Chapter 28 - I'm here

1505 Words

MACRESH "INGAT kayo pauwi ha! Tumawag kayo kapag nakarating na kayo," paalam nila tita sa amin. Kumaway na lang kami sa kanila habang nakasakay sa van. Eto din iyong sinakyan namin noong nakaraan. Nagpasundo lang kami sa kan'ya. Habang nasa byahe at nakapikit na ang mata ko biglang marinig ko na nagsalita ang kaibigan ni Tatay na driver nitong van. "E, noong nakaraan pala ay may nagpunta sa bahay ninyo. Gwapong binata, nagpupunta na din sa inyo iyon e. Nakikita ko! Tinatanong nga itong anak mong dalaga," paumpisa niya. Hindi ko naman idinilat ang mata bagkus ay hinayaan ko lang na akalain nila na tulog ako. "Ganon ba? Sino kaya iyon? Ano bang sinabi?" rinig kong tanong ni Tatay. "Ay wala naman! Hinahanap lang iyong dalaga mo, hindi ko naman sinabi kung nasaan kayo kay ayoko naman na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD