(Haylee)
“BABE, around six in the evening at Montecarlo Resto, okay?”
“Yes po. Noted,” malambing at magiliw na sagot ko sa boyfriend kong kasalukuyan kong katawagan.
The red light turned green on the traffic light kaya naman nang umusad na ang mga sasakyan ay iniusad ko na rin ang kotseng kasalukuyan kong dina-drive.
“Driving? Saan ka pupunta?” tanong ni Ian nang mapansin at marinig nito ang mga ugong ng mga sasakyan sa kahabaan ng road.
“Somewhere,” nangingiting sagot ko lamang saka iniliko ang kotse sa may kanan.
Wala na masyadong sasakyang dumaraan sa bahaging ito ng daan at hindi na rin ma-traffic, ‘di tulad ng sa main road kanina.
The truth is I’ll be heading to a mini shop owned by a friend para bumili ng regalo ko para sa kanya. Five-year anniversary na kasi namin ngayong araw as boyfriend-girlfriend.
“Ikaw. ‘Yang somewhere-somewhere mo na ‘yan! Mamaya kung saan at kung ano na naman ‘yan!” bahagyang natatawang anito.
Natawa na rin ako. “Babe, relax and just trust me. Okay?”
“Okay, Haylee Quintanilla basta ikaw! Alam mo namang malakas ka sa akin!” hirit nito.
Napangiti ako ng magiliw. “Yiee. Basta ako talaga!”
“Oo, basta ikaw!”
Natatanaw ko na ang mini shop kaya nagpaalam na muna ako sa katawagan ko. “Sige na. Sige na. I need to hang up now. See you later, babe.”
“Sige. Sige. See you.”
I was about to end the call ngunit hindi ko pa napipindot ang end button ay hindi ko na halos namalayan ang sarili kong napasigaw ako ng malakas dahil may humaharurot na kotse na papasalubong exactly sa harapan nitong sasakyan ko kaya kung hindi ko kaagad naiiwas at naiibang landas ito ay talagang salpok ito. Ang resulta nama’y nakaiwas nga ako pero yung humaharurot na kotse naman ang dumiretso at sumalpok sa gilid sa may napakalaking puno ng manga.
“Babe? Babe, anong nangyayari diyan?!”
‘Ni hindi ko na rin napansin ang pagsasalita ng alalang-alalang si Ian mula sa kabilang linya dahil nabitawan ko ang cellphone ko sa muntik ko nang pagkabangga kanina.
“Babe, you’re not answering! Anong nangyayari?! Okay ka lang ba?!”
Agaran akong bumaba ng sasakyan ko at halos manlumo ako nang makitang yupi-yupi ang harapan ng sasakyan nu’ng muntik ko nang makabanggaan. Umaaso din sa part kung saan partikular na parte na tumama ang kotse, indikasyong malakas ang impact ng pagkakabangga ng sasakyan sa matigas na punong iyon.
The car’s head is an open area kaya nakatalikod man ay natanaw ko ang lalaking mukhang labis na napuruhan sa natamo. Hindi na ako nagdalawang isip pa’t tumakbo na ako para puntahan at saklolohan ang taong ‘yon.
“Kuya? Kuya, ayos ka lang ba?!” I asked him nang malapit na ako sa kanya.
He isn’t answering. Ang tanging maririnig ko lamang ay ang mga ungol niya sa sakit ng katawan na natamo dahil sa lakas talaga ng pagkakatama ng sasakyan niya sa punong mangga.
Nanaig sa akin ang pagkahabag nang makarating ako sa kanya at nakita kong may mga galos siya at sugat dala ng pagkakatama ng mga nabasag na salamin sa harapan ng kotse niya. Hindi na rin siya nagdidilat ng mga mata at naghihikahos na lamang sa sakit ng natamo.
Hindi ko tuloy alam kung saan ko ba siya hahawakan, kung sa balikat ba o sa mukha niyang puros galos dahil baka mas lalo lamang siyang masaktan.
“Tulong! Tulungan ninyo ako! Dalhin natin siya sa pinakamalapit na hospital!” sabi ko sa mga taong nagkukumpulan na sa paligid para makibalita sa nangyaring aksidente.
Kaagad namang kumilos ang ilang mga concerned citizens at tinulungan akong kuhanin namin ang lalaki palabas ng kotse nito.
“Sa may kotse ko. Isakay natin siya sa kotse ko nang madala ko sa pinakamalapit na pagamutan,” instruksiyon ko sa may magagandang loob na walang pagbabakasakaling tumulong sa amin.
I opened the passenger’s seat para doon siya mailagay.
“Agghhh!” daing pa din ng lalaki dahil sa mga sugat niya sa braso, sa leeg at sa mukha.
“Dahan-dahanin ninyo lang po yung paglapag sa kanya dahil hindi natin alam kung saan siya napuruhan talaga at kung saan-saan yung masakit sa kanya. Dito po.”
Inalalayan ko ang lalaki para mas maayos ang kanyang puwesto dito sa pinaglagyan sa kanya. Lukot na lukot pa rin ang kanyang mukha.
“Sa Ethans Clinic mo siya dalhin, Miss. ‘Yon ang pinakamalapit na bahay-pagamutan dito,” suhestiyon ng isa sa mga manong na tumulong nang bumalik na ako at pumuwesto sa driver’s seat.
Tumango ako at nagpasalamat sa kanilang lahat. “Maraming salamat. Ipagdasal natin na sana hindi ganoon kakomplikado ang mga natamo niya at na sana maging maayos kaagad siya.”
Tumango-tango din ang mga ito.
Nang maisaradong muli ang kotse ko, pinaandar ko na ulit ito para agarang maisugod na pinakamalapit na clinic itong lalaking nasa likod at tila napuruhang talaga sa natamo.
“Hello?! Hello, Haylee, for pete’s sake answer me now! Nandiyan ka na ba sa sasakyan mo?! Alalang-alala na ako dito!”
Doon ko lamang naalala si Ian nang magsalita siya sa cellphone. Hindi pa rin pala naibababa ang tawag! I immediately picked it up to talk to him.
“Hello? I’m sorry, babe may emergency lang na nangyari,” I explained.
“Anong nangyari? Ayos ka lang ba?”
“Oo, ayos lang ako, and it’s kind of a long story. Tawagan na lang ulit kita later saka kuwento ko na lang sayo pagnagkita na tayo, okay? Love you.”
“Sigurado kang ayos ka lang talaga? Hindi ka ba napa’no?”
“Hindi naman. Itong isa ang napuruhan at kailangang dalhin kaagad sa pinakamalapit na hospital.”
“O sige, sige. Basta balitaan mo kaagad ako kung maayos na ang lahat, okay? And make sure na ikaw maayos ka lang talaga, or else babaliwin mo ako sa pag-aalala sayo.”
I, somehow, smiled at what he lastly said. “No worries. Ayos lang talaga ako, babe.”
“Good. Love you.”
The call ended and I immediately looked at the wounded man behind me on the rearview mirror.
“Damn, my whole body hurts…” he was still groaning and complaining for his wounds.
“Malapit na lang tayo, magiging okay ka din. Kapit ka lang,” I cheered him up to motivate him to fight for his life. Mukhang magkaedad lang kami nito o tingin ko nga mukhang mas lamang lang siya ng mga dalawa o tatlong taon sa akin kaya dapat pa siyang mabuhay. I guess he hasn’t explored the world yet kaya hindi pa muna siya pupuwedeng magpaalam sa mundo. Besides, ano na lang ang mararamdaman ng pamilya niya kapag nawala kaagad siya, ‘diba? He’s just too young to die kaya dapat ay ipaglaban niya ang buhay niya. Mahaba pa ang buhay niya.