"ANO pa bang dapat kong gawin, Carlito? Nag-sorry na'ko. Inamin ko na ang kasalanan ko. Ginagawa ko rin ang lahat ng alam ko para makabawi sa pagkukulang ko kay Migo. Sinusuyo ko siya, but obviously, she's still mad at me. Ako pa rin ang may mali." Hindi sumagot si Carlito. Nakatingin lang siya sa akin kanina pa at wala rin akong ideya kung anong tumatakbo sa isip niya. Maybe he's tired of listening to me. Maybe he's tired of giving me advices. Hindi ko alam, pero wala akong pakialam. Basta kailangan ko ng may makakarinig sa mga sinasabi ko. "Ang tigas-tigas niya. Parang wala na siyang pakiramdam. She doesn't care for me at all." Isang malalim na buntung-hininga ang narinig ko. "Ganiyan talaga ang tao kapag nasaktan nang sobra. Nagiging matigas dahil natatakot siyang maranasan ulit ang