Chapter 1 - Paladesisyon

2072 Words
MACRESH "CONGRATULATIONS sa iyo, Margarita. Masaya kami na napagpatuloy mo ang pag-aaral mo," ayan ang masayang bati ni Nanay sa akin nang matapos ang ceremony ng graduation ko ng college. Tipid aking ngumiti kay Nanay at niyakap siya. Gusto kong maiyak dahil sa nangyari sa buhay namin. Sinong mag-aakala na makakapagpatuloy pa ako ng pag-aaral matapos kong huminto at mapunta sa 'nasty bar' na iyon at gawing pulutan ng mga hayok na lalaki. Pero sa totoo lang, dahil din sa bar na iyon ay nakapagpatuloy ako sa pag-aaral. Kung hindi ako kinuha noong lalaking nakauna sa akin ay baka nandoon pa din ako at nagahasa na ng boss doon. At kung hindi ako nagtiwala sa kan'ya ay paniguradong nag-ooperate pa din ang bar na iyon. Naalala ko noong gabi na iyon matapos makuha ng lalaking iyon ang virginity ko ay nakatulog ako pero agad ding nagising nang muli akong makaramdam ng kiliti at hagod galing sa kan'ya. Hindi lang isang beses akong nagalaw nito kung madami at aaminin kong nasarapan ako sa mga ginawa namin. Nang magising ako noong umaga ay wala na ito sa tabi ko at tanging isang papel, cheque, pills at pain reliever lang ang nandoon. Sa note ay may nakasulat kung gaano siya nag-enjoy sa akin at binilin din na inumin ko ang mga gamot na nandoon. Pati na ang pangakong napag-usapan namin na hindi na ako babalik sa bar na iyon. Nakasaad din doon kung anong dapat kong gawin sa cheque na iniwan niya. Malaking halaga ang ibinigay nito o ibinayad nito sa akin. As in malaki! Kapalit ng gabing pareho kaming nagsaya ay napakalaki ng pera na ibinigay niya na hanggang ngayon na lumipas na ang isang taon ay meron pa din na nakatabi at nakalagay sa ginawa kong saving account. Napaayos ko din ang bahay namin at pati na ang dialysis ni tatay ay nasustentuhan. Nang subukan kong bumalik sa bar nang gabi na din na iyon ay nagulat ako dahil halos hindi na makilala ang lugar dahil sa sunog na gusali ang tanging nandoon. Sinubukan kong tanungin ang mga kasama ko doon at sinabi nila na nang gabing nawala ako ay bigla na lang nagkaroon ng sunog at wala niisang naisalba dahil hindi agad nakatawag para irescue dahil nga tagong bar ang gusaling iyo. Nang tanungin ko naman sila about kay Boss Toss ay sinabi nila na wala na silang balita dahil bigla na din itong naglaho at hindi na nakita pa. Hindi ko na inusisa pa ang iba dahil kahit paano ay nabunutan ako ng tinik sa nangyaring iyon. "Salamat, 'nay! Graduate na po ako kaya makakahanap na po ako ng magandang trabaho," saad ko habang yakap ko siya. "Magpahinga ka muna, ayos pa naman kami ng tatay mo lalo na at sagana ang mga pananim natin," saad niya. "Okay lang iyon, 'nay! Dagdag ipon din po ang sasahurin ko sa trabaho ko," nakangiting saad ko nang humiwalay ako ng yakap sa kan'ya. Bago kami umuwi ng bahay ay bumili muna kami ng isang bilaog maja blanca sa pagawaan ng mga kakanin. Bumili din kami ng lechong manok para ulamin sa bahay. Pagdating namin doon ay saktong naghahanda ang dalawa kong kapatid. Binati lang din nila ako bago namin inayos ang mga pagkain. Tinawag ko si tatay na nasa taniman para kumain. Masaya ako nitong sinalubong ng yakap. "Maligayang pagtatapos, anak! Masayang masaya ang tatay para sa iyo, sa inyo ng mga kapatid mo," saad nito. "Para po sa inyo tong lahat ni Nanay, 'tay… kaya wag tayong bibitaw ha! Kahit mahirap at masakit ang dialysis!" nakangiting saad ko at humiwalay sa kan'ya. Tumango lang din naman ito. Niyaya ko na itong kumain sa kapag at doon kami sabay sabay na kumain. Hindi ko alam kung dapat ko ba talagang ipagpasalamat doon sa lalaking kumuha ng virginity ko ang nangyayari sa amin pero malaki din ang pagpapasalamat ko at bukod doon. Wala akong dapat ikagalit sa kan'ya dahil willing akong umayon sa kagustuhan niya para makawala sa kulungang bar na iyon. “ESHA! Lunch na tayo, bebe girl!” saad ni Lara na katabi ko lang ang table. Agad ko naman itong tinignan at nakita kong nag-aayos na io ng gamit habang kinukuha ang pagkain niya. “Wait lang, Ate Lars. tapusin ko lang itong ipapasa kong report kay ma’am baka po kasi madali na naman ako,” saad ko. Ilang buwan na kasi ang lumipas at eto ako, mag-iisang buwan na sa trabaho ko ngayon. Matapos kasi ng ilang linggo ay nag-apply na ako ng trabaho para makaipon pa din. Kahit kasi may perang nakatago sa akin ay ayokong magpakampante kaya naman nag-umpisa akong magtrabaho ay pinagpala ako na makuha ako sa isa sa pinakamagandang kompany sa bansa. Mabait ang mga katrabaho katulad nila Lara at Amelia na malapit sa table ko. Sila ang una kong mga naging close dito kahit pa ahead sila sa akin ng dalawang taon sa trabaho at edad. “Alam mo, Lara! Gusto mo lang talaga itong kasabay si bebe girl natin kasi nanghihingi ka ng ulam niyang masarap!” usal ni Ate Amelia na dumungaw sa akin. “Tapusin mo na iyan, bebe ko! Para makalibre tayo ng graham sa cafeteria!” saad niya na ikinatawa ko, lalo na ng batuhan siya ni Lara ng papel. “Ako ang sinasaway mo, e ikaw itong may hidden agenda!” angil ni Lara sa kan’ya. Ewan ko ba naman kasi, sa tuwing kakain kami sa cafeteria lagi kaming inaabutan ng graham o kahit anong dessert doon. Sabi nila ate ay hindi naman daw sila nakakatanggap ng kahit na anong libre noon, ngayon lang daw kapag kasama ako. At dahil alam kong hindi ko matatapos itong ginagawa ko, inihinto ko na lang muna at inayos na din ang gamit ko para sa lunch. Naging masaya naman iyong dalawang at mabilis na tumayo, ginaya ko din sila kaso nga lang biglang lumabas ang head namin sa opisina niya at tinawag ako. “Macresh, kindly bring this to Mr. Acosta’s office,” utis nito sa akin kahit pa nakita na nitong lunch break. “Sige po, pero pwed-” “Now! Anong hindi mo naiintidihan doon?” tanong nito na ikinailing ko. Kinuha ko na lang iyon para hindi na humaba ang usapan namin at bandang huli ako na naman ang lalabas na masaa. “Una na kayo doon, susunod na lang ako,” saad ko kila Amelia at Lara nang makalabas kami doon sa loob. Nakita ko naman na ngumuso si Amelia at alam kong may sasabihin na naman ito. “Alam mo, feeling ko pinag-iinitan ka talaga niyan ni ma’am, biruin mo lunch na pero inutusan ka pa!” saad niya na ikinatawa ko. “Ano namang kakainggitan niya sa akin? Mas malaki ang sahod niya, maganda ang trabaho!” saad ko sabay pindot ng elevator. “Maganda nga trabaho niya, hindi naman siya maganda katulad mo,” saad ni Ame na ikinatawa ni Lara. “Mismo! Yung ganda mo kasi parang illegal na gamot! Kahit hindi pwedeng angkinin o tignan, hindi maiiwasan at gusto pa ding titigan!” saad ni Lara. Napailing na lang ako dahil noong nasa bar pa ako ganyan din ang tawag sa akin. Illegagal ecstasy nga daw. Bago pa kami magkabolahan doon ay umakyat na ako sa taas dahil baka maover lunch pa ako kung hindi ko bibilisan. Nang makarating ako doon ay agad naman na bumungad ang malamig at tahimik na presensya ng palapag na iyon. Ngayon lang ako nakapunta dito dahil nga bago ako kaya hindi pwede pumunta dito basta-basta kung hindi ka naman inuutusan. Huminga ako ng malalim bago inumpisahan na maglakad papunta sa talagang pakay ko. Agad na bumungad sa akin ang dalawang lalaking nakaitim na suit, nakaupo sila sa isang lamesa na mahaba bago ang pintuan ng opisina ng CEO. Nakatingin sila sa akin na parang nagtataka dahil napadpad ako doon. Ilang ulit akong lumunok ng laway ko dahil para akong natuyuan ng lalamunan dahil sa takot at kabang dulot nila. “Are you lost, miss?” malalim ang boses na tanong ng lalaki sa kaliwa. “Hindi po! Ahm! Galing po ako sa Admin Department, ibibigay ko lang po itong report na ipinapaabot ng head namin,” saad ko sabay pakita ng isang blue na folder. Doon ko lang narealize na hindi ko pala naabot kila Lara ung bag ko. Nagtinginan naman silang dalawa bago ibinalik sa akin ang tingin at pinasadahan ako ng mga tingin nila. Sabay-sabay naman kaming napatingin nang bumukas ang pintuan ng opisina ng boss at lumabas doon ang isang lalaki na medyo jolly dahil sa ngiti nito. Sap pag-aakalang siya ang boss namin ay yumuko ako bilang pag-galang. “Ay! Hindi ako ang boss! Wag kang yumuko, ganda!” saad nito at mabilis na lumapit sa akin. “Bakit ka ba napunta dito, ganda? May kailangan ka ba?” tanong nito na ikinatango ko. “Ahm! Napag-utusan po akong ibigay ito,” saad ko sabay pakita ulit ng folder. Tumango naman siya sa akin at agad na itinuro ang pintuang pinaglabasan niya. “Sa ganda mo, wala ka naman sigurong ibang balak, ‘di ba? Kaya sige, pasok ka na doon,” saad nito na ikinagulat ko. “Hindi po ba sa inyo ito ibibigay?” tanong ko na ikinailing nito. “Nope! Once na report ang iniaabot, kayo ang nagbibigay direct kay Mr. Acosta,” nakangiting saad niya. “By the way! I’m Noah! Tapos iyong dalawang pangit doon ay si Zeiah at Kheil,” “Ako naman si Esha, bago lang ako. Sige na, ahm! Aabot ko na ito kay sir. Maglalunch pa kasi ako,” paalam ko na ikinatango niya. Muli akong lumunok ng ilang beses bago ako kumatok sa malaking pintuan kung saan nandoon ang isa sa sinasabi nilang makapangyarihandito sa loon=b ng gusaling ito. “Come in,” mahina lang iyon pero buo ang pagkakasabi Inikot ko ang handle ng pintuan at marahang sumilip doon bago tukuyang pumasok. Agad na binalot ng lamig ang katawan ko habang binalot ng panlalaking amoy ang ilong ko. Agad naman ding hinanap ng mata ko ang kailangan ko na hindi naman ako nahirapan na hanapin dahil nakatingin din siya sa akin. Sa hindi ko malamang dahilan hindi ako natakot sa mga tingin niya bagkus parang komportable ako at parang nagkita na kami. Para akong nalunod sa mga mata nitong pinaghalong black na may pagreen. Ang ganda ng mga kulay ng mata niya. “Do you keep on staring at me? You’re wasting my time, miss!” Para naman akong natauhan sa malalim niyang salita at napakurap ng ilang beses dahil doon. Mabilis akong yumuko at marahang lumapit sa kan’ya. “Sorry, sir. I’m E-Esha Lopez from the Admin department. My head told me to give you this r-report,” nauutal na saad ko. Inilagay ko sa table niya ang report bago siya tinignan. Agd ko namang itinago ang bag na pinaglalagyan ng baon ko nang makita kong doon siya nakatingin. “It’s your lunch time but you came here?” tanong nito at para akong natakot dahil may gigil sa panananlita niya. “Yes, sir. My head-” “You can speak tagalog, Ms. Lopez!” putol niya sa sinasabi ko. Gusto ko na umiyak! Scam lang pala iyong hindi ako natatakot! Natatakot na pala ako ngayon! ‘“Pasensya na po. Opo, kasi sabi po ng head namin na kailangan po iyan kaya po pinapunta na niya ako dito,” tugon ko habang pigil na pigil na hindi mautal dahil sa panginginig ko. “Go!” Mabilis akong tumango at tumalikod pero bago ako makaalis ng tuluyan ay nagsalita ito na nagpahinto sa akin. “What’s your department again?” Mabilis akong humarap bilang paggalang at sa pagkakataon na ito ay nakita ko siyang nakatayo at muling nakatitig sa akin. Parang may kung ano talaga sa pakiramdam ko na parang kilala ko siya pero imposible naman dahi wala akong kaibigang mayaman pero baka isa sa mga naupuan ko noong nagsasayaw pa ako. “Admin po, sir,” saad ko na ikinatango nito. Muli itong tumitig sa akin napara bang inaarok ang iniisip ko. “From now on, ikaw na ang maghahatid ng mga reports ninyo. Kapag pumalya ka, I will fire all of you in the Admin department, understand?” seryosong saad nito. Hindi utos iyon, bagkus iyon ay pahayag at sinasbing pinal niyang desisyon na hindi ko dapat kaligtaan. -----------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD