MACRESH AGAD akong hinila nito palabas nang makarating kami sa floor ng opisina. Agad bumungad sa amin ang tatlong lalaki na gulat na gulat ang itsura. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa akin at kay Sir Jem bago napunta sa kamay naming magkahawak. Doon ko lang din naalala na magkahawak nga pala ang kamay namin. Agad ko naman iyong binawi at tumayo ng maayos. Nagtinginan muna iyong tatlo bago ngumiti sa amin, ako din naman ay tipid na ngumiti sa kanila at kumaway. Tanging si Noah lang ang bumalik ng kaway sa akin na bigla ding natigil nang mapatingin siya kay Sir Jem, tumingin din naman ako dito at para mas makita ko ang mukha niya ay humakbang ako ng isa paharap at nilingon mismo ang mukha niya. Nakita ko na salubong ang kilay nito habang nakatingin ng masama diretso doon sa tatl