23: SOMEONE

1251 Words

NANG makababa ng kotse niya ay natigagal at bumuntonghininga na naman ulit si Claire sa marangyang bahay na 'yon kung sa'n namalagi na si Stefano sa loob ng halos tatlong taon. Bahay na kung malalaman lang sana ni Stefano kung kanino nakapangalan ay paniguradong magtataka 'to. May garahe ang bahay na imposible naman na wala sa mga gano'n kalaki na bahay. Hindi lang niya inistorbo na ang guard na si Mang Delfin para ipasok niya ang kotse niya sa garahe at sasaglit lang naman siya ro'n. Dadalhan lang niya ng grocery si Stefano at kukumustahin na rin. Nagkausap naman na sila ni Yana sa cellphone na uuwi na lang daw 'to 'pag kailangan na kailangan. Mabait si Yana at natutuwa siya na hindi siya nagkamali sa pagkuha niya rito bilang makakasama ni Stefano sa bahay. Well, palagi naman. Palagi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD