Nagpunta ako sa bangko para ideposito ang limang milyon na ibinigay sa akin ni papa Philip. Hindi ko maaaring itago iyon sa apartment dahil baka looban ako at makuha ang lahat ng iyon. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nangyari iyon dahil galing ang pera na yon sa isang mabuting tao. Lumipas pa ang mga linggo at naging maayos ang lagay ko sa trabaho. May mga naging kaibigan na ako doon at nasanay na ako sa araw-araw kong gawain. May mga panahon na sumasama ako kina Sir Andrew at Venice. Isa ring front office associate si Venice na nauna lamang ng ilang buwan sa akin. Napapansin ko rin ang kakaibang galaw sa akin ni Sir Andrew. Palagi kasi ako nitong niyayaya sa tuwing lalabas sila nila Venice at iba pang dtaff na under sa kanya. Nabanggit rin sa akin ni Venice na parang may pagtin