Kabanata 49

2321 Words

"B-BAKIT ang aga mo? Hindi ba, mamayang makatanghalian pa tayo pupunta sa sinasabi mo?" "That's correct. Pero wala naman sigurong masama kung pumunta ako nang mas maaga para makasama si Migo. I want to spend the whole morning with my son." Natahimik ako. At base sa nakikita kong kislap sa mga mata ni Royce, gusto niya akong pagtawanan. "P-pupuntahan ko muna si Migo baka gising na." Dali-dali akong umalis sa harapan niya at lumabas ng kusina. Tila nawalan ng saysay ang mariing pagtutol ko na makilala ni Royce si Migo. Sa dami ng mga naganap kagabi na hindi ko talaga inasahan, nagisnan ko na lang na wala na akong kontrol sa susunod na mangyayari sa buhay namin ng anak ko. Sabay-sabay na ibinagsak sa harapan ko ang lahat at wala akong sapat na oras para damdamin ang isa dahil may kasuno

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD