Napahiga sila pareho sa kama na nakalapat pa rin ang labi ni Bryan kay Grace. Hindi alam ng dalaga ang gagawin sa mga oras na 'yon. "Teka nga Bryan, bitawan mo ako!" sigaw ni Grace sa binata nang nagkaroon siya nang pagkakataon. "Bakit ko naman bibitawan ka, samantala kanina sinisigawan mo pa ako dahil sa kutong lupa na 'yon," ani Bryan sa kan'ya habang naalala ang lalaki na kumausap sa dalaga. "Sorry na pero nauna ka naman sumigaw sa akin kaya napagaya na lamang ako sa iyo!" ang turan pa ni Grace sa binata saka inaayos ang damit niya. "Nauna ako, sigurado ka ba sa sinasabi mo?" anito habang ito ay lumalapit sa kan'ya, ang lalaki nang dahan-dahan. Kinabahan si Grace sa sinabi ni Bryan at naalala niya ang bilin ng ama na huwag siya patatangay sa sariling damdamin pero paano? "Bata pa