Sinundo ako ni Lance sa spot kung saan kami aksidenteng nagkita dito sa dalampasigan.
“Ready ka na ba?” Tanong nito sa akin.
“Kanina pa.” Ngiti ko naman. Kulay blue ang summer shorts nito at naka-shades pa. Para siyang model sa ganda ng katawan niya. Wala siyang T-shirt at kitang-kita ang toned niyang katawan.
“Tapos ka na bang titigan ako?”
“In your dreams.” I rolled my eyes.
He chuckled. “Mas bagay mo pala ang floral na swimsuit. Mukhang inosente pero wild.” He smirked. Namula ako sa sinabi niya.
“Puro ka kalokohan.” I retorted.
Lumapit ito sa akin at bumulong. Naamoy ko ang kanyang pabango na parang breeze ng hangin sa dagat.
“And I like your long and wavy hair.” He kissed my cheek. “Mamaya.” Kindat nito sa akin. Alam ko na ang ibig niyang sabihin.
Hindi talaga ako makapaniwala sa kanya. Napakapresko niya. Hinila niya ang kamay ko para pumunta na sa activity na gagawin namin ngayong araw.
We did kayaking first. Siya ang nasa harapan at ako ang nasa likod. Magaling siyang ibalance ang sarili kaya hindi tumaob ang kayak. It was exciting yet tiring. May iba rin kaming mga kasabay.
“Are you having a good time?” Sigaw nito sa akin habang puma-paddle ako.
“Masakit na ang braso ko!” Sigaw ko pabalik dahil tanging ang malakas na alon ang naririnig ko.
Tumawa ito at sinimulang bumalik sa pampang. Nang makabalik ay tinulungan niya akong makababa.
“Thank you.” I mouthed.
“Did you have fun?” Tanong niya habang hinuhubad ang kanyang life jacket. Nang matapos siya ay tinulungan niya akong hubarin ang sa akin.
“Sobra! Kaso nakakapagod! Grabe!” Tawa kong sabi.
“Bawal ka pang mapagod. May pupuntahan pa tayo.”
“Saan?”
At nag-snorkeling kami.
Habang nasa ilalim kami ay manghang-mangha ako sa iba’t ibang uri ng mga isda at coral reefs. Dinadaanan lang namin sila and it’s really fascinating. Iba talaga ang ganda ng nature. Hindi nakakasawang tingnan. Masaya akong kasama ko si Lance. Kahit sa panandaliang panahon ay nakalimutan ko ang mga problema ko. Habang nasa ilalim kami ay hindi ko rin maiwasang hindi siya pagmasdan habang nagda-dive siya. Lance is really attractive and a gentleman. Mukha lang talaga siyang presko. Well, ganon lang talaga siguro siya.
Nang matapos kami sa pag-snorkeling ay nagpahinga muna kami sa dalampasigan. Umupo siya sa tabi ko at pareho naming pinanood ang mga tao sa dagat.
“Grabe, sobrang ganda ng mga isda.” Wika ko habang pinipilipit ang buhok ko para matuyo ito kaagad. Kita na ang konting sunburned skin ko at ang natural skin na natatakpa ng bikini ko.
“Sobrang ganda nga. Sobrang ganda mo with that wet look.” Wika ni Lance. Napatingin ako sa kanya at halos manlambot ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin.
“Alam ko na ang tingin na yan. Ganyan ka na makatingin sakin noong una pa lang tayo magkita sa supermarket.” Sabi ko habang pinapanood ang mga nagsu-surfing sa dagat.
Natawa naman siya. “Ganon pala ka-obvious. At least alam mo, diba?” Tumingin ito sa akin saglit at pagkatapos ay bumalik muli ang tingin nito sa mga tao sa dagat na may nakakalokong ngiti sa kanyang labi.
“Hindi ko nga alam, eh.” Sarcastic kong wika.
“Mag-scuba diving naman tayo bukas tapos pumunta tayo sa secret lagoon.” Suhestiyon nito.
“Thank you pala, Lance.” Pag-iiba ko.
Tumingin siya sa akin. “Thank you saan?” Nakakunot noo niyang tanong at pagkatapos ay ibinalik muli ang tingin sa dagat.
Pinaglaruan ko ang mga daliri ko at napunta na roon ang aking atensyon. “Kasi ako ang gusto mong makasama sa mga pinupuntahan mo.” Ngiti ko.
“Bakit naman hindi?” Humarap ito sa akin at hinawi ang buhok na nasa pisngi ko sa likod ng aking tenga. “Sa totoo lang, attracted talaga ako sayo. Hindi naman ako magpapakahipokrito rito. Maganda ka, Alena. Sexy, hot. Hindi ka naman mukhang basta-basta lang. Simple ka pero may dating kaya napukaw mo ang atensyon ko. Honestly, hindi lang ako. Simula noong nakasama kita rito, maraming napapatingin sayo. Kaya sinisigurado kong malapit ako sayo para alam nilang ako ang kasama mo.” He confessed without his eyes leaving mine. Hindi ako handa sa mga sinabing yon ni Lance. And honestly, naramdaman ko na attractive pa rin ako at may nagkakagusto sa akin. Na hindi ko pala kailangang humingi ng atensyon katulad ng ginagawa ko sa asawa ko.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga sinabi ni Lance. Sa tagal na panahon, ngayon ko lang narinig ang mga salitang nakakapag-boost ng p********e. Matagal na panahon na simula noong marinig ko ang mga compliments mula kay Liam. It feels good to hear some compliments again.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla akong lumapit at hinalikan si Lance kahit pa nasa public kami. Hindi ko ininda ang mga titingin sa amin. Hindi naman nila kami kilala kaya hindi ko na sila inisip pa. Gumanti naman ng malalim na halik si Lance at pagkatapos ay kumalas na ako.
“Hindi ka pala dapat kino-compliment. Lumalabas ang wild side mo.” Natatawa niyang sabi. “Pero honestly, gusto ko.”
I smiled at him.
“Matagal na ba kayo ng fiancée mo?” Tanong ko.
“Four years na kami. Last year ako nag-propose sa kanya.” Humarap siyang muli sa dagat at pinanood ang araw na malapit nang lumubog.
“Nasaan siya? Hindi ba dapat kasama mo siya ngayon at hindi ako?” Nagtataka kong tanong.
Huminga siya ng malalim.
“Hindi ba dapat kasama mo rin ngayon ang partner mo?” balik na tanong nito sa akin. I realized that I didn’t like the question too. Hindi ako umimik. Huminga siyang muli ng malalim at sumagot.
“Nasa America siya. Sakto kasi na pagkatapos kong mag-propose sa kanya, na-grant ang papers niya doon.” Hindi ko ramdam ang tuwa sa kanyang boses. Para bang nagkukwento lang siya for the sake lang na maikwento niya.
“Sorry, ah. Ang dami kong tanong.” Napakagat ako sa aking labi.
“Okay lang. Wala naman akong dapat itago.”
“Hindi ba dapat masaya ka? Pwede ka namang pumunta doon kapag ikinasal na kayo.” I became nosy.
Bumuntong hininga na naman siya. Senyales na hindi na rin siya masaya sa kanyang relationship.
“Sa totoo lang, hindi ko kasi nakikita ang sarili ko sa America. Actually, alam niya iyon. Mas gusto kong manirahan dito sa Pilipinas. Nandito kasi ang puso at isip ko.” Sagot nito. And I could tell he is telling me the truth.
I know that saying. That men more likely to share their problems with another girl than with their partners. Why? Because their partners are the problem.
“Reality speaking, Lance. Mas maraming opportunity doon.” I said truthfully.
Lance chuckled. “Believe me, ilang beses ko na rin sinabi sa sarili ko yan. Pero kahit anong gawin ko, wala akong maramdaman na enthusiasm doon.” Simpleng sagot niya.
Napagisip-isip ko na manahimik na lang. Ayokong sirain ang mood ni Lance kaya naisipan kong baguhin na lang ang usapan. I don’t want to be the problem solver because that’s not the reason why I signed up for this set up.
“May mga bagay talaga na hindi kayo magkaparehas ng partner mo. You have to compromise to make the relationship going.” I said. I looked at him and he looked at me.
Ngumiti ito sa akin. “Kailan ka pa naging relationship guru?” Wika niya.
“Just now.” Pagmamalaki ko.
“Ang swerte siguro ng partner mo sayo. Napakamaintindihin mo.”
Tumingin na lang ako sa papalubog na araw. Ngumiti na lang ako na hindi abot sa aking mata.
Kung alam niya lang.