13: OVERHEARD

1010 Words

"SABEEE?" "Oo! P*tsa! Alam mo 'yong buong akala ko, okay na kami e, tapos... ta's... biglang gagano'n? Jusko, hindi ko kinaya, Friend!" Sinunod-sunod ni Yana ang subo ng pizza habang kausap sa cellphone ang matalik na kaibigan niyang si Reva at nagsusumbong na rito. "Kumalma ka, bruha. Uminom ka ng tubig at mukhang sinubo mo lahat ng pizza na ikaw ang gumawa!" Humahalakhak sa kabilang linya si Reva habang siya ay namumuwalan na ngang talaga sa ngitngit sa boss niya. "Ah, ewan! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa Stefano na 'yon, Reva. As in. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko naman maatim na basta na lang layasan. P*tsa, kaya nga okay lang sa akin na matanggal sa DB noon kahit labag sa loob ko sa dami ng gastusin dahil sa toxic na CEO. Tapos, mas toxic pa yata a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD