Kabanata 28

1984 Words

"ALALANG-alala ako nang tawagan mo kagabi," wika ni Tita Josie. "Salamat na lang talaga at nakaisip agad ng paraan si Thelma kung paano mo matatakasan ang sumusunod sa'yo. Maaasahan ang kaibigan mong iyon." "Totoo po, 'yan, Tita. Nagpapasalamat din ako kay Thelma. Kung hindi niya ako pinasundo sa kaibigan niya, hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta kagabi. Kulang na lang ay h'wag na akong lumabas sa tindahan ng mga damit." "Hindi nga ako napakali sa paghihintay kung anong oras ka makakauwi rito. Akala ko'y aabutin ka na ng hatinggabi sa kalye." "Kaya nga po. Malaking bagay rin minsan ang traffic. Nailigaw namin 'yong kotse bago pa kami makarating sa mall." Pagdating ko nga roon ay nakaabang na si Thlema. Pinagpalit niya ako ng damit, sapatos at pati ang dala kong bag ay pinalitan n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD