Nagkakape si Grace kasama ang ama para samahan ang dalaga sa pag-aaral nito sa ibang bansa. Nasa airport na sila at hinihintay na lamang ang flight nila. Si Grace ay hindi mapakali at ang nasa isip ay si Bryan. Nagdesisyon kasi si Grace na sa ibang bansa na mag-aral at 'yon ay dahil sa paulit-ulit na nangyayari sa kanila ni Bryan walang kasiguruhan. Hindi niya gusto na lumayo sa lalaki pero alam niya na siya lamang ang tiyak masasaktan kapag kan'ya tinuloy ang relasyon kay Bryan. "Okay ka lamang ba, anak?" ani Leo sa anak na babae puno nang pag-aalala. "Wala po kayo na alalahanin sa akin, okay lamang po ako siguro po ay naninibago ako at nalulungkot dahil alam ko na ayaw ninyo rin po umalis," saad nito sa ama na may malamlam na mga mata. Sa hindi naman kalayuan sa mesa nila ay may is