“Pasok ka,” anyaya ko kay Lance. Tumuloy siya sa loob ng bahay at umupo sa sofa. “Free ka ba today? Yayain sana kita sa bar mamayang gabi. Kasama ko mga new friends ko dito. Gym buddies ko yung iba, doon ko sila nakilala. Yung dalawa ka-work ko.” Wika ni Lance. “Sa bar?” Tanong ko nang makalapit sa kanya. Lance smiled. “Haven’t you been in a bar?” He asked amused. “Hindi pa. Never been there,” sagot ko. Nagkibit-balikat rin ako. “Don’t worry hindi naman yon mukhang illegal na nakikita mo sa mga raid sa tv. Open yon. Walang walls. Mga LED lights lang na nakapalibot sa lugar tsaka near sa beach siya. Yung bar counter na made in wooden board lang ang makikita mo doon pati mga mesa at upuan. May banda rin na tumutugtog doon.” Lance explained. I let out a breath. “Okay, sige.” Sagot ko.