“Ano bang pag-uusapan natin? Sa pagkakaalam ko kasi wala na tayong dapat pag-usapan pa.” Sabi ko. Hindi ako komportable sa sinasabi ni Liam. Negatibo na kaagad ang nasa isip ko dahil sa mga nangyari noon. However, he looked sincere this time at hindi nanggagago. “About our past.” Kalmado niyang wika. “Liam, almost a year na tayong hiwalay.” I stated. “Actually, I haven’t signed the papers yet.” He looked me in the eyes. “Hinihintay kita. Hinihintay kitang bumalik para makausap kita.” Hindi ko maintindihan. Bakit hindi niya pa pinipirmahan? Hindi ba mawawalan ng bisa iyon dahil sa tagal na ng duration? “Bakit hindi mo pinirmahan? Pinirmahan ko na yon, Liam, kaya tapos na tayo.” He smiled but it didn’t reach his eyes. “Tapos ka na siguro sa akin. Pero nung umalis ka at nagpakalayo, d