CHAPTER 2.1

1031 Words
Younis's POV Nagising ako sa ingay ng kapatid ko si Youris. Lagi naman 'yang maingay at s'ya na lang ang nagiging alarm clock ko tuwing umaga dahil lagi na lang sila ni nanay ang maingay. Kinuha ko ang phone ko. Tinignan ang oras 6:12 A.M palang. Mamayang 12:00 P.M ang practice namin. Meron kaming gagawin na film at ako ang napiling editor. Actually hindi naman talaga ako kailangan dito pero hindi pwedeng hindi pumunta corny ng leader or nung producer namin.  Nagonline muna ako sa f*******: at tinignan kung meron message. 'Yun nga sa GC and kay Cyris my best friend from far away. Ilang buwan na rin kaming 'di nagkikita n'yan. Simula ng grade 11 naghiwalay na kami dahil lumipat kami ng school na magkaiba pa. I miss her so much. S'ya lang kasi nakakasabay sa trip ko at pareho din kami ng hilig kaya no wonder, why we like each other. Hindi ako mahilig makipagchat. Ang hilig ko lang manuod ng mga movie about sa business, accounting and science kaso walang wifi kaya kailangan ko munang magtipid sa load ko na 3 days ang buhay. Nagsimula na akong mag-ayos ng sarili black pants and white shirt ang suot ko dahil sabi ng leader/producer namin. Kailangan mukha kaming kawawa para sa film namin. 8:00 AM palang pero papasok muna ako para mag immersion. Sayang naman 'yung natitira kong oras kung itatambay ko lang sa bahay. Gaya ng lagi kong ginagawa ay nakatingin lang ako sa bintana ng jeep. Nageemote kunwari broken.  30 minutes kasi ang byahe bago ako makarating sa school namin. Nadaanan ko na naman kung saan kami bumaba ni Kent nung sabado. Naalala ko na naman s'ya lagi ko na nga s'yang napapanaginipan. Matagal ko na rin s'yang gusto, pero isang beses palang kaming nagkikita at dahil kay Kent 'yun. Pagkalagpas namin duon ay patuloy lang ako sa pagtingin sa labas. Meron tatlong lalaki ang nakita na naghaharutan or nag-aaway bahala sila. Napatingin sa gawi ko 'yung isang lalaki. Imiwas naman ako ng tingin ng tinuro n'ya 'yung gawi ko. Biglang huminto 'yung Jeep at merong sasakay na matanda. Muli kong tinignan 'yung isang lalaki pero ngayon tatlo na silang nakatingin dito. Kumaway ang isa kaya iniwas ko na lang ang tingin ko baka nanloloko lang. Muling umandar ang jeep. "Younis pakigupit naman ito!" Utos ng admin sa akin. Nandito ako ngayon sa admin office ngayon dahil sa immersion. Ilang oras na lang naman ang natitira ko. Agad kong sinunod ang mga inutos nila hanggang sa matapos ko lahat. Nagpaalam ako na hanggang 11:30 A.M lang ako para pumunta sa mini park na gaganapin ang shooting para sa film namin. Dumaan muna ako sa Robinson para bumili ng pagkain dahil malalate na ako kung kakain pa ako sa canteen sa school. Bread stick and choc-O 'yung binili ko. Hindi pa naman ako masyadong gutom kaya ito na lang ang kakainin ko. Sumakay na ako ng jeep patungo sa mini park na 'yun dahil malapit lang naman dito 'yun ay agad akong nakarating sa patutunguhan ko. Pagbaba ko ay kailangan pang tumawid sa kabila para makapunta sa mini park. Maraming sasakyan na nagdadaan at ilang minuto akong nakatayo dun. Ang init pa naman kaso tinatamad akong kunin ang payong sa bag ko. Nang makatawid ako ay dali dali ako pumunta sa minipark. Humakbang na lang ako sa mga halaman na nakaharang para makapasok na ako sa loob. Madaming tao dito at halos ay studyante dahil malapit lang ang school dito ng BSU at ang Laco. Dahan dahan akong naglalakad at palingon lingon para hanapin ang mga kasamahan ko pero dahil sa dami ng tao ay hindi ko malaman kung nandito ba sila o wala pa. Agad kong kinuha ang phone ko para itanong kung saan na ba sila. Nakita ko na nag iba 'yung oras na dapat call time namin. Ginawa nilang 1:00 PM. Pagtingin ko sa oras ng phone ko ay 11:45 A.M palang so mga isang oras pa akong maghihintay dito. Humanap ako ng bakanteng upuan para naman 'di ako mukhang tanga dito na nakatayo at nag-aantay sa kanila. Maraming tao dito at lahat sila mayroong kasama. Ako dito tingin tingin lang sa kanila. Nagfacebook na lang ako para naman 'di ako mainip. Napangiti ako ng makita ko 'yung share ni Emerson about sa art 'yun at nakalagay dun. Ang artist ay pinaghihirapan nila ang mga gawa nila tapos may ibang magpapagawa pero paghindi nasunod or tinangihan magagalit. Yeah tama naman s'ya hindi naman talaga madaling gumuhit, dapat pala bawiin ko na 'yung drawing ko kay Kent nagpadrawing kasi s'ya sa akin at tatlong araw kong ginuhit ang kumag na 'yun. Patuloy lang ako sa ginagawa ko sa phone ko ng merong umupo sa tabi ko. Medyo malayo naman s'ya sa akin. Saglit ko lang itong tinignan at binalik ang focus ko sa pagcecellphone. Paki ko ba sa kan'ya kay Emer lang ako titingin at s'ya lang ang gugustuhin ko. "Dito ka ba nag-aaral?" Agad akong napalingon sa kan'ya na ngayon ay nakangiti na ito. Kulay asul na t-shirt at pants ang suot nito and he also wearing a glass na medyo makapal. "Hindi" Mabilis kong sagot at tinuon ko ang tingin sa phone ko. Hindi ako sanay makipag usap sa iba lalo na sa lalaking 'di ko naman kilala. Naramdaman kong umusog s'ya ng konti palapit sa akin pero hindi ko pinansin iyon. "Glenn nga pala!" Sa pangatlong pagkakaton ay tinignan ko s'ya. Ngayon ay nakatapat na s'ya sa akin. Lumahad ito na parang gusto n'yang makipag kamay kaya kinuha ko na lang iyon. "Younis!" Phone ulit ang inatupag ko. Wala naman akong paki sa kan'ya at halatang wala lang s'yang makausap gaya ko dito. "Saan ka nag-aaral?" Tanong na naman nito. "Sa School!" Walang gana kong sagot. Tinatamad din ako magsalita dahil tinatamad lang ako. Nakita ko na naman na umusog s'ya papalapit pero wala pa rin akong paki. Rinig ko naman ang pagtawa n'ya dahil siguro sa sagot ko pero normal lang  naman sa akin na ganun ang sagot ko pag may nagtatanong. "Yung seryoso!" Muli ko s'yang tinignan at tinuro 'yung mukha ko na nakapoker face. "Seryoso ko men!" Muli itong ngumiti sa akin. Pinunasan n'ya ang pawis nito. Tama ang init talaga dito. Sana si Emerson na lang 'yung tumabi sa akin at ako na mismo ang aasug palapit sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD