***
“Kumain kana.” Binigyan nila ako ng pagkain, nahihiya ako sakanila pero ramdam ko na talaga ang gutom na hindi na kayang tiisin.
Dahan-dahan ko kinuha ang pagkain sa lamesa at kumain na, iniwasan ko nalang ang mga tingin nila sakin.
“Maligo kana din pagtapos at magpalit ng damit,” sabi nang tinatawag nilang Boss, tumango ako.
Nakapag-tataka, bakit ang bait ata nila?
Ine-expect ko kasi na mamamatay ako ngayong araw.
“Mukang nagtataka sya kung bakit buhay pa sya ngayon,” sabi ng lalaki na may nakasabit na headset sa leeg.
“Ano pang inaasahan mo Hacker, ganon naman tingin satin nang karamihan. We are a bunch of criminals,” natatawang sabi ng babae, yung may motor bike.
Hay, hindi ko pa sila kilala.
Apat na lalaki at dalawang babae ang nandito sa lugar nato. Yung babae na tinatawag nilang Boss, yung babaeng may motor bike, yung lalaking may dalawang baril na hawak, isa pang lalaking may headset sa leeg, lalaking may katana na nakasabit sa likod at Ang huli ay yung lalaking may hawak na dagger.
Bale anim silang lahat na naka paligid sa'kin.
“Ah, pwede ko ba malaman ang mga pangalan nyo?” nag-aalangan kong tanong matapos kumain.
Ngumiti sakin yung babaeng nakasama ko.
“Kahit kami hindi namin alam ang totoong pangalan ng isat-isa, pero may mga alyas kami,” sabi nito sakin.
Naisip ko, mga kriminal nga pala sila, malamang hindi talaga nila sasabihin ang tunay nilang pangalan.
“Ako si Biker,” pagpapakilala n'ya sa sarili n'ya. Halata nga dahil lagi ata n'yang dala dala ang motor bike nya kahit saan.
“Etong lalaking to si Bullet,” turo n'ya sa lalaking naka sabay namin, yung nakikipag-sabayan bumaril sa mga police kanina.
“Si Hacker naman yon,” turo n'ya naman sa lalaking may headset sa leeg. Malalim ang mga mata n'ya at sa paraan ng pananamit, muka nga naman talaga s'yang adik sa computer.
“Si Swordsman yang katabi n'ya,” tumango sakin yung lalaki, muka s'yang normal na mamamayan pero ang pinag-kaiba may katana s'ya na naka sabit sa likod n'ya.
Nakakatakot siguro pagnilabas n'ya yan.
“At si Silencer,” turo n'ya sa lalaking naglalaro ng dagger. Napa titig ako sa dagger n'ya, alam kona agad kung bakit silencer ang naisip n'yang alyas.
Mukang tao ang kaya n'yang patahimikin.
“Lastly this is Boss,” pinatong n'ya ang siko n'ya sa balikat ng babae.
Maraming tattoo ang babaeng may alyas na Boss, maikli din ang buhok nito na hanggang balikat. Tingin ko ay mahilig s'yang makipag basag ulo?
“Siraulo, ikaw tong dapat Boss eh,” siniko ni Boss si Biker.
“Boss?” wala sa sariling sabi ko.
“Si Biker ang nag tayo nang grupong to, kung tutuusin sya dapat ang boss namin, pero ayaw nya,” sabat ni Bullet.
“Biker became a criminal because of helping, then she thought of creating Midnight Hunters. A group for helping powerless citizens,” sabi ni Hacker, tumayo s'ya at pumunta sa mga monitor at doon umupo.
May mga tinipa s'ya sa keyboard, mukang may dapat s'yang asikasuhin don.
“Tumutulong? Pinatay n'ya yung babae kanina,” napatayo ako at tinuro si Biker.
“Chill,” sabat ni Swordsman.
“Question is. Do you even know that girl?” tanong ni Silencer.
Dahan-dahan akong napaupo, hindi ko nga kilala yung babaeng yun, ngayon ko nga lang s'ya nakita. Muli akong tumingin sakanila.
“Oo hindi ko kilala, pero mali na pinatay nya yung babaeng yun, mali kayo sa ginagawa nyo.” Halos sigawan ko silang lahat.
Ngayon buwan naging balibalita ang grupo ng midnight hunters sa lungsod namin, nandito lang pala sila nag tatago. Unang paramdam nila naging usap-usapan na agad sila. Inutusan din kaming mga mamamayan na lumayo sakanila, dahil mga delikado silang tao.
“Hmm… ” narinig ko ang pagpigil ng tawa ni Boss.
Napa iling-iling ang iba pa n'yang kasama.
“Lovely Dianne Cruz.” Narinig kong nag-salita si Hacker, nakatutok ang mga mata n'ya sa monitor.
“A business women who's harassing some of her employees, letting them do hard work and paying them less money, giving them threats to their family, if they report her to the authorities.” Sinasabi nya ang mga inpormasyon habang nagtitipa sa keyboard.
Ano daw? Yung babae ba ang tinutukoy n'ya?
“Kamusta ang mga employee n'ya Bullet?” tanong ni Boss, nag-okay sign si Bullet sakanya.
“All free,” sabi nito.
Hindi ko sila maintindihan.
“Is she dead?” tanong ulit ni Boss at bumaling kay Biker.
“Already in hell, she must be having a cup of tea with the devil's like her,” natatawang sabi ni Biker.
“Request granted,” sabi ni Hacker.
May pinindot s'ya at nagkaroon ng check sa parang image na envelope sa monitor.
Nag si tayuan na sila, habang ako nalilito. Pumasok na sila sa kanya-kanyang kwarto dito sa hide out nila.
“Matulog kana din,” sabi ni Biker.
“Hindi ko maintindihan,” nasabi ko sakanya. Napa tagilid ang ulo n'ya at parang nagtaka sa sinabi ko.
“Totoo ba ang inpormasyon na yon?” tanong ko.
Ngumiti s'ya at umupo ulit sa harap ko, wala na ang mga kagrupo n'ya, siguro ay matutulog na.
“We're accepting request for the citizens that can't fight for their selve's,” sabi n'ya.
“Meron namang mga pulis,” sabi ko.
Napailing s'ya. Aaminin ko na nakakatakot kaharap si Biker, pula ang labi n'ya at matatalim ang tingin, maganda din s'ya. Maganda din ang Boss nila at gwapo ang mga kasama s'ya, mga ugaling kriminal nga lang sila.
“Alam mo bang wala silang pakealam, basta ba pera ang usapan?” sabi n'ya, napayuko ako.
“Can't you see? or are you still blinded by everything?” Hindi ko maintindihan, puno ng pagtataka ang ekspresyon ko.
“Rich. Are getting richer. Poor. Are getting poorer.” Madiin n'yang sabi.
“And that's all because of unfair leadership.” Parang naiintindihan kona ang punto n'ya.
“They only prioritize the one's who can benefit them. Sabihin mo nga sakin, bakit ka nasa kalsada kanina?" tanong n'ya.
Hindi ko alam kung kailangan ko sabihin sakanya, pero wala ding masama kung sasabihin ko.
“Nasunog ang bahay namin–” pinutol n'ya ako.
“Nasunog? o Sinunog?” pagku-kumpirma nya. Nagtaka ako, hanggang sa may mapagtanto.
Bakit nga ba nasunog yung lugar namin? Lumaki ang mata ko at napatingin sakanya.
“Anong distrito kayo at saang kalye?” tanong nya.
Medyo natulala ako, parang ayoko paniwalaan.
“District 23, Street 0097.” bulong ko.
Tumayo s'ya agad at nagtipa sa keyboard kung saan pumwesto si Hacker kanina, hindi ko maintindihan kung ano ang ginagawa n'ya. Malalim ang naging pag-iisip ko.
“That land is being sold and has already been bought by someone,” sabi n'ya.
“Ayaw umalis nang iba, mukang yun ang dahilan kung bakit sinunog ang lugar n'yo,” malumanay n'yang sabi.
Napa tiim bagang ako, ramdam ko ang gigil sa buong sistema ko. Gusto kong sumabog, pero hindi na maibabalik nito ang pagkawala ng kapatid ko. Binenta nila ang lupa na kinatatayuan ng bahay nang maraming tao, ang masaklap nagawa pa nilang sunugin ito at marami ang naapektuhan.
“Jane,” muli kong sambit ng pangalan n'ya.
Iniwan na'ko ni Biker na mapag-isa dito sa sala nila. Nag-isip ako kung ano nang susunod kong gagawin, wala kasi akong matutuluyan, wala din akong pera pang hanap ng mauupahan, may malaki pa akong utang na tinakbuhan. Hay buhay.
Magu-umaga na at wala parin akong maayos na tulog, ramdam ko na ang mga talukip ng mata ko na gusto nang sumara, pero hindi ko magawang makatulog. Parang isang bangungot ang nangyare kahapon na paulit-ulit akong dinadalaw, napasandal ako sa kina uupuan ko at pumikit. Bumuntong hininga ako, ilang sandali akong ganon nang may marinig akong parang may inilapag sa lamesa. Pag-dilat ko ay nakita ko si Hacker na may hawak na baso na may lamang gatas, sakabilang kamay nya ay may hawak s'yang kape.
“Kanina ka pa dyan?” tanong nya. Ang tangi kong nagawa ay tumango.
“Inumin mo yan at matulog ka pagtapos.” Napatagilid ang ulo ko at tumitig sakanya.
Hindi ko talaga maisip na mga kriminal ang kasama ko, bakit naman kasi ganto sila kaalaga?
“Malapit kana umalis dito, pinainom kita kasi mukang mamatay kana dyan, baka mamatay ka pag kalabas palang dito sa hide out, kargo de konsensya pa namin,” sabi nya sabay upo sa swivel chair n'ya kaharap nang san-damakmak na monitor.
Napanganga ako sa sinabi n'ya, naghanap ako ng salamin at tinignan ang sarili ko, at tama nga sya. Pati ako naawa na itsura ko, hindi pako nag-aayos mula kanina, wala kasi akong gana.
“May awa pala ang mga katulad n'yo,” bigla kong sabi. Lumingon s'ya nang onti sa'kin, pero agad ding bumalik sa ginagawa.
“Alalahanin mong tumutulong kami sa mga taong walang kalaban-laban, may awa kami sakanila, pero sa mga hayop na walang awang nanakit ng kapwa, wala.” Napa tango ako.
Mali ang paraan nang pagbibigay nila nang hustisya, pero bakit pakiramdam ko gusto kong sumangayon sakanila? Napailing ako at bumalik na ulit sa pag kakaupo, kinuha ko ang baso, mainit-init pa ang gatas na binigay nya, halatang bagong timpla talaga.
“Salamat,” sabi ko at humigop, napapikit ako sa init na dumaloy sa lalamunan ko.
“No need to thank me,” sabi nya. Nagkibit-balikat nalang ako.
May mga nakikita akong nag po-pop out sa email sa screen ng monitor, mabilis n'ya pinag bubuksan yun. Sobrang bilis ng kamay nya sa pag ti-tipa na halos hindi ko na masundan. Nahilo ako kaya nag iwas ako ng tingin, sobra ding nagliliwanag ang screen kaya masakit sa mata.
Pano kaya sya nakakatagal d'yan?
Naubos ko ang gatas hanggang sa nakatulog nalang ako sa kinauupuan ko, nagising nalang ako na may kumot sa katawan ko at unan na nakapatong sa ulo ko. Hindi man lang inayos yung unan?
Nag inat-inat ako dahil sa ngalay na naramdaman, tumayo na'ko at nag-ayos ng sarili. Tanghali na ngayon, gising na si Biker, Bullet at si Swordsman. Bibili daw sila sa labas ng stock ng pagkain nila.
Ayoko na mag tagal pa dito kaya naisipan kong umalis nang hindi nag papaalam sakanila. Tahimik akong lumabas ng mga 7:00pm, sinigurado ko na may ginagawa sila bago umalis para di ako mapansin. Naka t-shirt, pants at jacket na may hood ako. Eto ang binigay nila sakin kanina, naamoy ko din na mabango itong suot ko. May H din na naka tatak sa hoodie, hula ko kay Hacker to, ganto din kasi ang design ng hoodie na suot nya.
Nang makalabas ay tahimik akong naglakad sa gubat, hindi ko alam kung saan na'ko papunta, bumabalot nadin ang kadiliman sa paligid. Bakit nga ba ako umalis nang mag gagabi na? Pero sabagay ganon din naman kahit maaga ako umalis, hindi ko din alam kung saan ako pupunta.
Baka labas na'ko ng gubat at nakakakita na ng kalsada. Gusto kong bumalik sa lugar ko, pero hindi na pwede. Napabuntong hininga ako, ngayon saan na'ko pupulutin nito?
Nakarating ako sa isang park, onti lang ang mga tao, naisipan kong umupo muna sa mga beach na nasa gilid gilid. Nag-isip ako kung ano na gagawin ko, walang kabuhay-buhay ang mga mata kong tumitig sa mga taong nadaan.
“Nabalitaan mo ba?”
Napalingon ako sa katabing bench nang may marinig na nagu-usap. Dalawang babae ang parehas na may hawak na phone at mukang may tinitignan.
“Oo girl, patay na s'ya.”
Tumingin ako sa ibang direksiyon pero ang mga tenga ko ay patuloy na nakikinig.
“Sikat na business women si Lovely Cruz, sayang naman ang kayamanan n'ya, wala nadin syang kasama sa buhay,”
“Well her husband left her, maybe she's not a good wife,”
“Oh look! nag-post pa s'ya kagabi nang bagong mamahaling dress na bili n'ya at ang dress na yan ay suot n'ya nang mamatay s'ya, napaka bad luck naman ng dress na yan,”
“O my! Yang dress galing pa yan pinaka sikat na designer sa NHC, ang tagal n'yang hinintay yan, who knew that's the last thing she'll wear.”
Pagtapos mag-usap ay tumayo na sila at umalis, napayuko ako. Nakita ko kung pano sya patayin, at wala akong nagawa don.
Tumayo na'ko at wala sa sariling naglakad, tuluyan na ulit gumabi. May mga ilaw sa poste sa dinadaan ko, pero nababalutan parin ako ng dilim.
May biglang tumigil na isang magarang sasakyan sa gilid ko, bumilis ang t***k ng puso ko, hindi ko alam kung bakit.
“Mag-isa kalang ata ineng?” tanong nang matanda sa loob. Nasa back seat s'ya at may nagmamaneho para sakanya.
Puno ng ginto ang katawan n'ya, may singsing, bracelet, necklace pati ngipin n'ya may ginto. Unang tingin masasabi mong mayaman ang matandang to, hindi ko lang gusto ang aura n'ya.
May kakaiba.
“Gusto mong sumakay, sabay kana, saan kaba papunta?” sabi n'ya na may ngiti sa labi.
“Wag na po,” sabi ko at naglakad na, tinawag nya pako pero hindi na'ko lumingon.
Narinig kong umandar ulit ang sasakyan, tumabi ulit sa gilid ko.
“Sabing wag na nga p—” hindi na'ko nakapag salita nang may magtakip sa bibig at ilong ko.
Lumaki ang mata ko, hindi ko narinig ang pag dating ng driver n'ya? Pano nang yare yun?
“Mukang wala kang matutuluyan, sakin kana sumama,” sabi ng matanda sa loob ng kotse.
Nanlabo na ang paningin ko, hanggang sa tuluyan na'kong nawalan ng malay.