Kabanata 30

1963 Words

“MALABO ang inaalok ni Kuya Ram," wika ko at nilingon si Thelma. "Gustuhin ko mang tumira malapit sa kaniya para mas mabantayan at maalagaan ko siya, nangako ako sa sarili kong hindi ko ilalapit si Migo sa pamilya ng ama nito. Hindi lang 'yon. Kapag nalaman pa ni Royce na doon ako nakatira sa staff house kasama ang stepmother at dalawang kapatid ko, lalo niya akong pag-iinitan. Iisipin niyang sinamantala ko ang kabaitan ni Kuya Ram. O ang mas matindi, aakusahan na naman niya ako na inaakit ang sarili kong kapatid. Baliw siya.” “Ganiyan din ang opinyon ko, Chay," sang-ayon ni Thelma. "Sa dami ng hindi magagandang sinabi sa'yo ng Royce na 'yon, iisipin talaga niyang ginamit mo ang kapatid niya para sa pansarili mong interes." Isang buntung-hininga ang pinakawalan ko. Wala pang alas siete n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD