4- "Spoiled."

2226 Words
(Haylee) NAGLALAKAD na ako sa pasilyo pagkalabas ko ng kuwarto kung saan naka-admit yung lalaking naaksidente nang hindi ko inaasahang makakasalubong ko ang boyfriend kong si Ian. “Haylee! My goodness, Haylee ko! Alalang-alala ako sayo!” aniya saka sinalubong ako ng napakahigpit na yakap. “Ian, anong ginagawa mo rito? Nagpunta ka pala rito saka paano mong nalamang nandito ako?” I asked him softly when I reciprocated his embrace. “I heard over the phone when you met an accident and you were heading into this clinic. Hindi ako mapakali at hindi ako magkamayaw sa pag-aalala kung ano nang nangyari sayo kaya pinuntahan na talaga kita rito to make sure na maayos ka lang. Maayos ka lang ba talaga?” Naghiwalay kami sa yakap at nakita ko ang labis na pag-aalala sa kanyang mukha. I smiled, reassuring him that I’m all fine and there’s nothing to worry about. “Oo, ayos lang ako. Nakaiwas ako sa aksidente at yung sinugod dito ay yung taong napuruhan talaga sa pagkakabangga ng sasakyan niya sa malaking punong mangga. Thankfully, maayos naman na siya ngayon, and the doctor assured that there was no major damage inflicted.” Ian nodded in relief. “Great then.” “Syea. Halika na. Uuwi pa ako sa amin saka mag-aayos pa para sa dinner date natin tonight. Alam mo namang ayokong sumipot na pangit ako especially that it’s our fifth anniversary,” I humored around, pero siyempre, may kasamang paglalambing. “Kailan ba naging pangit ang isang Haylee Quintanilla?” pagsakay din niya sa biro at lambing ko. “Sus, bola!” Kinurot ko nga sa kanyang tagiliran. Humalakhak naman siya. “Hahahahahaha!” Marahang natatawa na rin ako. Sa muli ay marahan niya akong niyakap. “But again, I’m thankful na walang anumang nangyaring masama sayo. I’m thankful to you too for taking good care of yourself for me.” “Siyempre naman,” malambing kong tugon. Nang maghiwalay kami sa yakap ay inakay na niya ako papuntang elevator habang hinahaplos ang aking buhok. Pagkasakay namin ng elevator at nang papasara na ito ay napakunot bigla ang noo ko nang hindi ako sure kung nakita ko ba talagang parang sumunod yung lalaki at pinanuod ako hanggang dito at makasakay ako ng elevator o parang namalikmata lang ako kasi pagtingin ko ulit ay wala naman na. “Babe, ayos ka lang? Tulala ka diyan?” Hindi ko namalayang nagsarado na pala kaya naiwan akong tulala. “Ha? Ah, oo ayos lang ako.” Napailing na lang ako sa naging palaisipan. Paanong susunod yung lalaki gayong ‘ni hindi pa nga niya maigalaw ng maayos ang nananakit niyang katawan, ‘diba? Kaya malamang ay namamalikmata lang o hindi naman talaga siya yung nakita ko… Speaking of that stranger… naalala kong bigla kung paano niya akong titigan kanina habang magkalapit ang mga mukha naming dalawa dahil inaayos ko ang unan niya sa kanyang likuran. Bakit kaya gano’n? Bakit pakiramdam ko’y hinihimaymay niya ang buong pagkatao ko pati kaluluwa ko sa paraan ng malalim niyang pagkakatitig sa akin tapos parang kinakabisa niya ang buong mukha ko? O baka naman ako lamang ang nag-iisip ng ganito at ganoon lamang talaga ang mga mata niya; naturally deep-seated? Hays. Siguro. Ako lang talaga siguro ang nag-iisip ng ganoon kahit na hindi naman talaga… Nang mapatingin ako sa katabi ko ay nakita kong nakatingin siya sa akin at nginitian niya ako. I smiled back at him, at nilagay ko ang isang kamay ko sa braso niya nang bumukas ang elevator at naglakad na kami palabas ng hospital… Dinner date happened and I never expected the very huge surprise he prepared for me that night. “Haylee babe, will you marry me?” My boyfriend in his bended knees asked me in the middle of our dinner at a fancy resto where we celebrated our 5th anniversary. Hindi ako makapaniwala. Akala ko nga kanina ay malulungkot o madi-disappoint siya sa akin kasi nakalimutan ko pa talagang bilhan siya ng regalo dahil nawala na talaga sa isip ko kanina no’ng mangyari yung aksidente sa daan. Hindi ako makapaniwalang kahit nakaligtaan kong regaluhan siya sa limang taon naming pagiging magnobyo ay sobra-sobra pa rin itong inireregalo niya sa akin ngayon. Napapangiti ako sa saya. “Yieeeee! Say ‘yes,’ say ‘yes’!” Kinikilig naman ang mga taong nakasaksi ng pagpo-propose niya sa akin ngayong gabi. Nagpapalakpakan ang lahat, and Ian was so hopeful and confident to hear what he wants to hear from me tonight, and so I gave it to him. “Yes, babe. Yes, I’ll marry you.” He inserted the engagement ring on my ring finger. “Yowwwwwnnnnn!” Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga tao sa tuwa para sa aming dalawa. Nang matapos kaming mag-dinner at papalabas na kami ng resto ay niyakap ako ni Ian. Ramdam ko ang tuwa at galak niya. “You never know how much you made me happy when you accepted my proposal. It has always been my dream of making you my wife, Haylee. Unti-unti ko nang nakikita ang katuparan sa matagal ko nang pangarap, ngayong sa wakas engaged ka na sa akin at fiancée na kita.” “You made me happy too, Ian. I see my future with you…” He kissed my hand where my ring is, and then tumuloy na kami. Inihatid niya ako pauwi sa bahay saka umuwi na rin siya sa kanyang condo. Masaya kong ibinalita sa tanging kasama ko sa buhay ang napakamala-magical na pagbukas ng bagong yugto ng aking buhay. Sa aking ina. Oo, siya na lamang ang kasama ko ngayon sa buhay dahil nag-iisa lamang akong anak at ang daddy nama’y matagal nang pumanaw dahil sa sakit sa puso. Ang mama na lamang ang kasama at katuwang ko sa buhay na ito, and as expected she was also very happy for me lalo pa’t matagal na rin niyang kilala si Ian bilang tangi at nag-iisang naging boyfriend ko kaya malaking-malaki na ang tiwala niya roon. Kinabukasan nama’y ikinuwento ko sa aking mga kaibigan ang nangyari. “I am finally and officially engaged!” I happily announced to my two best friends. Si Jiselle at si Yvonne. Ang huli ay siyang may ari nitong mini shop/boutique for both men and women’s apparel na sana ay pupuntahan ko kahapon at pagbibilhan ko ng ireregalo ko sana kay Ian kaya nga lang hindi ako nakatuloy dahil doon sa aksidente. “Wow naman, congrats! I’m so happy for you, Hale!” ani Yvonne na masayang-masaya din akong niyakap. “Thank you, Yvonne! I’m so happy too!” sabi ko. Nang matapos kaming magyakap ay si Jiselle naman ang nakangising binati ako. “What more could I say? Congratulations, Haylee!” “Maraming salamat, Jiselle!” Truth was, mas matagal na kaming magkaibigan ni Yvonne. Since High School pa, magka-batch and magkaklase kasi kami ever since. Pareho din kaming nasa 23 ang edad ngayon, whereas Jiselle is 5 years older than the two of us. Naging classmate namin siya sa iilang subjects namin noon kasi irregular siya no’n, eh, tapos ilang taon din siyang nagpapabalik-balik sa kolehiyo kasi may pagkapabaya talaga siya. Mukhang may problema siya back then, hindi lang financially kundi pati yata sa family at love life niya. Hindi namin masyadong alam kasi hindi naman siya gaanong nag-o-open up sa amin, hindi rin naman kami nagtatanong dahil ayaw naman naming isipin niyang nakikiusisa kami. We just accepted her for who she is and we didn’t judge nor question her eventhough we knew for a certain fact that she was often misunderstood and hated by many kaya wala siyang mga kaibigan talaga. Kami lang ni Yvonne. Maayos at mabait naman si Jiselle, eh. I and Yvonne can guarantee that. “Sasabay na ako sayo, Hale. Ayos lang ba? Iniwan ko kasi yung kotse ko sa repair shop kasi nagbisyo na naman no’ng isang araw. If you don’t mind?” aniya nang papalabas na kami ng boutique ni Yvonne at nagpaalam na rin kami sa huli. Medyo busy and hectic din kasi dito sa shop ni Yvonne ngayon kasi peak season for shoppers kaya mataas yung demand sa kanya ng mga trabaho bilang boss at manager nito. Agaran akong umiling kay Jiselle, assuring her that I don’t mind and it’s all okay. “Ano ka ba? Ayos lang, Jiselle! Go lang. Besides, what are friends are for, ‘diba?” I even winked at her. She laughed a little. “I know, pero ang pinag-aalala ko lang naman ay baka may lakad kayo ni Ian. Alam mo na, you’re finally engaged so, baka may date kayo at makaistorbo pa ako, ‘diba? Nakakahiya naman sa inyo lalo na sa fiancé mo.” Medyo malaman ang kanyang sinabi pero hindi ko na lamang binigyan ng masyadong pansin, bagkus ay ngumiti akong lalo. “Ayos lang! Alam mo namang if I were to choose between friends or love life, mas pipiliin ko pa rin ang mga kaibigan, ‘diba? Kayo ni Yvonne!” “Talaga? You’re going to choose Yvonne and I over Ian?” “Oo, pero mukhang hindi ko naman na kailangang mamili, eh. Kilala ninyo na siya at kilala niya na rin naman kayo saka approved naman na kayo sa kanya, ‘diba? So, I know wala nang magiging conflict between friends and love life, and I don’t have to choose from the two.” “Sabagay…” She shrugged at nauna nang maglakad. Sumunod na rin ako sa kanya. We were in the middle of the drive on our ways home, at pareho kaming tahimik ni Jiselle until such time she opened a topic about Ian again. “You sure you’re marrying him?” Saglit na nilingon ko nga si Jiselle, seryoso ang kanyang mukha habang nakatingin sa daan. “Oo naman, Jiselle. Bakit mo ba natanong?” light na balik kong tanong sa kanya. “Well, I’m just asking if you’re so sure settling down with him.” “Oo, Jiselle. Five years na kaming magkasintahan. Walang rason para humindi ako kay Ian.” “You really think name-measure ang faithfulness sayo ng isang tao sa tagal ng relasyon ninyo?” Nilingon ko ulit siya sa malaman niyang tanong. Nakita kong bahagyang nakataas ang isa niyang kilay. Nang lingunin din niya ako’y nginitian niya ako. “I’m just concerned about you, Hale. Alam mo namang pinoprotektahan ko lang ang puso mo from possible heartbreaks, ‘diba? Remember those few times na nahuhuli ko siyang nagba-bar sa gabi and he was lying to you to say na nasa condo lang siya at natutulog? Remember those pictures I sent you na may kasa-kasama siyang babae?” Tumango ako. Naaalala ko nga ‘yon. Hindi iilang beses na tila detective itong si Jiselle sa pagre-report sa akin tungkol sa mga paglabas-labas ni Ian na walang paalam sa akin. Don’t get me wrong, hindi naman ako yung tipo ng girlfriend na gustong oras-oras ay updated sa lakad ng boyfriend ko. I trust him, I always trust him. Talagang itong si Jiselle lamang ang nagmamalasakit na mag-update sa akin. Yung sa mga pictures naman na may kasamang babae at kaakbayan si Ian, I didn’t wanna conclude anything against him immediately lalo pa’t nakatalikod naman yung mga tao sa picture. Hindi ko nakikita ang mukha ng babae at lalaki at hindi nga ako sigurado kung si Ian ba talaga ang nasa mga litrato. I don’t question Jiselle for doing so, for keeping an eye on my boyfriend for me. Alam ko namang pinoprotektahan lamang talaga niya ako dahil magkaibigan kami. I didn’t wanna conclude kasi baka naman nagkamali lang siya ng nakuhanan ng litrato, at paano kung hindi talaga ‘yon si Ian? Unless na lang kung nakaharap at klarong-klaro talaga yung mga mukha. Sa mga paglabas-labas naman ni Ian, kinompronta ko siya tungkol sa mga ‘yon, and he was sorry he lied, talaga lang minsan ay hindi siya makatanggi sa kaibigan niyang may ari ng bar kapag all of a sudden ay tinatawagan siya para makipag-inuman, mapagkakakuwentuhan ng mga drama umano sa buhay. Kilala ko yung kaibigan niya kaya naiintindihan ko. Pinagsabihan ko na lamang si Ian na huwag na lang magsisinungaling ulit sa akin, and he promised he wouldn’t lie again. Kilala ko yung fiancé ko, hindi ‘yon gagawa ng anumang hakbang para masira ang relasyon naming dalawa at lalong hindi ako kayang lokohin o ipagpalit no’n. He always tells and shows me how he loves me and that he can never afford to lose me. “Jiselle, I trust Ian enough para pagdudahan siya ng kung anu-ano. I have decided. I am gonna marry him and spend the rest of my life with him.” “Sige. Ikaw rin. Basta ako, never ako nagkulang ng warnings at pagpapayo sayo ha,” patuloy ng kaibagan ko at parang ang taba at ang lalim talaga ng mga ibig niyang sabihin. Nginitian ko na nga lang. Masyado talagang concerned sa akin! “Sel, trust me. Okay lang ako. I know what I am doing and I am certain with what I want with my life.” She just smiled too and nodded. Salamat namang naging magaan ulit ang atmospera sa pagitan naming dalawa. Kaya love na love ko siya, eh, kasi very protective siya sa aming mga kaibigan niya lalong-lalo na sa akin! I feel so spoiled and babysitted!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD