Nagising ako sa haplos ng isang kamay sa pisngi ko. Unti-unti kong binuksan ang mata ko dahil ramdam kong nakabukas ang pintuan ng balcony at pumapasok mula doon ang sikat ng araw.
“Good morning.” Bati sa akin ng matipunong lalaki sa aking tabi. Nakaupo ito sa gilid ng kama. Napansin kong wala itong suot na pang itaas at tanging itim na boxer shorts lang ang suot nito.
Ngumiti ako ng mapakla.
“Bawal ang malungkot dito. Hindi mo ba na-enjoy ang ginawa natin?” Nakangiting tanong nito.
Hinampas ko ang braso niya. “Sira.”
“Alam mo yon. Mas nauna pa natin natikman ang isa’t isa kaysa sa magpakilala.” Natawa nitong sabi sabay tingin sa balcony.
“Hindi na kailangan.” Wika ko. At wala akong balak magpakilala pa kay Lance.
“Bakit hindi? Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo. Basta ako, magpapakilala ako. At least, diba? Matatandaan mo ako.” Kampante niyang sabi.
“Pero bago yan, hindi ka ba hinahanap ng kaibigan mo?” tanong ni Lance.
Napaupo ako ng mabilis at hinanap kaagad ang phone ko. Nasa bedside table pala ito sa tabi ng balcony kaya inabot ko ito. Sakto namang bumungad kay Lance ang likuran ko dahil napatuwad ako para abutin ang phone ko. Naalala ko wala pa pala akong suot na kahit ano. Napasinghap ako nang halikan ni Lance ang kaliwang pisngi ng pwet ko.
“Lance!” Bulyaw ko. Tumawa lang ito sa akin. Nang bumalik ako sa pwesto ko ay hinampas ko ang braso niya.
“Hindi ko mapigilan. Ang ganda kasi.”
“Tumigil ka, ha.” Banta ko habang nagco-compose ng text kay Katie.
Sakto naman na bago ako makapag-text ay sunud-sunod ang mga missed calls at text messages ni Katie.
“Siguradong nag-aalala na ang kaibigan mo.”
Tumingin ako saglit kay Lance at bumalik rin ang tingin ko sa phone ko para magcompose ng message kay Katie. Sinabi ko sa message na babalik na ako maya-maya doon. Tsaka ko na e-explain kung anong ginawa ko.
Sa pagtingin ko kanina kay Lance ay naisip kong may care siya at hindi basta s*x lang. There is this mutual feeling na hindi ko maipaliwanag.
“Nag-text na ako sa kanya. Hindi na yon mag-aalala.”
“Nag-order pala ako ng food. Baka nagugutom ka na. Medyo intense kasi yung nangyari kagabi at nakatulog ka kaagad. Just making sure na may laman ang tummy mo.”
I tilted my head and stared at him with awe. “Ilang taon ka na, if I may ask?”
Sumandal siya sa kama at tumingin sa mataas na kisame na may chandelier.
“I’m twenty eight years old. Why?”
“Wala naman. Shouldn’t you have girlfriend?” Tanong ko. Pumikit ito at pagkatapos ay tumitig muli sa ceiling.
“Actually, mayroon akong fiancée.”
Hindi ako umimik.
“Dapat sinabi ko muna pala bago may nangyari sa atin,” dagdag pa ni Lance.
“In a relationship din naman ako.” I confessed.
“I’m not saying na pagsisihan natin ang nangyari kagabi. I honestly loved it.” Humarap ito sa akin. “Alena, can we do this again?”
Natawa ako. “We both know na hindi ito dapat nangyari. This is just a one night stand. We can’t do this again.”
I saw a glint of sadness sa kanyang mukha ngunit nawala rin iyon agad.
“I understand. I guess this will be the last time na magkikita tayo.” Ramdam ko ang pagkawala niya sa mood pero he did his best to hide it.
“Pareho kasi tayong in a relationship kaya hindi na ‘to dapat maulit pa. It was really a good one though,” wika ko.
Tumango-tango siya at saka na tumayo. Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin.
“Tumayo ka na at kumain muna,” aniya.
“It’s okay. Sa hotel na lang namin ng kaibigan ko ako kakain. Thank you sa invitation.”
“Uhm, hanggang kailan ba kayo dito?” he asked hesitantly.
“Uuwi na kami sa Wednesday ng umaga. Ikaw ba?”
“Thursday morning naman ako. Until then, pwede bang sulitin natin ang stay natin dito? After that, we will never see each other again,” he decided. Napaisip ako sa sinabi niya.
Alam kong mali ang ginagawa namin dahil may asawa ako at may fiancée naman siya. Pero sa isang gabi lang ay naramdaman kong masaya ako.
“Deal,” I finally confirmed.
Ngumiti si Lance sa akin at hindi na nagsayang pa ng oras na hilahin ang kamay ko palapit sa kanya at halikan ako sa labi. Gumanti naman ako at naramdaman ko na naman ang mainit at mapusok na nararamdaman ko para kay Lance.
He is really irresistible.
Nakatapos kami ng isa bago niya ako hinayaang bumalik sa hotel ko.
Pumasok ako sa room namin at nakita si Katie na nakaupo sa kama habang may kausap sa phone. Binaba muna niya iyon at humarap sakin.
“Baks! Ano ka bang loka ka! Muntik na akong tumawag ng mga pulis para i-report kang missing. Saan ka ba nagpunta?” Nag-aalalang tanong ni Katie.
“May nakilala lang akong tourist din dito. Nag-inuman lang. Nakatulog kasi kaya hindi na kita na-text agad.” Paliwanag ko.
“Ikaw ha! Jusko mabuti na lang pinakalma ako ni Brenn.” Aniya.
“Sorry, Katie. Sakto kasi ayokong ma-interrupt ko kayo ni Brenn. Moment ninyo kasi ‘to. Tsaka baka umalis ulit ako mamaya. Okay lang ba kung umalis muna ako? May kasama naman ako.”
“Baks, malaki ka na. At gusto ko rin naman ma-enjoy mo ‘to kaya sige, go lang. Salamat din sa pang-iintindi mo samin ni Brenn.”
“Speaking of Brenn, nasaan siya?” Tanong ko.
“Lumabas siya saglit. Babalik rin siya maya-maya. Magpictorial lang kami sa mga tourist spots dito. Isasama ka nga sana namin ang kaso may sarili ka nang lakad.”
“Ah, ganon ba. Sige. Magpapaiwan na lang muna ako dito. Aalis din ako maya-maya.”
Hindi ko na gustong dumagdag pa ang mga iniisip ni Katie kaya napagpasyahan kong ilihim na lang ang nangyari sa amin ni Lance. Ilang araw lang naman at maghihiwalay na kami ng landas. Gusto ko lang sulitin yung panahon na may nagparamdam sa akin na importante ako at dapat bigyan ng oras kahit saglit lang.