2- "Awake."

1078 Words
(Haylee) Nakarating kami sa hospital at kaagad na isinugod siya sa Emergency Room. Papasok pa sana ako at susunod doon sa loob kaya lamang ay hinarang ako ng isa sa mga nurses at sinabing bawal na ang hindi authorized persons na pumasok roon. So, I ended up waiting here sa waiting shed ng labas ng ER. Matapos ng halos magdadalawang oras kong paghihintay, sa wakas ay may lumabas na ring mga nurse at doctors mula roon. “Uhm, yung pasyente pong naka-white na polo at sugatan sa pagkakaaksidente ng kotse niya, kamusta na po siya? Ayos na po ba?” The doctor with eye glasses in his sixties was the one to accommodate me. “Ikaw ba ang girlfriend ng pasyente, hija?” I was about to answer ‘No,’ at ako lang ang nagdala sa kanya dito dahil hindi ko naman siya kilala at wala akong makokontak na isa sa mga kapamilya o kaibigan niya, but the doctor already spoke about his condition kaya hindi na ako nakapagsalita. “Right now, after thorough examination, let’s thank God na puros galos at sugat lamang mula sa mga nabasag na salamin ng sasakyan niya ang kanyang natamo. Bagama’y malakas ang naging impact ng pagkakabangga niya sa puno kaya nagkaroon ng impact din sa katawan niya at nananakit iyon ngayon pero rest assured, wala namang dapat na ikapag-aalala dahil maayos at walang na-damage sa mga buto niya. Hindi rin naman napuruhan ang internals niya especially his head because his seatbelt was tightly worn when the accident happened so it protected him and there was no sign of hemorrhage nor internal bleeding. You can now thank all the angels from the heaven for securing him and protecting him. Pupuwede na rin siyang mailipat anumang oras ngayon sa isang Patient Room para maipahinga na lamang talaga niya ang nagalusan niyang katawan at mabawi ang nawala niyang lakas.” I, personally, don’t know the person but the doctor’s right. I should be thanking God and all the angels for saving the man’s life! Nakahinga ako ng maluwag at tila nabunutan ako ng tinik sa lalamunan! I smiled in relief. “Maraming salamat po, doc.” “Let’s just check him from time to time and see his progress. Pasasaan ba’t makakalabas na rin siya. I suggest you continue praying for his total recovery, hija.” Tumango-tango ako. “I will, doc.” ‘Yon na nga, hindi nagtagal at nailipat din sa isang Patient Room ang lalaki. Mahimbing pa siya sa pagkakatulog nang pumasok ako para matingnan siya. I couldn’t help myself from watching him peacefully sleeping. Ngayon ko mas nakita ng maayos ang mukha niya. Napakagwapong nilalang pala niya, sa totoo lang. Maputi ang kanyang balat pero hindi naman mestizo, Asian na Asian nga ang dating. Matangos ang kanyang ilong at ang kanyang mga labi’y maganda sa pagkakahulma, ang kilay niya’y makakapal ngunit bumagay naman sa kanya. May single-piercing siya sa kaliwang tenga niya pero hindi nakakadumi tingnan ‘yon dahil bagay naman sa kanya. Yung tipo niya’y parang maangas, maangas pero maamo ngayong tulog na tulog siya. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang katamtamang pangangatawan niya at likas na katangkaran kahit nakahiga siya. In my opinion, he’s ruggedly handsome. ‘Yon bang tipong kahit ‘di masyadong mag-ayos o maglinis o magdamit ng magara ay likas na talagang madating sa porma at sa appeal pa lang. “I do not know you nor even your name but I wish and pray for your total recovery. Bukod sa mukhang marami ka pang kailangang pagdaanan dito sa mundo, yung mga magulang mo’y paniguradong masasaktan kung nagkataong itong aksidente mo ngayon ang bumawi kaagad sa buhay mo… Pagaling ka na’t nang magising ka na tapos makauwi ka na sa inyo, siguradong maraming naghihintay sayo sa pag-uwi mo sa inyo; your family, your parents, siblings, relatives, friends, mga taong malalapit sayo at sa puso mo, people around you who genuinely care for you and love you and worry about you, and your girlfriend… Kaya pagaling ka na,” I talked to him gently kahit hindi naman niya ako naririnig kasi nga tulog pa siya. Naupo ako sa sofa hindi kalayuan dito sa higaan niya at hindi ko namalayang nakatulugan ko na pala ang pagbabantay ko sa kanya… (Dominic) NAGISING ako na medyo masakit pa rin ang ulo ko at puro puti ang nakikita ko sa paligid ko. Napakunot noo ako, nasaan na ako? Nang tatangkain ko naman sanang bumangon, naramdaman ko ang bahagyang p*******t ng buong katawan ko. F*ck. What seriously happened to me? Nilibot ko ang paningin ko sa buong kuwarto at nuon ko lamang natantong nasa hospital pala ako. What am I doing here? Ba’t nasa ganitong lugar ako? What happened, really? Sa paggiya ko ng mga mata ko sa paligid, saka ko nakita ang babaeng mahimbing na natutulog sa sofa dito sa tabi ko at siyang mukhang nagbabantay sa akin the whole time na nandito ako. Sino kaya siya? I couldn’t help but stare at her pretty face. Tunay na kayganda. May natural na maputing balat, magandang ilong, kaysarap halikan na mga labi, magagandang hugis ng mala-brownish na shade ng eyebrows niya at mahahabang pilikmata. Napakaamo ng kanyang mukha. Ito yung tipong vulnerable at fragile ang ganda, tipong poprotektahan ng mga taong nagmamahal at nagpapahalaga rito… Naputol ako sa pag-iiisip ng mga bagay na nagpapa-curious sa akin sa kanya nang bigla kong maalala kung saan ko siya unang nasilayan. Siya yung babaeng sumaklolo at tumulong kaagad kanina nang mabangga ako sa napakalaking punong manga! Ibig sabihin, hindi imposibleng siya rin mismo yung muntik ko nang mabangga pero buti na lang at nakaiwas kaagad siya at ako rin ay naagapan ang pagkakasalpok sana ng sasakyan ko sa kanya kaya nga ako ang napuruhan at buti mukhang hindi naman siya napaano. Thank God. I’m a car race driver or car racer na tinatawag kaya sanay akong nakikipagkarera kaya minsan talaga hindi ko maiwasang mabantayan ang speed ko sa pagmamaneho kahit pa wala naman ako sa karera, tulad na lamang ng kanina. I was just heading my way somewhere pero mabilis pala ang pagpapatakbo ko kaya hindi ko tuloy namalayang halos makapamerwisyo na pala ako. I suddenly wanna curse myself for being reckless that I almost killed another person! Bahagyang gumalaw ang babae at mayamaya pa’y iminulat nito ang mga mata. Nabigla at gumuhit naman ang tuwa sa kanyang mukha nang makitang gising na rin ako. “You’re awake!” she exclaimed in joy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD