CHAPTER 1.1

1072 Words
Younis's POV "Hello, guys my name is Younis Killpack 18 years. Nakatira sa bahay at nag-aaral sa paaralan!" Bigla akong humiga sa kama ko. Tinigilaan ang kabaliwan na ginagawa ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko dito, dahil boring na boring na ako sa bahay.  "Tambay sa bahay! Tabay sa bahay! Tambay sa bahay!" Nakataas ang kanang kamay ko habang pinapaikot ikot isa kong daliri na nakaturo sa kisame namin. Sabado ngayon at wala kaming pasok. Ang daming gagawin na assignments at projects, pero sa deadline ko na lang gagawin. Umupo ako mula sa pagkakahiga sa kama at huminga ng malalim. Nilibot ko ang paningin sa apat na sulok ng maliit na kwarto. "Kainip naman dito!" Ako 'yung taong sobrang bilis mainip. Walang internet dahil pinutulan kami kahapon buti na lang at napasa ko na ang research ko kaya ok lang na walang internet, pero kaboring naman. Tumayo at lumabas na ako ng kwarto para puntahan ang nanay ko sa kabilang kwarto at naabutan ko syang nanunuod ng T.V. Humiga ako sa tabi n'ya at niyakap. Tinignan n'ya lang ako saglit at binalik na ang tingin sa kan'yang pinanunuod. "Nay! Ang boring paloadan mo ko." Saad ko sabay ngiti. "Ang daming gagawin d'yan. Maglaba ka para may magawa ka!" As if naman na naglalaba ako. Well 'di naman talaga ako naglalaba samin, pero ok lang naman na ako maglaba. May automatic naman na washing machine. Pipindutin ko lang naman 'yun tapos pag labas tuyo na pero gusto pa ni nanay gumagamit ng kamay. "Sige na please!" At binaon ko ang mukha ko sa braso n'ya. Wala rin naman nagawa si nanay kung hindi bigyan ako. Agad akong tumayo pagkabigay sa akin ng pera syempre papaload na ako. Tamang gosurf 50 lang muna tayo pwede ng manuod ng it's started with a kiss. Panglimang beses ko ng napanuod 'yun.  Tuwing pinapanuod ko kasi 'yun naaalala ko 'yung crush ko parang ganun din s'ya. Ang bidang babae medyo slow at mahina sa klase tapos ang lalaki sobrang talino. Napahawak na lang ako sa mukha ko dahil napapangiti ako sa naiisip ko. "Younis hindi mo na s'ya crush ok!" Pero joke lang 'yun. humiga ako at pinanuod ko ulit. After 1 hour yes naman tinamad na rin akong manuod. Inopen ko na lang ang f*******: ko at nakita 'yung crush ko na online pero 'di para sakin. Diba ang sad ng life 'di ka crush ng crush mo. Meron nag message sa akin kaya agad kong binuksan. "Hoy sama ka!" Napataas ang kilay ko. Saan naman kami pupunta nito. Si Kent ang nagmessage sa akin. Kaibigan ko since elementary at s'ya ang dahilan kung bakit ko nakilala ang gwapong lalaki sa buhay ko, my crush. "Saan?" Replied ko. Nakakapagtaka ngayon lang 'yan nag-aya ng biglaan. "May project kami na Vlog kasama ko si Emerson. Sama ka bilis! Kaming dalawa lang."  Mata koy nagningning, Dibdib ko'y sumigla. Agad akong tumayo at pumunta kay nanay para mag-paalam  "Nay, pupunta lang ako kila Kent" Hindi ko na hinintay ang sagot ni nanay agad na bumalik  sa kwarto para kumuha ng damit. "Shems ano susuotin ko?!" Sa matagal na pag-iisip ay palda at black shirt din ang bagsak ko. Pumunta ako sa banyo para maligo.  Hindi ko maiwasan ang mapangiti pag iniisip ko na magkikita na rin kami ni Emer after a year of admiring him. Sa phone lang ni Kent ko lagi s'yang nakikita. Duon din ako laging kumukuha ng pictures ni Emer. Wala naman magawa si Kent saka kasalanan n'ya 'yun pinakilala n'ya sa akin mabwisit s'ya. Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis. Kinuha ko ang sapatos ko at ginawa ko ang routine ko sa mukha. Nilagyan ko ng konting alover ang mukha ko para 'di naman dry. Liptint sa lips at polbo sa mukha.  Kinuha ko ang string bag ko na lagi ko naman talaga dala kahit saan ako pumunta. Parang 'di kompleto ang pag-alis ko pag hindi ko dala 'yung string bag. Gusto ko sana magmotor kaso bawal pa ako lumabas ng highway kaya wag na lang. "Hintayin kita sa kanto then send" Basa ko texted ko habang naglalakad. Papunta ako sa tricyclelan. Nag-reply na agad si Kent. "Kanina pa ako sa kanto! Bilisan mo nandun na daw s'ya!"  What? Agad akong tumakbo para pumara ng tricycle. Bakit naman ang bilis ng Emerson na 'yun excited ba s'ya makita ako? Ako din naman. Wag s'ya mag alala at buti na lang ay saktong may napadaan ng tricycle. 5 minutes lang ang byahe at nakita ko na agad si Kent na nakatayo sa isang tindahan na sarado. Mukhang nalugi na yata. Pagkabigay ko ng bayad ay nagmadali akong pumunta kay Kent. "Bakit ang bilis naman n'ya?" Taka kong tanong kay Kent na mukhang nainip na rin. Nagmamadali na rin naman ako kanina. "Sakto lang s'ya sa napag-usapan. Late ka lang! Tara na." Nagsimula na s'yang maglakad at sumunod lang ako sa kan'ya. "Bakit ba bilis mong maglakad?" Irita kong tanong. Minsan lagi talaga syang nagmamadali. Pagdating namin sa kanto ay mayroong dalawang jeep ang nakapila ang isa ay medyo puno na at ang isa naman ay halatang maluwag pa dahil walang masyadong taong nakasakay.  "Kent dun tayo!" Turo ko sa isang jeep na maluwag, pero paglingon ko ay nakahakbang na si Kent sa isang jeep na nauuna sa tinuro ko na medyo puno na. "Dito na lang Kent!" Turo ko dun sa jeep. Ayoko kasing sumakay pag-medyo madami na 'yung nakasakay baka kalahati na lang ang nakaupo sa pwet ko dun. "Dito na nagmamadali na tayo Younis!" Hindi man lang akong pinasagot at sumakay na s'ya. Wala naman akong nagawa kung hindi ang sumunod.  Pagsakay ko ay agad kong hinanap si Kent kung nasaan ba ito at nandun s'ya malapit sa may babaan tapos ako sa likod ng driver nakaupo dahil ito na lang ang natitirang spot. Lagi naman ako dito umuupo dahil pagbababa ako minsan piso na ang nilalagpas ng driver sa pupuntahan ko kaya dito na lang ako lagi umuupo.  Nung nakaraan nga parang bingi 'yung driver nasa likod na n'ya lang ako pero hindi pa rin n'ya ako marinig kaya ayun kinalabit ko na. "Bayad po dalawa." Sabi ko mamaya si Kent naman magbabayad pauwi. Tinignan ko si Kent ay busy sa phone n'ya. Kachat siguro si Emerson. Kaya ako ay tinignan ang labas. Madalas ko itong ginawa.  Hindi rin ako nakikipag usap pag may kasamahan ako basta nakatingin lang ako sa bintana at tinitignan ang mga nadadaanan namin. Huminto 'yung jeep at hindi pa rin ako natitinag sa pwesto ko. Muli itong umandar pero isang pamilyar na mukha ang nakita ko, bigla akong kinabahan dahil sa kan'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD