“M-mama,” nanginginig ang boses kong sabi.
Hawak-hawak ko ang kamay ng aking ina. Nanginginig ito habang tinitignan ko ang nakaka-awa n'yang kalagayan sa hospital bed. Puno ng kung ano-anong mga apparatus ang nasa katawan na hindi ko matukoy kung ano ang tawag.
May malubhang sakit si Mama, s'ya nalang ang meron kami ng kapatid ko. Wag naman sana s'yang kunin samin.
“Ma'am?” napaangat ako ng tingin.
Nasilayan ko ang nurse na nagbabantay kay Mama sa pintuan, may hawak s'yang papel.
“Ang mga bayarin nyo Ma'am, matagal nyo ng hindi nababayaran,” binigay nya sa'kin ang papel.
Nanlumo ako sa nakita ko, alam kong baon ako sa utang dito sa hospital dahil matagal nang naka confined si Mama, pero di'ko akalain na gan'to na ang inabot nito.
“₱500.000?” mahina kong sabi. Napatango naman ang nurse, napalunok ako, sa isang-libo panga ay hirap na'kong makakita. Pa'no pa kaya ang kalahating milyon?
“It's been months Ma'am, you haven't pay your bills, we might let your mother out of our hospital,” napalingon ako sa pumasok na doctor. Napaluhod ako sa harap n'ya.
“Wag po please! Hahanap ako ng pambayad, wag nyo po sya paalisin dito, kailangan n'ya gumaling,” pagmamakaawa ko.
Napailing ang doctor sa'kin at lumakad papaalis. Bumagsak ang balikat ko.
“May gagawin pa po kami Ma'am, paki-handa na po ang babayaran,” yumuko sa'kin ang nurse at umalis. Naiwan akong nakaluhod sa sahig.
“A-anak,” napalingon ako, nagising si Mama.
“Ma, kamusta ka? may masakit ba sa'yo?” mabilis kong tanong pagka-lapit sakanya.
Mabagal s'yang umiling, hinawakan ko ulit ang nanghihina n'yang kamay. Ramdam ko ang gaan nito na halatang wala ng lakas, napaluha ako, pero agad ko ding pinunasan.
“N-nasaan a-ang k-kapatid mo?” tanong n'ya.
“Nasa bahay Ma, nag aaral sya ng mabuti,” nakangiti kong sabi.
“B-bakit mo n-naman i-iniwan doon? M-mag isa l-lang s'ya.” ngumiti ako at umiling.
“Alam mo naman si Jane, Ma, kaya nya ang sarili nya, pero wag ka mag-alala pupuntahan ko sya at dadalhin dito para kumpleto tayo,” sabi ko na nakapag-pangiti sakanya.
“P-puntahan mo na,” pagpipilit n'ya. Bumuntong hininga nalang ako at tumango.
“Mama talaga. Oo na po pupuntahan ko na, mag pahinga na kayo ah? Kailangan nyo gumaling para samin ni Jane,” halos pumiyok ako habang nagsasalita, may kirot sa puso ko habang nakatingin sakanya.
Mahina n'yang hinila ang kamay ko at hinalikan 'yon, yumuko naman ako at hinalikan ang noo nya para magpaalam na.
“Aalis na'ko Ma, hintayin n'yo ako, dadalhin ko si Jane dito, bibilhan ka din namin ng pagkain. May lugaw pa namang tinda d'yan sa kanto at bibilhan ka namin ng tinapay na masarap. Walang lasa yung binibigay sa'yong pagkain dito sa hospital eh,” sabi ko.
Mahina s'yang tumango at napapikit na ulit, tumalikod na'ko at hinawi pasara ang kurtina na tanging nag hihiwalay sa katabi naming mga pasyente. Naglakad na'ko palabas ng hospital.
Madami akong nakikitang malalaking bahay, magagarang sasakyan, mga tindahan na may mga mamahalin na bilihin, nagu-umapaw ang liwanag sa paligid, malinis ang lugar at ang nilalakaran ko. Hindi bagay sa suot ko ngayon na medyo madungis at gusot-gusot.
Hanggang sa naka layo-layo na'ko, nag iba na ang lugar. Maingay, madumi, magulo, maliliit na bahay, yung iba sira-sira pa at walang maayos na bubong.
Ano pabang inaasahan ko sa isang squatter na lugar?
Sa pag mumuni-muni ko ay binuksan ko ang wallet kong walang kalaman-laman. Kulang nalang may lumipad na langaw galing dito. Napapikit ako ng mariin, siguro ay u-utang nalang muna ako ng pagkain ni Mama.
“Sunog!” nagulat ako sa sigaw na nang gagaling sa malayo. Maya-maya ay may mga nagsisi-datingan nang mga bumbero.
Nakaramdam ako ng kaba, napatakbo ako at sinundan ang bumbero. Lalong lumakas ang kaba ko nang makitang papunta ito sa street namin. Napanganga ako at natulala sa malaking sunog na kumakalat sa buong paligid ng street namin. Nagpalinga-linga ako.
“Hindi. Ang bahay namin, Jane!” Tumakbo ako papunta sa bahay namin, na naabutan kong nasusunog din.
Nasa loob ang kapatid ko.
Ang bilis ng t***k ng puso, tatakbo palang ako papasok nang hinawakan ako ng bumbero at hinila papalayo sa sunog.
“Teka lang po, yung kapatid ko nasa loob!” sigaw ko.
Pilit akong kumawala.
“Wala ng tao sa loob Miss, yung kapatid nyo nasa isa ata sa mga tela na 'yon,” tinuro n'ya ang parte kung saan may mga naka hilatang katawan na natatakpan ng tela.
Nanlumo ako dahil sa pumasok sa isip ko.
“H-hindi, hindi. Jane!” napailing-iling ako, mabibigat ang hakbang ko papalapit sa kinaroroon ng mga walang buhay na katawan.
Malayo palang ako ay rinig kona ang iyakan at pag hihinagpis ng mga kapamilyang nadamay sa sunog. Lumapit ako sa isang tela na walang kahit sinong lumapit. Napaluhod ako doon at dahan-dahan na binuksan.
“Please, sana hindi ikaw 'to, sana,” pagdadasal ko.
Hinawi kona ang tela, napa atras ako agad at napa hagulgol. Sunog na ang buong katawan n'ya at hindi na makilala, pero ang suot na headband nya ay nagpapatunay na s'ya nga ang kapatid ko. Ang headband na suot n'ya, yan lang ang tangi kong naibigay na regalo sakanya noon, hanggang ngayon suot nya padin.
“JANE!” napahagulgol ako, nahalo na'ko sa mga nagdadalamhati.
Bumalik ako sa hospital ng mabigat ang pakiramdam, namamaga ang mga mata ko at medyo nanlalabo dahil naluluha pako sa nangyare. Inilibing na agad ang mga namatay sa sunog, lahat kami ay walang pera pang lamay kaya wala kaming nagawa at pinaubaya na namin sakanila.
Hinawi ko na ang kurtina, naka handa na'kong sabihin kay Mama ang nangyare kahit na alam kong hindi n'ya lubos na matatanggap ito, pero ang hindi ko inaasahan ay ang walang laman na hospital bed. Nasaan si Mama?
Umalis ako agad don at mabilis hinanap ang nurse na nag-aasikaso kay Mama.
“Nurse, nasaan ang nanay ko?” hinihingal kong sabi, malungkot naman n'ya akong hinarap.
Bakit ganyan ang mukha nya? Anong problema?
“Ma'am hindi nya na nakayanan,” sabi n'ya, parang gumuho ang mundo ko.
“A-ano? Paki-ulit?” sabi ko, bumuntong hininga s'ya at sinabing sumunod ako sakanya.
Pinapasok n'ya ako sa isang kwarto, nakakita nanaman ako ng puting tela. Mabilis kong hinawi yon, ang kaninang pinipigilan kong hagulgol ay lumabas na. Napaluhod ako.
“Paanong… paanong nangyare 'to?” mahinang sabi ko.
Halos mahimatay ako sa nasaksihan. Nawala na si Jane, pati ba naman si Mama?
“It's obvious, hindi n'ya na nakayanan Ma'am,” mahinahong sabi ng nurse.
Nanlilisik ang mata kong tinignan s'ya, kanina malungkot s'ya pero ngayon parang may nag-iba sa tono ng boses n'ya.
“Hindi nakayanan? Hindi basta-basta sumusuko si Mama, nangako s'yang lalaban s'ya at wala din s'yang pinapahiwatig na mag papaalam s'ya sakin. Kaya n'ya pa kanina, alam kong nanghihina s'ya pero kaya n'ya pa, imposible!” halos magwala ako dahil hindi ko ito tanggap.
Malumanay s'yang ngumiti sa'kin. binaliwala ang pag-sigaw ko.
Napatigil ako dahil sa naisip. Hindi kaya… tinanggal nila ang makina na nagpapabuhay sakanya?
Lumaki ang mga naluluha kong mata.
Dahan-dahang ngumiti ulit ang nurse.
“Ang bill n'yo po Ma'am,” abot n'ya ulit ng papel.
“Icre-cremate na namin ang nanay nyo Ma'am, kami napo ang bahala, mag hintay nalang kayo d'yan.” pinanood ko ang paghila nya kay mama palabas. Paulit-ulit akong umiling sa sarili.
Hindi ako nakinig, wala sa sariling lumabas ako ng hospital. Nakarinig pa'ko ng ilang tumawag sa'kin pero hindi ko sila pinansin, tumakas ako sa hospital. Bumalik ako sa nasunog naming bahay, kinalkal ko ang ilang gamit namin, hinanap ko ang box na naglalaman ng maliit na halaga ng pera.
Hindi man nito mababarayan lahat pero kahit onti lang makabayad ako, binuksan ko ang box, pero agad ko ding nahagis.
Wala.
Walang nasalba, nasunog din ang loob ng box.
Nilukot ko ang hawak kong papel at tinapon yon, narinig ko ang paparating na sasakyan ng pulis. Mukang ni-report nila ang pagtakas ko sa hospital.
Mabilis akong umalis at tumakbo papalayo.
Nagdaan na ang gabi, naka-paa nalang ako, dahil sa pag takbo ko kanina nasira ang stinelas ko. Tulala akong naglalakad ngayon sa kahabaan ng madilim na syudad. Natakasan ko ang mga humahabol sakin, pero saan na'ko nito pupunta?
“Wala akong bahay, wala na'kong kasama sa buhay, wala akong pera,” naramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko.
“At nagugutom na'ko,” bulong ko.
Nakaramdam ako ng panghihina, tumigil muna ako sa isang tabi at doon umupo. Bumibigat na ang talukip ng mga mata ko, wala nga pala akong tulog ngayon.
Humiga ako sa matigas na sahig, ramdam ko ang lamig, napayakap nalang ako sa sarili. Buti kahit papano naka t-shirt ako at pantalon, wala nga lang akong sapin sa paa kaya ramdam ko parin ang lamig.
Tinanggal ko ang tali ko at naglugay, tinakpan ko ang balikat ko ng mahaba kong buhok. Pinikit kona ang mga mata ko at sinubukan matulog.
Thud
Bigla akong nagising sa tunog na parang may ibinato, napa-mulat ako dahil nasilaw ako sa isang makintab na bagay.
Medyo malayo yung kumikintab na bagay nayun, dahil sa kuryosidad ay lumapit ako. Napalapit ako sa isang bahay na medyo may kalakihan, malapit lang ito sa isang bahay na hinigaan ko kanina.
May nakita akong nakatarak sa pader na… dagger? Isang makintab na dagger ang nakita ko, napatingin ako sa talim nito, na may simbolo ng crescent moon. Binasa ko pa ang naka sulat doon.
“Midnight Hunters,” basa ko.
Napatigil ako. Midnight Hunters?
“AAAAHH!” bigla akong nakarinig ng sigaw. Napa-yuko ako at nagtago malapit sa damuhan.
Ang Midnight Hunters, umaatake nanaman sila. May sabi-sabi na mapanganib silang mga kriminal, hanggang ngayon hindi padin sila nahuhuli.
Sumilip ako sa malapit na bintana ng bahay, may nakita akong babae na naka tayo habang nakaupo naman sa sahig ang babaeng bibiktimahin n'ya. Nakaitim na jacket ang babae at pantalon, naka leather boots din s'ya. May suot s'yang itim na mask kaya hindi ko sya mamukhaan. Ang babae na naka salampak sa sahig ay mukang takot na takot, may bahid din na dugo sa pisngi at kamay nito.
Nagsimulang lumapit ang babaeng nakaitim sakanya, nagsisi-sigaw na sya at nagwawala, halata ang takot. Nagmaka-awa ang babae pero hindi na sya pinatapos, bigla nalang s'yang ginilitan sa leeg. Nanginginig akong napatakip sa bibig ko, nagsi-talsikan ang dugo na nagmula sa babaeng biktima.
Gumapang ang takot sa buong sistema ko, gusto kong tumakbo pero parang hindi ko maramdaman ang mga paa ko.
Hanggang sa napatingin ang babaeng naka mask sa gawi ko, napaatras ako. Hindi na'ko nag isip at tumakbo nalang papalayo sa bahay na'yon, nakalabas nako sa street na'yon, hindi ko alam kung saan na'ko papunta. Nang may narinig nanaman ako tunog ng sasakyan ng pulis, napatigil ako at saktong papunta ito sa direksiyon ko. Napapikit ako sa liwanag.
Hindi na'ko tumakbo, gusto ko nalang din mawala.
BOOGSH
Lumaki ang mga mata ko, malapit na'ko mabangga nang bigla nalang nag-landing ang malaking motorbike sa mismong kotse. Napanganga ako at naangasan sa ginawa n'ya, pero hindi ako dapat matuwa dahil alam kong posibleng nadagaan ang nga tao sa loob ng kotse.
Tumitig sa'kin ang babaeng sakay ng motorbike, s'ya ang babae kanina sa bahay. Pigil hininga ako habang tinititigan n'ya.
“An ordinary citizen huh?” sabi n'ya. Kumunot ang noo ko.
Nakarinig kami ng sirena ng pulis. Ngayon madami na ang nagsisi-datingan.
“Tsk! Police only arrived when everything is over,” napatawa s'ya. Ako naman ay nagtataka, kinakausap n'ya ako?
“Tara!” halos humiwalay ang kaluluwa ko nang hilain n'ya ako palapit sakanya at pinasakay sa motorbike n'ya.
Hindi ko alam kung bakit n'ya ako pinasakay.
“Hold on tight,” sabi n'ya. Napakapit nalang ako sakanya nang wala sa oras dahil bigla nalang s'yang umandar.
Pasalubong kami sa mga police, napapikit ako sa sunod-sunod na putok ng baril patungo samin. Pero hindi man lang kami natamaan?
Parang may lumalabas na harang galing sa motorbike n'ya na nagproprotekta samin, sobrang bilis ng takbo n'ya at kada-daan namin ay nagsisiliparan ang mga sasakyan.
Huminto s'ya sa isang building.
“Here,” sigaw n'ya. Napatingala ako, may tao sa rooftop.
Nagulat ako nang tumalon ito at saktong naglanding sa likod ko, kasama ata 'to ng babae. Umandar na ulit kami agad matapos sumakay ang lalaki.
“Oh! who is this?” takang tanong ng nasa likod ko.
“Napulot ko sa daan,” kibit balikat na sabi ng babae. Napayuko nalang ako.
May humahabol parin samin at binabaril kami, yung lalake ay bumaril din pabalik. May hawak s'yang dalawang baril at nakikipag sabayan sa mga pulis.
Nagtataka lang ako kung bakit hindi s'ya nauubusan ng bala.
Naiwala nadin namin ang mga pulis, kahit hindi kami naglalakad ay ramdam ko ang pagod. Nasa isang gubat na kami ngayon, matataas ang puno, malapit na ata mag umaga.
Hindi ko na alam.
Hindi nagtagal ay huminto kami sa isang lugar, lumapit kami sa isang puno at parang may twitch na ibinaba ang babae. Bumukas ang lupa at nagkaroon ng daan pababa.
Nagtatago sila sa ilalim ng lupa?
Pumasok kami habang nakasakay parin, pag tapos makapasok ay bumaba na kami sa motorbike.
Gumala ang mga mata ko sa paligid, may mga nakikita akong mga armas, mga monitor na nakakabit sa paligid. May apat din na tao akong nakita.
“Nakabalik na kami,” sabi ng babae na kasama ko.
“Mukang may dala ka?” sabi ng babaeng naka upo sa parang trono.
“Ordinaryong mamamayan lang yan Boss, niligtas ko lang,” sabi n'ya at umupo sa couch na malapit sakanya.
“Mukang kailangan ng makakain,” sabi naman ng lalaki. Nagtanggal na silang dalawa ng mask at masasabi kong parang ordinaryong tao lang din sila.
“You can stay here for a while,” sabi ng Boss nila.
Napatingin ako sa simbolo na naka sabit sa itaas, crescent moon na may nakasulat na Midnight Hunters.
Napanganga ako, ibig sabihin nasa kuta ako ng Midnight Hunters?
Ang pinaka delikadong grupo ng kriminal sa buong lungsod?