Hindi pinatulan ni Grace ang mga pang-aakit sa kan'ya ng binata kaya bumaba na silang dalawa ng binata. Pagkatapos na kumain ay nasa library nila si Bryan at ang ina nito kasama si Margot dahil mayroon daw sila mahalaga na pag-uusapan. "Bryan, siguro ay kailangan na ninyo paghandaan ni Margot ang engagement ninyo!" ani nanay ni Bryan na nagtaas ng kilay sa sinabi ng matandang babae. "Sino ang may sabi sa inyo na gusto kong ma engage sa kan'ya?" tanong nang galit na lalaki sa inang bigla nanlaki ang mata. "Bryan, huwag mong ipahiya si Margot. Alam na ng parents niya ang kasunduan na ito," "At anong kasunduan naman ito na pinasukan ninyo? Kayo nagpasok sa utak ng babae na 'yan na mayroon gusto ako sa kan'ya kaya kayo ang lumusot sa ginawa ninyong gusot. Ako ay huwag ninyo isali sa nagin