Chapter 52

1355 Words

Tumayo rin ako para pigilan si Katie at pinaupo ulit siya. “Katie, umupo ka nga. Huminahon ka,” wika ko. “Hindi ako makapagpigil. Talagang nangigigil ako sa nanay ng Liam na yan.” Nanggigigil na wika ni Katie. “Wala ka na rin naman magagawa. Tsaka tapos na ang lahat, Katie. Naghiwalay na kami ni Liam.” Pag-uulit ko sa kaibigan ko. Huminga na ng malalim si Katie. “Sige, tuloy mo ang kwento para manggigil pa ako lalo.” “Napagbuhatan na rin ako ng kamay ni Liam.” “Aba, hutanginabels! Hindi na ako nanggigigil, galit na galit na ako! Ayoko nang makarinig pa ng kahit na ano. Sapat na sa akin ang mga narinig ko na yan.” Nanggagalaiting wika ni Katie. “Baks,” tinitigan ako ni Katie. Maluha-luha ito at niyakap ako. Hindi na ako makaiyak dahil naubos na siguro. Napagod na ako kakaiyak para sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD