal siya sa upuan at pumikit para itago ang bumabagyo niyang damdamin. Parang hiniwa ang puso niya sa sakit nang mabalitaan ang tungko sa cardiac arrest ng kaniyang ina. His mother loved and pampered the Alegria men and things would never be the same again without her. 'Sana tinotoo ko ang hiling ni Mama. Sana binuntis ko si Samara.' Hindi maiwasang maisip ni Nate sa gitna ng lungkot. Kahit na parang binutasan ang puso niya sa pagkawala ng ina ay andon pa rin ang nais niyang tumakbo sa piling ni Samara. Gusto niyang ibahagi rito ang hinagpis na nadarama niya. She was the only pill to his heartache. She was his sunshine in one of the darkest moments of his life. Kaya nagmamadali ang mga yapak niya habang nilakad palabas ng eroplano hanggang makalabas ng Laguindingan terminal at sumakay ng van papuntang CDO. "Nasan ka Ara?" bulong niya nang sinubukang i-contact ito. Napa 'tsk' siya nang ni-reject ang huling tawag niya. Pinagalitan niya ang sarili kasi baka busy ito masyado lalo na't weekend bukas. Gabi na masyado nang makarating siya sa city proper. He sighed in relief when he saw the building of her shop and pad. Samara was arms reach from him now. Pinag-isipan niya kung paano ibabalita sa babae ang tungkol sa ina niya. Nanginginig pa ang mga kamay niya nang ginamit niya ang spare key ng dalaga sa pad nito. Kaya laking gulat niya nang bumungad sa kaniyang harapan ang lalaking naka topless galing sa kwarto ni Samara. Pero hindi kayang sukatin ang sorpresa niya nang makitang lumabas ang dalaga mula sa silid na nakatapis lang ng kumot. Nabitawan ni Nate ang dala niyang maleta sa nakitang eksena. Paraang lumiit ang mundo niya at tila at naririnig na niya ang t***k ng kaniyang puso. "Pare, nakauwi ka na pala." Ngumisi ang lalaki habang isinuot ang Tshirt. Namilog ang mga mata niya nang mapagtanto kung sino ito. Lance Rumbaoa. Samara's ex-boyfriend! Lumingon siya sa babaeng nakatayo sa gilid pero tila ba estatuwa ito na walang emosyon. "Bye Sammie, I had a good time," nakakalokong pagpaalam ni Lance. Tumingin ito sa kaniya. "Mauna na ako pare." Matagal bago nakabawi si Nathanil. Isang salita lang ang kaya niyang nasambit. "Bakit?" Inasahan niyang maging takot itong sumagot. Kaya naging sorpresa sa kaniya nang bigla itong tumawa ng mapakla. "Kinasusuklaman kita." "Why?" nanginginig niyang tanong. Nanlilisik ang mga mata ng babae. "Gusto kitang saktan Nathanil Alegria gaya noong sinaktan mo ako – kami ni Lance." "Saan ba ako nagkulang Ara?" "Simula nang mag offer ka ng tulong na may kapalit, Nate," anito. "I hated you then and I hate you now." "I love you," bulong niya. Tumawa ang babae habang hila-hila ang kumot sa katawan nito. Lumapit ito kay Lance. "Hindi ba, sinabi ko naman sa'yo na huwag kang umasang mamahalin kita. Si Lance lang ang minahal ko ng buong buhay ko." "You could have told me your feelings about our arrangement," he hoarsely said. His resolve was trying to break every second he spent with her. "Smooth flowing naman ang relasyon natin ah." Nagtatagis ang bagang ni Samara nang tingnan siya pero hindi umimik ang babae. "You could have told me," he softly said. "After all I'm your boyfriend." Napatawa ng mapakla ang kausap. "I was never your girlfriend Nate. Wala tayong romantic relationship. Binabayaran ng katawan ko ang mga ibinigay mong tulong. Feeling ko puta ako eh." Napaluhod si Nathanil Alegria nang marinig ang salitang puta. Sa loob ng limang taon ay hindi niya itinuring na pokpok ang dalaga. "I'm sorry..." Napasapo siya sa dibdib niya at hinabol niya ang kaniyang hininga. "I didn't know you felt that way." "Napakasakim mo Nate," naiiyak na sabi ni Samara. Hindi na napigilan ni Nathanil ang mga luhang kanina pa namumuo. He pinched the bridge of his nose and tried to inhale as deeply as he could. He felt his heart was ripped from his chest at that moment. Hindi niya alam kung ano ang mas masakit, ang mamatayan ng ina o ang malamang hindi pala siya mahal ni Samara. "Ara..." tanging nasambit niya. Hindi niya alam kung ang pait ng nadarama ba ang dahilan kung bakit nakaluhod pa rin siyang lumapit kay Samara. Niyakap niya ang hita ang bewang nito at nilublob ang mukha sa puson ng babae. Naamoy pa niya ang proweba ng ginawa ng dalawa pero hindi niya inalintana iyon. 'Ara ngayon ko lang nalaman na masakit pala. Ibibigay ko ang gusto mo kahit ano huwag ka lang umalis please. I badly need you right now... not now please...' ang gusto niyang isaliwalat dito pero naguguluhan na siya sa kaniyang emosyon kaya "Sorry...sorry..." ang tanging nasambit niya habang hinahalikan ang puson ng babae. Itinulak siya ng dalaga. "Nate..." Tumayo siya at tiningnan ang dalaga. Napasinghot siya. "I did you wrong. My means were a mistake to have you. I loved you... I still love you despite of what has happened." At mahina ang katawang umalis siya mula sa pad ng dalaga. Si Samara naman ay napaupo sa sofa at napahikbi. Hindi alam ng babae kung bakit may sakit sa dibdib nang makitang nasaktan si Nate. Parang nabasag ang salaming nakabalot ng limang taon sa kanilang tatlo. At nang ito'y mabasag, nasugatan sila at naiwang duguan.  Walang panalo at walang talo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD