“Nakakahiya naman kung hindi ako magbabayad ng renta sayo,” wika ko. “Tsaka nasanay na rin ako dito sa bahay na ‘to. Lalo na nandito sina Melai.” “What? Who said you’re going to pay me? It’s all free.” Aniya. Narito kami ngayon ni Lance sa kusina at kumakain. Nagluto ako ng adobo kaya dito ko na siya pinakain. Gusto ko sanang itanong ang tungkol sa fiancée niya pero minabuti ko na lang na huwag na muna. Hindi naman niya ito binanggit kanina kaya I assume na ayaw niya itong pag-usapan katulad ko kay Liam. “Hindi na. Mas maganda na dito na lang ako. May kaibigan naman ako dito. Si Melai. Mamimiss ko yung baby niya si Joshua.” Wika ko. “Hindi na ba talaga mababago ang isip mo?” Tanong ni Lance. He’s looking intently at me na para bang mababago no’n ang pasya ko. “Hindi na.” Wika ko. Tu