Habang nakasakay sa kotse katabi si kuya Ben ay nakatitig lamang ako sa labas at pinapanood ang mga malalaking bahay dito sa village kung saan nakatira ang magulang ni Liam. “Ma’am Alena, saan po tayo?” tanong ni kuya Ben. Napaisip ako sa tanong ni kuya Ben. Where am I gonna go? “Sa shop po nung kaibigan ko, kuya. Si Katie.” Sagot ko kay kuya Ben. “Ah, okay, ma’am.” Tahimik kami pareho ni kuya Ben pero hindi lumipas ang sampung segundo nang magtanong ito. Hindi na siguro niya matiis. “Ma’am, ayaw niyo po ba sa bahay niyo ni Sir Liam? Pwede ko naman po kayong ihatid doon.” Wika ni kuya Ben. Kahit si kuya Ben nagmamalasakit. Alam kong alam na ni kuya Ben ang nangyari. Sino bang hindi makakaalam, dinig sa buong bahay ang commotion kanina. “Salamat, kuya Ben. Hindi na kasi ako titir