MACRESH “SIR, pwede po bang magrest room?” tanong ko kay Sir Miah matapos ng ilang minutong pananahimik namin. “You want me to accompany you?” tanong niya nang tumingin siya sa akn. Mabilis naman akong ngumiti at pinisil ang kamay niya nakahawak pa rin kamay ko. “Hindi na po, kaya ko naman,” usal ko. “Ung kamay ko po,” paalala ko para bitawan na niya ang kamay ko. Marahan naman niyang binitawan iyon. Ngumiti lang naman ako sa kan’ya bago marahang tumayo na ikinaalerto noong tatlo. “Restroom lang ako, kalma kayo,” saad ko sa kanila na walang boses. Tumango lang naman sila at hindi na ako kinulit pa. Marahan akong lumabas ng ballroom ng hotel para pumunta ng restroom. Hindi naman ako nahirapan na mahanap ang restroom dahil malapit lang ito sa ballroom. Mabilis akong pumasok sa isang