Kabanata 24
SHE moans and yawn as her eyes open when the sunlight streaks to her face.
And again, nagising na naman siyang nakayakap sa kanya ang lalaki. Oh Zy, mukhang masasanay ka na sa ganito. Her mind whines.
Narinig naman niyang umungol ang lalaki. Ang mukha nito'y nasa kanyang leeg at ramdam na ramdam niya ang kalmado nitong paghinga. Bigla siyang napangiti. On the second thought, hindi naman pala masamang ma-kidnap kung ito ang kidnapper. She giggles and grins to that thought.
"Kuya Zane! Goodmorning!" sigaw ng isang dalagita sa labas ng kanilang kuwarto at biglang bukas ng pinto. Namilog ang kanyang mga mata at babangon na sana ngunit natigilan siya dahil mas niyakap siya ng lalaki sabay talukbong ng kumot sa kanya. He plants a kisses on her hair.
"Don't say any word about you being here and if she'll asks, just say yes and no," utos nito. Wala sa sarili naman siyang napatango.
"Forgive me Zy, but my actions will change later," he said, giving her a warning. Naguluhan naman siya pero nanatiling tikom ang kanyang bibig. Be obedient Zy!
Bigla namang may humila ng kanilang kumot.
"Kuya Zane! Dinalhan kita ng supplies mo!" anito at nang tuluyan nitong mahila ang kumot ay diretso siyang napapikit ng kanyang mga mata. The hell Zy!
Bigla namang bumungon si Zane sa kanyang tabi.
"Low your voice Patricia," narinig niyang sita nito.
"Oh my god Kuya Zane! Sino siya!?"
Doon na siya tuluyang napadilat at nagkunwaring kagigising niya lang. Oh Zy, what an actress! Changing profession e! She smirks hiddenly by that thought.
"Meet my wife Patricia," pakilala pa ni Zane sa kanya. Biglang namula ang kanyang pisngi. Wife his ass!
Patricia looks so young.
"Hi," she smiled at her.
Agad din naman siyang nginitian nito.
"Nag-asawa ka na pala Kuya Zane? Bakit wala ka man lang sinasabi ang inay?"
"Masiyado ka pang bata Patricia," anito. She suddenly giggles. Gusto niya talaga ang accent ng pagtatagalog nito. Sobrang lambing. Bumaling naman sa kanya ang lalaki at bigla siyang hinalikan sa kanyang labi. Namilog ang kanyang mga mata dahil sa gulat.
"Why are you giggling huh?" anito habang nakangiti. Para naman siyang tangang napapailing. Saka gumapang at bumaba sa kama. Nilapitan niya si Patricia.
"Let's have some snacks Patricia," aniya pa at sumenyas sa lalaki. She's giving him a gesture don't-you-dare-do-that-again. Nginitian lamang siya nito.
"Ate, bakit ngayon lang po kita nakita?" usisa pa ni Patricia.
"Busy ako sa work," tipid niyang sagot at ipinaghanda na ito ng meryenda.
"Talaga po? Wala po kasing nasasabi ang inay." Nginitian niya lamang ito. Lumabas naman ang lalaki.
"Nanay Georgina knows my wife Patricia."
Alam ni aling Georgina ang tungkol sa kanya!? Really!
"Paano si ate Michelle?"
Oh-uh! Zy's scalp prickles on that question. Who's Michelle?
"Michelle is my friend only Patricia."
"Pero Kuya Zane, alam mo naman 'di ba kung gaano ka no'n ka gusto."
Gusto yatang tumaas ng kanyang kilay dahil sa kanyang narinig. Napaka-straightfoward nito at parang gusto niyang busalan ang bibig ni Patricia. Narinig naman niyang pinong napatawa ang lalaki.
"Patricia, magkaibigan lang kami. Again..."
Hinapit siya sa baywang ni Zane.
"Meet my wife, Zyren Villaraza Iglesias, she's a heart doctor. Zy, this is Patricia, youngest daughter of my yaya Georgina," pakilala pa ni Zane. Pinaningkitan niya ng mga mata ang lalaki pero sa sulok ng kalooban niya'y para bang nagdidiwang. Masarap sa tainga at parang ang sarap totohanin. Natauhan naman siya nang maharang pisilin ng lalaki ang gilid ng kanyang baywang.
"Hi," bati niyang muli.
Patricia pouts her lips.
"Ang ganda mo ate! Sorry my dear sister pero boto ako sa iyo! Ang galing, doktor pa kayo!" Patricia giggles. Napataas naman siya ng kanyang kilay at napangiti ng malapad sabay tingin kay Zane. She scowls at him, he just wink. Oh, another thawing charm of him.
"Paano ka pala nakapunta dito?" bigla niyang tanong.
"Po? Nagbisekleta po," sagot ni Patricia na agad din naman niyang ikinakunot ng kanyang noo.
"What!?" bulalas niya. Patricia then look confused at her.
"They're living not far away from here Zy," sagot pa ni Zane.
"May iba pang nakatira dito?"
"Opo ate, nasa looban po kami. Maliit na nayon po. Itong bakasyunan kasing bahay ni Kuya Zane, pinasadya lang po na malapit sa dagat.
"Ibig mo bang sabihin, puwedeng makapasok ang sasakyan dito?"
Umiling naman ito.
"Bangka po ate. Kung gagamit ka po ng sasakyan, hindi din po makakapasok dito sa isla dahil hanggang pantalan lang po kayo at kailangan pa ng bangka po na gagamitin kasi iikot pa naman mula sa pantalan," simpleng paliwanag lang din naman ni Patricia.
"Ngayon lang po ba kayo dumating?"
Natigilan naman siya at napasulyap kay Zane. Wala itong kibo.
"Ahm, two days ago," sagot niya.
"Nalilito kasi ako, pagod pa sa biyahe," dugtong niya pa. Napatango-tango naman ito.
"Kuya Zane, pang isang linggo na po na supply ang dinala ko. Hindi pa kasi nakakauwi ang inay. Pinadala lang din po niya iyan sa kapitbahay," baling pa nito kay Zane.
"Thanks," simpleng sagot lang nito habang inilalagay sa mini pantry ang mga stock na dala ni Patricia.
"Sabay na po yata sila ni inay na uuwi dito Kuya Zane," imporma ni Patricia.
"Michelle?" singit niya pa. Napatango din naman si Patricia.
"When?" tanong ni Zane.
"Next sunday po," sagot naman ni Patricia. Lumapit naman si Zane sa drawer at kumuha ng limang libo.
"Here. Tell, Nanay Georgina, I need more supplies. Come back here if the money is not enough," anito pa. Sumaludo naman agad si Patricia.
"Kuya, una na po ako. May iniutos pa ang itay e, tatawid kami sa kabilang syudad," ani Patricia. Natigilan siya. That's Davao City!
"Sure. Thanks again," Zane said.
"Bye ate Zyren. Babalik po ako dito ulit, soon!" masigla pa nitong paalam sa kanya.
"Breakfast ka muna," yaya niya pa. Umiling naman ito ngunit nakangiti at agad din naman na lumabas ng bahay.
Nang sundan niya ito nang tingin sa labas ay nakasakay na ito sa bisekleta, hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin niya.