"IBIG sabihin... ikaw ang tinutukoy ni Chay na lalakeng nag-abandona sa kanila ng anak niya?" Hindi ko sinagot ang tanong ni Mama. I don't think it's necessary dahil sa akin niya mismo narinig na ako ang ama ng anak ni Chay. Malinaw ang sinabi ko. "Wala kang karapatan sa bata, Royce," wika ni Ram. "Anak mo nga siya, pero si Chay lang ang pwedeng magdesisyon kung saan titira si Migo." "Really? Bakit? Saan ba dapat tumira si Migo? Sa staff house? Pamangkin mo siya, Ram, pero hinayaan mong naroon si Migo kasama ng mga tauhan n'yo. Kapatid mo si Chay, pero hinayaan mong patuloy siyang manilbihan dito bilang tagapag-alaga mo. You know what? Wala kang pagkakaiba sa mga pinsan n'yo na nakilala ko no'n. Alipin ang tingin n'yo kay Chay." "Oh, Royce, h'wag ka ngang magmalinis. Kumpara sa nagawa