5- "Betrayal."

2694 Words
(Haylee) PAPALABAS na ako ng Montessori School kung saan nagtuturo ako bilang Preschool Instructress sa mga bata nang hindi ko inaasahan kung sinong naghihintay sa akin sa labas. Ang sabi lamang sa akin ng dumaang mga Grade 6 pupils ay may naghahanap daw sa akin. Ang sabi sa kanila’y hinahanap at hinihintay nito si Miss Haylee, and it’s obviously me. Wala namang ibang Miss Haylee sa school na ito kundi ako lang. Nagulat ako nang makita ang sosyal na sosyal na babae. She looks very expensive, sa pananamit pa lang na animo’y madam na madam, idagdag pa ang mataas at kumikintab niyang stilletos saka yung branded niyang sunglasses. Napaka-natural ng kanyang mala-malditang aura, tindig at nagsusumigaw na self-confidence. She’s somehow familiar, hindi ko nga lang matandaan kung saan ko nakita ang babaeng ito noon. “Hi, Haylee!” she greeted me as she removed the sunglasses in her eyes. I can fully remember her now! She’s Leonor Sanchez. Isang medic student dati sa paaralang pinapasukan namin sa kolehiyo at hindi miminsang sinusugod noon si Jiselle dahil inagawan umano ito ng huli ng nobyo nito noon. I could even remember na doon pa nga nagsimula ang friendship namin ni Yvonne kay Jiselle. Nagsasampalan at nagsasabunutan ang dalawa noon sa CR nang nagkataong naroon din kami ni Yvonne. We witnessed how Leonor almost killed Jiselle sa mga sabunot at sampal nito, bagama’y matapang din si Jiselle pero dahil galit na galit si Leonor noon ay walang silbi ang pagtatanggol ng nauna sa sarili. I and Yvonne came in between. Pumagitna kami at inawat namin sila. Hindi namin kilala si Leonor dahil hindi naman namin naging kaklase pero si Jiselle, ilang beses na naming naging kaklase sa ilang subjects at naging kagrupo pa nga sa ilang activities and projects. “Tama na, tumigil na kayong dalawa. Nasa CR kayo, utang na loob!” saway ni Yvonne sa dalawa. Tumigil nga ang mga ito at si Leonor ay agarang inayos ang sarili at matapang na nakataas noo pa rin. “Kinakampihan niyo siya, bakit? Kaibigan niyo ba siya? Alam ba ninyo na ‘yang babaeng ‘yan, marami siyang kontra dito sa school at maraming may ayaw at nagagalit sa kanya dahil masyado siyang makati! Kung kani-kaninong boyfriend ang kinakalantari at inaagaw niya!” “Wala kaming kinakampihan sa inyo, at wala rin kaming pakiaalam sa issue ninyong dalawa! Ang sa amin lang ay maghunusdili naman kayo sa pagiging mga eskandalosa ninyo. Nasa public CR pa naman kayong dalawa!” patuloy ni Yvonne. Hindi ‘yon pinansin ni Leonor basta sinabi pa rin nito ang nais na sabihin. “Kung balak ninyong makipagkaibigan sa kanya, aba’y mag-isip-isip na kayo ngayon palang! Para ‘yang linta na sisipsip ng lamang hindi naman kanya! Mamaya pa’y baka kayo na ang next na agawan niya ng mga nobyo kaya bantayan ninyong maigi mga boyfriend niyo bago niya makalantari!” “Ikaw babaeng desperada, tingnan mo nga ‘yang sarili mo! Hindi ka nagtataka kung ba’t ka iniwan ng nobyo mo? Dahil masyado kang praning! Ang nobyo mo ang text nang text at panay pagpapakita ng motibo sa akin, saka isa pa’y kasalanan ko ba kung pinanganak akong mas maganda ako sayo, ha?!” defense mechanism ni Jiselle sa kaaway. “Ah, gano’n?! Napakawalang hiya mo talagang babae ka!” akmang susugod ulit ang nag-aapoy na si Leonor ngunit sa muli ay pumagitna kami ni Yvonne para pigilan na sila sa muling pagkakasakitan. “Masakit ang katotohanan? Tanggap-tanggap din minsan!” patuloy pa ring pang-aasar ni Jiselle. “Tama na! Tumigil na nga kasi kayong dalawa! Alam ninyo, kung mag-aaway kayo, you can find a place for you both, hindi yung dito kayo sa public CR! Nakakarindi kayong pareho pakinggan!” ani Yvonne na naman na napupuno na sa bangayan ng dalawa. “Ikaw babae ka, pasalamat ka’t nandiyan ang mga kaklase mong mukhang hindi yata alam ang tungkol sa history mo ng paglalandi dahil kung nagkataong walang dumating para umawat sa akin, ewan ko na lang kung saan kang kangkungan pupulutin ngayon!” huling litanya ni Leonor bago nagmartsa na palabas ng CR. Bago pa man makalayo ay muli niya kaming nilingon ni Yvonne. “Just a piece of advice; be careful who you be friends with.” ‘Yon lang at nagtuloy-tuloy na ito. Pagkaalis ni Leonor ay saka naman nagbuhos ng luha at nag-iiyak si Jiselle na tila na-trauma sa inabot sa kamay ng kaaway. She explained herself and her side to us. Na hindi naman umano niya intensyong agawan ng nobyo si Leonor dahil ang nobyo lamang talaga raw ng huli ang nagpipilit ng sarili nito sa kanya at dahil sa mga chismis patungkol sa paninira ng iba sa pangalan niya’y madaling napapaniwala ng iba si Leonor na inagaw nga ni Jiselle ang nobyo nito, what was even worse was when Jiselle shood Leonor’s boyfriend away, the man still remained determined to force himself to Jiselle kaya naabutan ni Leonor ito kasama ng boyfriend nito sa tagpong akala umano ni Leonor ay iniiputan ito sa ulo. Simula nga no’n mas naintindihan namin si Jiselle, she was often judged and mistaken by almost everybody dahil maraming mga natural na nagkakagusto sa kanya kahit pa sabihing taken na ng ibang girls ang mga lalaking ‘yon. Well, hindi nga naman kasalanan ni Jiselle na unintentionally ay may mga titingin at lilingon talaga sa kanya kasi maganda naman talaga siya. Ang importante nama’y hindi niya pinapatulan o pinakikitaan ng motibo pabalik. Doon nagsimula ang friendship namin ni Yvonne kay Jiselle, palagi na siyang sumasama-sama at nakikisabay sa amin. She had no other friends kundi kami lang ni Yvonne, and thankfully, magmula nang maging kaibigan niya kaming dalawa, unti-unting nabawasan yung mga issue sa school patungkol sa kanya… “Leonor, anong ginagawa mo rito?” I asked the woman who seemed to have waited for me. “Long time no see, Haylee…” she said instead of answering my question. “I still have my tutorial sessions, Leonor. Now, if you may excuse me,” sabi ko na lamang saka tinalikuran na siya. Hindi ko alam kung ba’t niya ako pinuntahan dito at kung anong sadya niya. “Still friends with Jiselle?” she spoke at my back, and that made me stop. Hinarap ko nga. “Whatever your issue with Jiselle from the past, can’t you just move on, Leonor? Matagal na panahon naman na ‘yon, college pa tayo noon. You deserve to be healed and you deserve to have your peace of mind. Huwag mong hayaang habang buhay kang kainin ng galit diyan sa puso mo dahil sa nangyari sa nakaraan mo.” “Well, dear…” She stepped nearer to me. “This isn’t about me. This is about you.” Nagagalit na ako pero ayoko ng eskandalo lalo pa’t nasa eskwelahan pa rin kami. “Remember the moment I once warned you to be careful who you should be friends with?” she continued. I stayed calm. Ayoko talaga ng gulo. “Leonor, kung nandito ka para lang siraan si Jiselle sa akin at ang pagkakaibigan namin, let me tell you; you wouldn’t succeed dahil malaki ang tiwala ko sa kaibigan ko kahit gaano man kalaki yung mga pinaparatang ng ibang tao sa kanya, kahit gaano man siyang husgahan ng iba. Hindi mo kayang siraan ang tiwalang mayroon ako sa kaibigan ko ng ilang taon.” Kalmado pa rin ito at nakangiti lang. “Tingnan na lang natin kung masabi mo pa ‘yan pagkatapos mong makita ang mga ‘to.” May inabot siyang sobre sa akin. Nagdadalawang isip ma’y tinanggap ko pa rin ang sobre at binuksan iyon. Nanlalaki ang aking mga mata sa nakikitang mga litrato. Mga litrato nina Ian at Jiselle kasama at kapiling ng isa’t-isa! They were intimate in every picture taken. Yung iba pa’y pamilyar dahil ito yung mga litrato ring pinakita ni Jiselle sa akin noon na may kasa-kasamang ibang babae si Ian, though sa mga kuhang iyon ay malayo at nakatalikod. Dito naman sa mga pinakita ni Leonor ngayon ay nakaharap, malapit, klarong-klaro at kitang-kita! Walang duda, si Jiselle nga talaga ang babaeng nasa mga litrato. What was even worse were there were pictures of them together kissing each other and sharing the same bed while hugging. I was starting to feel bad, at nangingilid na rin ang mga luha ko pero hangga’t maaari ay ayokong umiyak. Ayokong umiyak habang hindi pa naman nakukumpirma ang lahat at ayokong umiyak na ang pagbabasehan ay ang mga litratong ito lamang galling kay Leonor. “Ngayon kung hindi ka pa rin naniniwala sa mga ebidensyang ‘yan. You can see it for yourself sa condo ni Ian, at nang makita mo mismo ang pang-aahas na ginagawa ng babaeng itinuturing mong kaibigan sa lalaking sana ay pakakasalan mo. Go ahead, little Haylee.” I am shaking as I dialed Jiselle’s phone number. “Hello, Hale? Napatawag ka?” “Jiselle, nasaan ka ngayon?” mariin kong tanong. “Nasaan pa ba? Siyempre nandito sa trabaho sa kompanya!” “Sigurado ka?” “Oo naman! Bakit? Nasaan ba dapat ako ngayon?” balik-tanong ng nasa kabilang linya. “Uhm, wala.” I cooled down. Ayokong makatunog siyang naghihinala na ako. “Ikaw talaga!” bigla ay lambing nito. “Sabihin mo nga sa akin, nagkatampuhan ba kayo ng babe Ian mo? Ano, LQ? Kilala kita. Kapag ganitong bigla-bigla kang tumatawag ay nagkakaproblema kayo. Gusto mo kita tayo at kuwentuhan? Makikinig ako sayo.” “Ah, hindi. Wala naman, Sel. Ayos lang talaga ako, I assure you that.” “Sigurado ka ha?” “Oo.” “Sige, balik na muna ako sa trabaho. Bye, Hale. Love you.” “Love you,” wala sa loob na sagot ko. “Oh, ‘diba? How plastik! Ang kapal! Nang-aahas na’y nagagawa ka pang lokohin. Love you my ass!” Leonor mocked. Ang sunod kong tinawagan ay si Ian. “Babe?” “Uhm, babe, where are you right now? Puwede ba akong magpasundo sayo dito sa school? ‘Di ko kasi nadala kotse ko ngayon, eh.” “Babe, I really want to, but I have an important client right now whom I really can’t turn down. I’m really sorry. Promise, promise babawi ako sayo some other time, babe.” “Ah, gano’n ba? Sige, babe, ayos lang.” “Thank you for understanding, my baby Haylee. I love you always.” “And I love you too always…” I responded na lutang ako, I don’t even know if I meant those three words or I did not sa bigat at sa kabang nararamdaman ko ngayon. Leonor offered me a ride to her car para ihatid ako sa condo ng nobyo ko. Nang bumaba ako at umakyat sa elevator ay nanginginig ako sa takot at kaba sa maaaring makita, maabutan o masaksihan ko. Paano kung tama nga si Leonor, paano kung all this time ay niloloko pala ako ng sarili kong kaibigan at ng mapapangasawa ko? Paano kung tama siyang inaahas nga ng kaibigan kong itinuturing ang nobyo ko? Kakayanin ko kaya ang sakit? I know Ian’s passcode. It’s our anniversary date. I entered it, pumasok ako sa loob at dumiretso ako sa kuwarto ng boyfriend ko. Nagimbal ako sa nakita at naabutan kong eksena. Si Ian na walang anumang saplot habang nasa itaas ni Jiselle na wala ring anumang saplot sa katawan. I closed my eyes as I felt my heart pained great kaya naikuyom ko na lang ang mga kamao ko at napasigaw ako sa sakit, sa galit, sa pagkagimbal, sa pagkamuhi! “Ahhhhhhhhh!!! Mga manloloko kayo!” “Haylee?!” gulantang na ani Ian saka madaling umalis sa itaas ni Jiselle at tinakpan ang katawan ng puting kumot. Si Jiselle din ay tinakpan ng kumot ang hubad-hubad na katawan. Nandidilim ang paningin ko, sobrang sakit! Parang sasabog ang puso ko sa sakit! Sarili kong kaibigan at ang nobyo ko’y tinatraydor ako at kung anu-ano palang ginagawa nilang dalawa behind my back! “Mga walang puso! Mga manloloko kayo!!!” I screamed again as I tried to beat them. Hinarang ako ni Ian kaya siya ang nauna kong nasampal tapos ay sinampal ko rin si Jiselle. Nag-aapoy ako sa galit! Gusto kong sumabog at magwala! Kaibigan at fiancé ko pa talaga! Pinigil na ako ni Ian para sabunutan si Jiselle kaya sa kanya ko binuhos lahat ng sama ng loob ko. Paulit-ulit ko siyang pinagsasampal at pinaghahampas ang dibdib niya. What did I ever do to them para ganituhin ako, para gaguhin ako ng ganito?! When did I even do badly to them to deserve this kind of pain from their betrayal! “Mga manloloko!” “I called to ask you kung nasaan ka, Jiselle! And you said nasa trabaho ka! Ano palang trabaho ang tinutukoy mo, ha?! Ang kalantarinin ang fiancé ko?!” “Hale, let me explain…” She tried to reach for my hand but I avoided her touch. “No! Kahit anong sabihin o gawin mo, you cannot justify the betrayal that you and my fiancé were doing!” “Babe-“ I slapped Ian for one big time again. “You don’t have the right to call me that way ever again, Ian! I have also asked you if you could fetch me from school but you said you needed to attend to an important client, ‘yon pala ang kliyente mong ‘yon ay ang sarili ko pang best friend! And what business do you have with each other, huh?! s*x?!” Ian’s tears fell. “Haylee—“ “Don’t touch me!” Winakli ko ang pagtangka niyang paghawak sa akin. “S*x? Yes, Haylee,” The helpless Jiselle suddenly turned into a monster-like lady. Tinaas niya ang kanyang noo at handang makipaglaban sa akin. “S*x connection between me and your fiancé, bagay na hindi mo maibigay sa boyfriend mo for the five years of being together, right?” “Jiselle, shut up!” Ian hissed to his mistress. “What? Tinatanong niya, Ian, eh, kaya sagutin na natin nang magkaalaman na!” patuloy ni Jiselle na hindi na papipigil. “You wanna know how long we’ve been betraying you? Well, since four years ago, Haylee! Yes, ganoon na katagal-“ “I said shut up, Jiselle!” Hindi pinakinggan ng babae si Ian bagkus ay nagpatuloy ito sa pagpapasakit sa akin sa mga rebelasyon niya. “You really thought I would love to be friends with you kung wala akong anumang pakay mula sayo? Of course, I pursued to being closed to you dahil unang kita ko palang sa nobyo mo’y alam ko sa puso kong wala na akong iba pang lalaking gugustuhin kundi siya lang! Yes, we’ve been betraying and deceiving you for four years. Ngayon mo lang talaga nalaman, Haylee?” Nilulukumos ang puso ko, pakiramdam ko pinong-pino. Ganoon na katagal! Ganoon na katagal tapos wala man lang akong kaalam-alam o kaide-ideya! I stayed calm kahit gusto ko na lang maglaho sa sobrang sakit. Tinanggal ko sa daliri ko ang engagement ring na bigay ni Ian saka nilapag ito sa kanyang table. “Don’t do this, Haylee please.” “Wala nang kasalang magaganap. Sa mga nakita at nadiskubre ko ngayon, I realized I couldn’t entrust my love and lifetime to someone na lolokohin lang pala ako at sa best friend ko pa talaga! Magsama kayong dalawa!” ‘Yon lang at walang pakialam kahit luhaan akong lumabas ng condo ni Ian. “Haylee, sandali-“ Susundan at pipigilan pa sana ako ng lalaki sa pag-alis ko ngunit hinawakan na rin siya ni Jiselle sa kanyang braso para pigilan siya sa pagsunod sa akin. “Ian, hayaan mo na siya.” Pagkababa ko ng building ay hinarang kaagad ako ng sasakyan ni Leonor. “Haylee, over here!” She was even waving at me. Hindi na ako nagdalawang isip at sumakay na ako sa kotse niya. Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak nang umiyak, hinayaan naman niya ako. ‘Ni hindi ko na nga namalayan kung saan na niya ako dinala, but to heck I care! Bahala na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD