Ang isang linggo kong pananatili sa Maynila ay naging isang buwan. Hindi ko rin maiwan muna si Katie dahil namiss namin ang isa’t isa at sinasamahan ko siya sa pagpe-prepare ng kasal nila ni Brenn. Sinamahan ko si Katie na maghanap ng magandang gown. Moment iyon ni Katie kaya gusto ko siyang suportahan sa greatest day ng kanyang buhay. Sinamahan ko rin siya sa paghahanap ng wedding organizer hanggang sa pagpili ng kanyang giveaways. Gaganapin ang kasal nila kapag nakauwi na si Brenn. Hindi pa kasi siya umuuwi dahil in-extend ang kanyang fieldwork sa La Union. Umuwi kami ni Katie sa bahay niya at naisipang magpadeliver na lang ng makakain sa bahay niya. “Grabe! Sana umuwi na si Brenn. Namimiss ko na ang soon-to-be husband ko.” Nangungulilang sambit niya. Humiga si Katie sa kanyang cou